(Raphael's POV)
2004
"Anak, sorry ah hindi ka muna mareregaluhan ni Papa" sabi ko sa anak kong si Ethan. Medyo malamig kaya hinubad ko ang aking jacket at isinuot ko sa kanya. Ano ba akong klaseng ama? Birthday ng anak ko pero wala man lang akong maibigay.
"Okay lang Papa. Meron pa naman po akong birthday next year tapos meron pa po pagkatapos noon" sabi ng anak kong may ngiti sa kanyang labi. Halos maiyak-iyak na ako sa kanyang mga sinabi. Kung hindi lang kami nahihirap ngayon bibilan ko siya ng pinakagusto niya.
"Sige anak basta alam mong mahal ka ni Papa" sambit ko sa kanya sabay halik sa malusog at mapulang pisnge ng anak kong nakaupo sa tabi ko. Andito kami ngayon nakaupo sa parke ng malaki naming lungsod dahil dito daw niya gustong icelebrate ang kaarawan niya.
"Mahal ko din kayo, Papa" niyakap niya ako tapos hinalikan sa pisnge. Masakit talaga sa akin na hindi ko man lang magbigayan ng maliit na salo-salo ang anak ko. "Sige, papa maglalaro muna ako". Tumayo siya at tumakbo para maglaro sa playground.
Nagpadulas siya sa slide, sumakay siya sa kaba-kabayo, at nagpaduyan-duyan sa swing. Masaya akong masaya pero hindi dapat ganito plano ko para sa birthday niya kaso wala akong trabaho.
Biglang may lumapit sa kanya ang isang babaing nakasquare pants na pink at pink na coat na may white tshirt sa loob. Ang babaing iyong ay may kakaibang kagandahan na pwedeng ilaban sa mga pageants. May hawak siyang isang bouquet na rosas. Lumapit agad ako sa kanya dahil may di-maganda aking kutob tungkol sa babaing ito.
"Excuse me miss, may problema ba sa anak ko?" tanong ko sa babae naa halong pananakot.
"Wala naman. Gusto niya lang atang bumili ng bulaklak." wika ng babae. "Ako nga pala si Diane Masalanta." Nagextend siya ng kamay para makipagkamay pero hindi ko ito ginawa.
"Miss, sorry pero wala kaming pera e." sagot ko sa babae. Tinignan lang niya si Ethan.
"Sorry po wala po kaming pero masikap na tao papa kaya balang araw magkakapera po kami." sabi ng anak ko. Nagulat at nasaktan ako sa sinabi ng anak ko. Alam kong gustong gusto niya ang rosas pero walang wala kami e.
"Pate, dahil masikap papa mo magiging matagumpay kayo balang araw sure ako" sabi ng babae.
Nung gabing iyon, hindi ako makatulog kakaisip kung paano makakabawi sa kabaitan ng anak ko. Habang si Ethan mahimbing nang nakatulog sa tabi ko ako naman ay nakatitig sa kyesame, nagiisip ng mga paraan. Marami akong naisip tulad ng kakain kami sa labas, bibilhn ko siya ng bagong damit o kaya laruan, dadalhin ko siya sa mall pero lahat isa lang problema, pera. Wala kaming pera.
"Gusto mong makabawi sa anak mo?" tanong ng isang nakakabighaning boses.
Napatayo ako sa katreng pinaghihigaan namin sa takot at gulat. "Sino andiyan?!" sigaw ko. Tinignan ko agad ang anak ko kung nagising ko siya pero mahimbing parin siyang nagpapahinga.
"Huwag kang matakot." sambit ng nakakabighaning boses sa akin. Lumingon lingon ako sa loob ng aming kwarto pero walang tao pwera sa aming dalawa ng anak ko.
"Kung sino ka man, wala kaming perang mananakaw" sigaw ko ulit. Lumingon ako sa natutulog na bata ngunit hindi man ito magulo sa kanyang pagpapahinga. Baka napagod siya sa kakalaro sa parke kanina.
"Mortal, huwag kang mangamba" sagot sa akin ng malababaing boses. Paanong hindi ako mangangamba, may boses akong naririnig? "Nais mo bang mabawi sa iyong anak?"
"Oo, wala akong ibang gusto kundi ang kasiyahan ng anak ko." sagot ko ng buong tapang.
"Sundan mo ako." utos ng boses. Tumayo ako sa kamang pinaghihigaan namin. Sinuot ko ang mga sira kong tsinelas at naglakad kung nasaan ang boses.
BINABASA MO ANG
Hotel Nocturna
FantasyAng Hotel Nocturna, ay hindi katulad ng ibang hotel: ang mga clients nito ay mga elemento ng kalikasana, at mga ligaw na kaluluwa. Lumalabas lang ang tunay nitong wangis kung wala na ang araw at naghahari na muli ang buwan. Si Peter Martinez ay kal...