hindi pa ito pagmamahal;
walang pagmamahal dito.
sapagkat ang pagkatao ko kapag kasama ka,
ay hindi ko gusto.hindi ko gusto ang basag ng iyak ko,
kapag iba ang kaakbay mo.
hindi ko gusto ang bilis ng tibok ng puso,
sa tuwing hawak mo ang papulsuhan ko.hindi ko gusto ang lahat sa'kin dahil sa'yo,
kaya hindi ito pagmamahal.
dahil kapag nagmamahal ka,
gusto mo kung sino ka kapag kasama mo sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/222795365-288-k69800.jpg)