Ikatlong Kabanata: Ang Pagbabalik ng Itinakda

2 0 0
                                    

(Ethan's POV)

2020

"Mr. Ethan Garcia, tawag na po kayo ni Ms. President" ulat sa akin ng assistant ni Ms. Calderon.

Tumango ako at sumunod sa kanya papaalis ng prestilyosong waiting room. Sa ilang taon kong nagaaral sa Oxford, sa wakas, mabibigyan na ako ng isang trabaho. Isang trabahong matagal ko na pinapangarap.

May nakahanda nang dalawang tasa at isang teapot nang pumasok kami sa opisina ni Ms. Calderon. Malinis ito at maayos. Maraming pictures ang nakadisplay na nagpapakita ng magisang si Ms. Calderon. Matandang dalaga pala siya ngayon ko lang nalaman.

"Good morning Mr. Garcia, buti naman napaunlakan mo na ang tawag namin" bati sa akin ng sa tingin ko ay mid-40's na babae. "Take a seat please".

Ngumiti ako at tumango. Nginitin niya ako sa isang palakaibigan na paraan. Sa palagay ko, masayahin ang taong ito.

"Maganda ang resume mo Mr. Garcia. Suma cumlaude ng Oxford." sabi niya sa akin. Napangiti ako lalo baka hanggang tenga na ngiti ko. "Sa totoo lang, last year ka pa dapat magtratrabaho pero may I ask, bakit hindi pa kayo handa last year" tanong niya sa akin habang binaba ang portfolio ko.

"Sabi po kasi ng papa ko ma'am, huwag daw po akong babalik ng Pilipinas within 15 years" paliwanag ko na walang halong ka-weirdohan.

"Why is that, Mr. Garcia?"

"It's more of a superstition ma'am" sagot ko ulit. "Wala naman pong mawawala kung susundin natin ang mga bilin ng mga nakakatanda"

"Totoo yan kung naabutan mo lang ang tatay ko Mr. Garcia ay hihimatayin ka sa dami niyang alam na superstition".

Natawa ako pero yung enough lang para matawag na formal. "May I ask something Ms. Calderon?"

"Ask away Mr. Garcia" wika niya

"May hotel ba dito sa San Miguel na ang lobby kasing laki ng isang buong bukid at may mga marmol na poste at may chandelier na kasing laki ng isang swimming pool?" tanong ko.

Tinignan niya ako na parang nagjojoke ako. Na-realize ko bigla ang mga sinabi ko at kaagad ko naman binawi ang mga ito.

"Okay Mr. Garcia, handa na ang opisina mo. You may start Monday.". Hinanda niya ang kanyang kanang kamay para i-shake ko. Nagpasalamat ako at kinamayan siya.

Paalis na sana ako nang humabol sa akin ang assistant ni Ms. Calderon. Ngumiti siya sa akin at binalik ko rin sa kanya. "Mr. Garcia may dumating po palang birthday gift" wika nito. Nanlaki ang mga mata ko. Hanggang ngayon ba naman dumating pa rin ang yearly gift ko.

Tumakbo ako papunta sa front desk na dinaanan ko kaninang papasok ako. Andoon nakapatong sa marmol na counter, isang pulang bouquet ng pulang pula na rosas at may nakalakip na maliit na papel. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang takot. Taon-taon na ganito, kahit sa London umaabot ang mga ito.

Ang una kong hinahanap nang kinuha ko ito ay ang lugar kung saan ko pwedeng itapon ang regalong ito. Tumingin ako sa paligid ko at nakakita ako ng isang stainless na basurahan. Oramismo, nilapitan ko ito ant binagsak ang bouquet sa loob. Nakaginhawa ako nang nawala ito sa paligid ko. Nakalipas na ang labing-limang taon pero ayaw pa rin akong tigilan ng nilalang na iyon.

Magdidilim na nang makarating ako sa bus terminal. Iisa nalang ang natira na magdadala sa akin sa apartment na tiitirhan namin ng best friend ko mula college. Sumakay ako sa bus pero wala man ni isang tao, pwera sa akin, sa driver at sa isang lalaking nakalongsleeves na polo na may hawak na bouquet ng rosas. 

Ang bouquet ko.

Naalala ko ang description ni papa sa lalaki sa loob ng panaginip niya. Bagsak ang buhok, dark green ang mata, at isang gwapong binata na parang kaka-20 lang nito. Sakto ang paglalalarawan na iyon sa lalaking nakaupo sa bandang likod ng bus.

Hotel NocturnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon