72

18 3 0
                                    

noong bata pa ako,
noong hindi pa tanga sayo.

akala ko,
ang mga lalaking makikilala ko,
katulad ng mga nasa libro.

pag nakita nila ang mabuti kong kalooban,
hihingin ang kamay sa tapat ng simbahan,
at ang buong mag-anak namin ay magsisi dayuhan.

hindi naman ako naipagbigay-alam,
na ang mabuting kalooban,
ay pwedeng pagsamantalahan.

gamit ang mga matatamis,
nakakakilig na mga salita.
pagkatapos ay itatapon,
dahil hindi na kailangan.

hanggang sa muli'y tatawagin ka
sa kanilang susunod na aberya.

pagdaralitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon