Ikalawang Kabanata: Ang Kabilang Dulo ng Usapan

5 1 0
                                    

(Peter's POV)

2004

Galit talaga siya sa akin. Hindi lang sila galit baka bwisit na bwisit pa sila sa akin para magdala ng isang mortal dito sa hotel ko. Ngayon nagpapunta pa talaga si Bathala para magpaliwanag sa akin. Hindi man lang siya makapunta dito ng personal. Kung galit sila paano pa ako? Ako na muntik nang mamatay? Tapos hindi pa ako sisiputin ni Bathala.

"Bakit kayo nagpapunta ng mortal dito?!" iritable kong tanong kay Diane Masalanta.

"Sabi ni Daddy, panahon na daw para bumuka ang rosas at bilang diyosa ng pag-ibig responsibilidad ko yun." sagot niya sa akin. Yung rosas na naman! Lagi nalang yung rosas na yan! Sabihin nalang nilang gusto na nila akong tumawid na. Kung pwede lang ako na mismo gagawa kaso...

"Bakit hindi ako sinipot ng daddy mo?" tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng whiskey sa baso ko. "Gusto mo?'

"Hindi na, masyado nang maraming alak sa Banahaw dahil kay Ken." sagot niya sa alok ko habang tinitignan niya ang mga pictures ko sa pader. "At si dad as usual busy siya."

"Ako din naman ah. Nagpapatakbo lang naman ako ng isang hotel para sa mga engkanto pero pagpinatawag niya ako agad agad akong pupunta." sarcastic kong buwelta sa kanya.

"Syempre, siya lang naman si Bathala" sabi niya sa akin. Lumipat naman siya ng pagtutuunan niya ng pansin sa loob ng opisina ko. Sympre, mas importante pa gamit ko kaysa sa akin. Ako lang naman kasi to, si Peter Mendez limang daang taon nang buhay bilang parusa, na hindi dapat pansinin ng mga diyos at diyosa.

Humigop ako sa baso ko. Manamisnamis ang lasa ng whiskey na 'to pero walang tatalo sa mga champagnes ko.

"Yeah. Yeah. Whatever." sabi ko. Kumulog nalang bigla sa labas at medyo kumidlat. "Oh, shut up!" higaw ko sa bintana. Binagsak ko ang hawak kong baso sa desk ko sa init ng ulo.

"Kalma, Peter, kalma." mahinahon na sabi ni Diane habang may titignan na picture ko mula sa World War II.

Nagsalin nalang ulit ako ng whsikey pero sa kasamaang palad ginalit ko lalo si Bathala dahil imbes na kulay pulang likido ang lumabas ay naging tubig ito. Natawa si Diane sa nakita niya. Iniinis talaga nila ako.

"Sabi ko sa'yo Peter e, galit si Daddy" wika niya sa akin. Niroll ko lang mga mata ko. Syempre, sa tanda ni Bathala, muryutin na siya.

"Next time nga, magdala ka nga ng alak na gawa ni Ken" utos ko sa kanya. I tell you, he makes the great wines. Nakakamiss lang siya, maybe kailangan kong magpadala ng summoning para medyo sumigla naman ang hotel.

"Uhm." yun lamang ang sagot niya.

"After 500 years, gusto niya pa rin akong palitan"

"Hindi naman sa ganoon. Gusto lang niyang tumawid ka na. Magmove on."

Naghuff lang ako. Sa mga unang isang daang taon, hindi ko inindan ang parusang ito dahil hindi nila ako gustong palitan. Pero sa mga sumunod na daang taon, medyo nabored na kaya nagsimula na akong uminom, magshopping, at mamili ng mga sasakyan ko. Minsan nasubukan ko ding magsugal, at hindi nila ikinatuwa yun.

"Kung wala ka nang ibang katanungan, aalis na ako marami pa akong ipagkakasundong mga mortal" sambit niya sa akin. Nasa pinto na siya ng opisina ko nang may tanong na biglang pumasok sa isipin.

"Dumating na ba ang nakatadhanang magbubuka ng rosas?" tanong ko sa kanya. Napatigil siya sa kanyang mga hakbang at mukhang napangiti pa siya.

"Dumating na siya pero hindi pa panahon para makilala mo siya" sagot niya bago tuluyang lumabas sa pintuan ng opisina ko.

Dumungaw ako sa bintana ng opisina ko. Wala na ang mga tunog ng kulog sa langit maging ang mga kislap ng kidlat ay wala rin. Ang nasa langit na lamang ay mga kalat kalat na bituin at ang malaki at maliwanag na buwan, mukhang nagkakasundo ang magkapatid na Yani at Tala.

Hotel NocturnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon