Anghel sa lupa.
By: Kyu
(3)
a/n: pag pasensiyahan niyo napo ako kung matagal ang update ko! May problem lang po tlga ako at bka eto na po muna ang last story na gagawin ko! Maraming salamat po sa inyong lahat. At pwde po kayung mag comment ng hndi maganda sa story nato pansinin nyo po sana ang mga kamalian ko malaki ang mai22long nun para sakin..
Maagang gumising si mary, para maghanda ng pagkain nilang mag ina. Ngayon kasi ang araw ng kamatayan ng kanyang pinakamamahal na asawa.
Nang matapos ihanda ang mga dadalhin nilang gamit at pagkain papuntang sementeryo, ay agad na silang umalis dahil nagmamadali ang kanyang anak, na madalaw ang puntod ng kanyang ama.
Nang makarating sila Mary, sa puntod ng kanyang asawa, ay nag tirik siya ng tatlong puting kandila sa puntod nito habang magkatabi silang mag ina na nakaupo sa may nitso ng kanyang asawa ay hindi niya naiwasan ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata.
"Mahal kong asawa, mahal na mahal ka namin ng anak mo, at kahit nasaan kaman ngayon hinding hindi ka mapapalitan dito saaming puso." sabi ni Mary, habang ang kanyang anak naman ay umiiyak na inaalala ang mga masasayang sandali na kasama nila ang kanyang napakabait na ama.
Lumipas ang ilang oras....
mag didilim na ng mga oras na iyon. Kaya nagyaya na ang kanyang anak na umuwi sa kanilang bahay.
Nang makarating sakanilang bahay ay agad namang kumuha si mary ng damit ng kanyang anak pinagpalit niya ito ng kasuotan dahil masiyado itong napawisan.
"Anak, ito ang iyong damit, mag palit ka muna." sabi niya sa anak
Kinuha naman ng kanyang anak ang damit na ibinigay niya.
"Sige po ina"
Nang makapag palit ang kanyang anak ay pinatulog niya na ito. Dahil alam niya kasing napagod ang kanyang anak sa biyahe. At si Mary, naman ay binuksan ang t.v at naupo sa may sofa, naalala niya kung paano niya minahal ang kanyang asawa.
(flashback)
Sa mundo ng mga puting anghel.
"Mary, inaatasan kitang bantayan ang sampung mortal sa lupa. Gagabayan mo sila hanggang matapos ang dalawampung taon." utos ng kataas-taasan na si shiki Dorothy.
"Masusunod, shiki Veronica."
"Ipina-aalala ko lang sayo Mary, na wag mong lalabagin ang sagradong batas ng kaharian." Paalala ni shiki Veronica, kay Mary.
"Alam ko po iyon shiki Dorothy, bawal kaming mag mahal ng mortal na ginagabayan namin." tugon niya kay shiki Veronika.
Itong lalaking ito ang uunahin ko sa isip isip niya.
Nang makarating sa bahay ng unang gagabayan, ay nakita niyang umiiyak ito. Hindi niya alam kung ano ang problema ng lalaking gagabayan niya. Lumapit si Mary sa lalaki.
" Ikaw pala si Martin, wag kang mag alala dahil ako ang gagabay sayo." sabi niya dito.
"Sino ka? Pano ka nakapasok dito?" pasigaw na sabi sa kanya ni Martin
"Oops. Teka, hinay hinay lang wag kang magalit easy ka lang." sabi niya kay martin.
"E, sino ka nga? Anong ginagawa mo dito.?" pangungulit na tanong ni Martin kay Mary.
"Ako si Mary, isa akong anghel. Ako ang inatasan na gabayan ka dito sa mundo ninyo ako ang makakasama mo hanggang dalawang taon." paliwanag niya kay Martin.
"ha? Adik kaba? Kung gusto mong maniwala ako sa mga pinagsasabi mo anong pruweba mo?" sabi ni Martin
Tumawa si Mary, ng malakas habang nakatitig kay Martin.
"Gusto mo ng pruweba. Sige papakita ko ang pruweba para matigil na yang kakasatsat mo. Para ka kasing babaeng putak ng putak haha..."
naglakad si Mary ng kaunti at biglang lumabas ang pakpak nito At nag biro pa si Mary, kay Martin, nag posing pa siya sa harap nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Martin, sa na saksihan. Hindi siya makapaniwala na may anghel sa harapan niya. Hindi niya alam kung anong gagawin at hindi niya rin alam kung totoo nga ba talaga ang nangyari o, isang panaginip lang.
Nag hahalong emosyon ang nararamdaman ni Martin nung mga oras nayon.
"Martin! Ano pabang pruweba ang gusto mong makita para maniwala ka?" tanong ni Mary kay martin
"Wala na, naniniwala na ako, ang gusto ko lang ay sagutin mo ang katanungan ko!" tugon ni Martin kay Mary
"Ano ba ang itatanong mo?"
Tinitigan ni Martin si Mary sa mukha at nag salita.
"Bakit ako ang kailangang gabayan?"
"Simple lang Martin, dahil ang kaluluwa mo ay malapit nang mapunta sa impyerno dahil sa mga kasalanang pinag gagagawa mo! Kaya kailangan naming gabayan ang mga katulad mong makasalanan para mailigtas ang kaluluwa mo." paliwanag sa kanya ni Mary
Nang tuluyan nang matangap ni Martin si Mary, ay halos araw araw na silang magkasama. Walang araw na hindi sila nagiging masaya.
Lumipas ang isang taon, ay tuluyan na ngang nag bago si Martin. Tumuwid na ito ng landas.
Tuluyan na ring nahulog ang loob nila sa isat-isa hindi na inisip ni Mary na hindi na siya makakabalik sa kalangitan kapag nag mahal siya ng mortal ang tanging alam lang niya ngayon ay ang iniibig niya si Martin.
(End of flashback)
Tuluyan na ngang naka tulog sa may sofa si Mary, dahil sa sobrang pagod.
......nxt......

BINABASA MO ANG
Ang mga Anghel sa lupa
Gizem / GerilimKaramihan sa mga puting anghel ang naging kulay itim ang pak_pak. Kaya ipinatapon sila ni Shiki Dorothy sa mundo ng mga Mortal.. Pero karamihan sa itim na anghel ang nang gugulo sa lupa!