Chapter 5 - So weird

1 1 0
                                    

*Second week later*

Ghaaaaddd! Ayoko na! Second week pa lang and I'm so stress! Ang daming gawain, sakit sa ulo! Puyat pa ko kasi may quiz kasi sa Gen Math mamaya. I damn hate that subject! Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang classroom. May 10 mins pa ako bago mag time kaya okay lang kahit mabagal ako maglakad, grabe antok pa talaga ako at gutom pa. Di pa ko nag bbreakfast, tinanghali na kasi ako ng gising kakaaral sa math na yan last night, nagugutom na din ako huhuhuhu. Sana lang ay maging worth it pag aaral ko. Feeling ko mukha akong zombie habang naglalakad pero wala na kong pake.

"Nathalia, watch your steps." Lilingunin ko sana kung sino kaya lang narinig ko na yung bell kaya kumaripas na ko ng pagtakbo. Nagising ako don ah. Nasa pinto na ko nang natanaw ko adviser namin na naglalakad. Paakyat pa lang siya. Mabuti naman sakto dating ko. Pero hmmm sino kaya yung lalaki na yun kanina. Weird.

First subject nga pala ay math, quiz na mabuti na lang 2 hours to at para matapos na to, so I can sleep in other subjects.

*after 2 hours*

"I'll give your papers and the results of this quiz tomorrow. Goodbye class." Aniya ng guro namin.

Tatayo na sana ako para kumain kaso biglang sumakit dibdib, sobrang sakit, bigla akong nahirapan huminga. Di ko na napigilan hawakan ang dibdib ko sa sobrang sakit nito.

"Bff let's go and grab some snacks?" Kate. Pilit kong sinubukang alisin sa mukha ko na nasasaktan ako tsaka ko siya nilingon at nginitian.

"Kate c-can you go by yourself? Sobra kasi akong inaantok. M-mamaya na ko kakain." Pinilit kong wag manginig ang boses ko at umubob na parang tutulog dahil sobrang sakit na talaga.

"Are you sure? I'll just buy you something okay? Pahinga ka muna diyan. Mwah!" Kate. Mabuti na lang at di niya napansin na di ako okay. Sana ay lumabas na sya agad para matawagan ko na si kuya.

"Kate wait! Nathalia, are you sure you are okay? Namumutla ka eh." Hays Xander wag ngayon please. Pinilit kong alisin muli sa mukha kong nahihirapan na ko at inangat ang ulo ko. Inirapan ko siya at sinabing, "Psh. Why do you care? G-go samahan mo si Kate. I-inaantok ako." Ani ko at umarteng humikab tsaka muling nag arteng tutulog.

"Ay okay ka nga lang. Nakapang irap pa e. Taray tsk. Tara na nga Kate!" Xander. Nang marinig kong nag sara ang pintuan ay agad akong lumingon at kinapa ang cellphone ko. Argh! Sobrang sakit na talaga ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Agad kong dinial ang number ni kuya, sana naman ay wala syang klase at sagutin niya agad.

*Ring Ring Ring*

"Scarlett why? I'm in the middle of my class?" Kuya. Mabuti sumagot siya agad.
"K-kuya. H-he...lp-p me. I c-cant breathe. Sobr-rang sa..kit ng dibd...." Hindi ko alam kung naiintindihan ni kuya ang sinasabi ko pero sana oo, dahil sobra akong hirap ng magsalita. Any minute pipikit na mata ko. Narinig ko na rin ang yabag niya siguro ay papunta na siya dito.
"Bro what's wrong?" Rinig ko sa kabilang linya ngunit di boses ni kuya.
"F*ck, I have to get Nathalia immediately. Hello? H-hold on okay? Wag mo ibaba ang tawag. I'm on my way! Kael pumunta kang clinic at mo sa nurse doon na kailangan ni Nathalia ang tulong niya. Hello? Scarlett Nathalia? Can you f*cking answer?" Rinig ko ang halos hinihingal ng boses ni kuya. Magsasalita pa sana ako ngunit sobra na kong nanghihina. Narinig kong agad bumukas ang pinto kaya dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ang paa ng mga kaklase kong nakapalibot sa akin. Tiningnan ko kung sino ang paparating at napanatag ako ng nakita ang kuya ko, dahan dahan namanhid ang katawan ko at nawalan ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon