Ikaapat na Kabanata: Ang Regalo ni Ethan

1 0 0
                                    

(Ethan's POV)

2020

Paano niyang nagagawang kumain sa ganito sitwasyon? Kumagat ulit siya ng mas malaki sa kanyang juicy McBurger. Ninamnam niyang pikit-mata ng mabuti ang lasa ng tinapay at beef. Binuksan niya ang mga mata niya at tumitig siya sa akin.

"Gusto mo?" casual niyang tanong sa akin na para bang hindi ako hinabol ng dalawang nilalang sa wala pang isang oras.

"Bakit nagagawa mo kumain sa ganitong sitwasyon?" pagalit kong bwelta sa kanya.

Napatigil siya sa pagkagat ulit at tumitig ulit siya sa akin. Akala ko makokonsensya na siya pero nagkamali ako. Tumawa lang siya at tinuloy ang pagkain ng burger niya. "Alam mo, kaya lang ako sumama dahil gusto ko ng kasagutan" pagbabalita ko sa kanya. Nagcross ako ng mga braso ko sa galit sa kanya.

"Ano ba ang mga tanong mo?" tanong ni Peter sa akin. Sige magiisip ako, andoon ang 'ano ba ang mga yun? Bakit ako nakikita ang mag nilalang na yun?' o kaya 'bakit ka nila kinatatakutan?!'.

"Bakit ko sila nakikita?" tanong ko sa tanong niya. Humigop siya sa Coke niya at dumughay. Sira ulo na nga wala pang manners.

"Excuse me" pasintabi niya. "Yan ang regalo ko sayo this year, since lagi mo naman didisregard ang mga binibigay ko sayo. Itong regalong 'to hindi mo basta basta maiitatapon ng ganoon-ganoon lang" paliwanag ni Peter.

"Hindi ko naman sinasadyang itapon ang mga bulaklak natatakot lang ako nun kaya paki-ayos na mga mata ko" pagamamakaawa ko. Ayaw ko nang makita ang mga nakita ko kanina.

"Hindi ko alam kung paano tanggalin ang spell na yan pero don't worry kailangan mo yan pagnagwork ka na sa akin". kinagat niya ang pinakahuling piraso ng burger niya at nagpunas siya ng nguso niya ng tissue.

Nagiing mga kamao ang mga kamay ko sa galit sa kanya. "Hindi ako magwowork sayo, may work na ako!" hiyaw ko. Tinignan niya lang ako ng dull look at nagroll siya ng mga mata niya.

"Sige ikaw nagsabi niyan pero tandaan mo may utang pa sa akin tatay mo at panglawa, kaya mo bang mabuhay na may nakikita ng maganong nilalang?" bwelta niya sa akin na parang nabobored siya. "Buti nga leprechaun at kapre pa lang nakikita mo. Kung baga, harmless pa yun"

"At ano pa gusto mong makita ko?!" pagalit kong tanong sa kanya.

Naghikab lang siya at dumighay ulit. "Waw. Ang sarap ng food dito. Ang gusto kong makita mo ay potential customers"

"At paano mo mapagkakaiba ang mga potential customers sa normal na tao?" ani ko sa kanya.

Nagbuntong hininga siya at alam ko sa mukha niya ay nagpipigil siyang tumawa. Umiling si Peter at lumingon-lingon sa paligid ng almost empty na fast food restaurant.

"Ayun" turo niya sa isang matabang lalaki sa isang sulok na walang tigil sa kakakain. Tumingin ako sa lalaki atsaka nagbigay ng confused look kay Peter. "Demon siya. More specifically, siya si Makabosog, demon ng katakawan. Usually kasi, mas mukha pang tao ang mga patay, maligno at mga demons " paliwanag niya. 

Somehow naiintindihan ko siya pero may isang katangunan akong gustong masagot.

"Ikaw ba ano ka?" nacucurious kong tanong sa kanya. Mukhang naepektuhan siya ng tanong ko at napatigil siya sa pagkain niya.

"Tao ako dati ngayon hindi ko na alam" diretso niyang sagot sa akin. Nakatitig ang mga dark green niyang mga mata sa sariling mga mata.

"Pero buhay ka na o patay ka na?"

"Hindi ako patay, hindi rin ako buhay. Andito lang ako" walang emosyon niyang sagot sa tanong ko.

Gabing-gabi na nang makalabas kami McDonald's. Wala nang mga tao sa mgakalye at unti nalang ang mga nagdadaang mga sasakyan. Sa tingin ko, bandang 10:00 na. Hanggang ngayon dadala ko pa rin ang mga maletang punong-puno ng mga gamit. Bigla na lang may sumulpot na ang isang pulubi sa harap namin. Sira sira na ang mga damit niya at may may amoy na isya. Dahil sa mga wrinkles sa mga mukha niya mahahalata mong may edad na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hotel NocturnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon