ilang pahiwatig pa?
ilang masasakit,
ilang nakakakilig pa na salita,
para tumigil ka na?
sabi mo,
tipo mo na ako.
pero bakit,
sinasaktan mo?
may sagot ka ba para doon?
o tanga lang ako para hindi malaman?
hihinto o tutuloy?
kasi wag na,
kung wala rin namang mapupuntahan.
