A/N this is my first fantasy story! kaya libre ang critism. mag comment kayo kung ano yung panget sa story kahit masama pang comment ok lang.. pasensha na po kasi madaliang update ang ginawa ko di2.. kailangan ko din kasing tapusin yung isa ko pang story!... salamat sa mga magbabasa nito.. godbless
Ang mga Anghel sa lupa
Maghahating gabi na ay hindi parin makatulog si Enah, kaya lumabas siya ng kanyang silid para pumunta sa kwarto ng mama niya. Ganun naman parati ang ginagawa niya pag hindi siya makatulog pupuntahan niya ang kanyang mama, para basahan siya ng kwento hanggang siya ay makatulog. Pagkapasok niya sa silid ng kanyang mama, nakita niyang gising padin ito.
"Anak, bakit hindi kapa natutulog?" Tanong sa kanya
"Hindi po ako makatulog mama, pwde dito muna ako matulog?" aniya
"O, sige anak dito kana matulog!"
"Salamat ma."
Dali-dali siyang naglakad papunta sa higaan ng mama niya. Humiga siya sa tabi nito at nagtaklob ng kumot sa katawan. Mayamaya nagsalita siya sa kanyang mama.
"Ma, kwento mo po ulit sakin yung tungkol sa itim at puting anghel."
"Anak, hindi kapaba nag sasawa kwentong iyon?"
"Sige na ma, gusto kong marinig ulit ang kwento tungkol sa kanila"
"O, sige! Kwe-kwento ko ulit sayo ang kwento tungkol sa mga anghel"
Umayos muna ng higa ang mama niya sabay nagsalita.
Matagal na panahon na nang mangyari ito.
Masayang nag sasama-sama ang mga anghel sa kalangitan. Lahat sila ay may kulay puting pak-pak at my angking kakayahan at ibat'ibang kapangyarihan Bawat isang angel ay may sampung binabantayan na mortal sa lupa. Ang mga anghel ang gagabay sa kanila para hindi sila malihis ng landas at may sagradong batas ang mga anghel. Ang sagradong batas na iyon ay, Hindi sila maaaring mainlove o, mag mahal s mga ginagabayan nilang mortal. Dahil pag nag mahal sila ng mortal ay magiging kulay itim ang kanilang pakpak at ipapatapon sila sa lupa at sila ay tatawaging itim na anghel.
Nangyari nga ang hindi dapat mangyari maraming anghel ang nagmahal ng mortal. Kaya nag bago ang kulay puti nilang pak-pak at naging kulay itim. Kaya ipinatapon sila sa lupa ng kataas-taasang anghel na si Veronica. Kaya nag kalat ang mga itim na angel sa lupa. Ang mga naparusahang itim na anghel, ay namuhay ng tahimik kasama ang kanilang minamahal.
Bumuo sila nang masayang pamilya. Pero may isa silang hindi mababago sa kanilang buhay.
Ayun ay pagiging isang tunay na angel dahil pagsumasapit ang alas dos ng madaling araw ay hindi nila mapigilan ang paglabas ng kanilang itim na pak-pak. Pag sumasapit ang oras na iyon ay lumilipad sila papunta sa hide out nang mga itim na anghel na Nag kikita-kita sila para hindi sila makita ng mga mortal. Makokontrol lang nila ang pag tago ng pak-pak nila pag sumapit ang ala sais ng umaga hanggang ala una ng madaling araw.
Pero may mga itim na angel ang lumihis ng landas. Sila ang mga nagalit at namuhi dahil napatay ng tao ang pinakamamahal ni Victoria isang itim na anghel.
patikim muna ito! wla pang maisip eh...
.............abangan.............

BINABASA MO ANG
Ang mga Anghel sa lupa
Mystery / ThrillerKaramihan sa mga puting anghel ang naging kulay itim ang pak_pak. Kaya ipinatapon sila ni Shiki Dorothy sa mundo ng mga Mortal.. Pero karamihan sa itim na anghel ang nang gugulo sa lupa!