nakakakilig nga daw ano?
kapag may nagawa ng tula para sayo.
o kung nagawa ka ng tula,
para sa isang espesyal na tao.
pero sa sitwasyon ko,
hindi.
kasi yung hindi mo masabi,
tinatype mo lang ng paulit-ulit.
iba't ibang salita nga lang,
baka sa ganoong paraan,
mag-iba din ng pusong iniimik.
