"Noong una tayong magkita
diko inakala ng ako'y ngitian mo pa
at sa akin ay lumapit at nagpakilala ka
hininging phone # at sinabing "tatawag ako sa'yo ha!"Di'ko inaasahan ng ako'y iyong tawagan
kaya pinasa kita sa'king kaibigan
bagay kayo parehong sanay sa bolahan
tingnan ko lang kung papasa ka sa kanyang kalokohan...Noong ipakilala ko na kayo sa isa't isa
biglang nawala ang sweetnes nyong dalawa
tiyak na di nyo type ang isa't isa
kaya't biglang nabaling ulit sa'kin ang pagtinging una kong nakita sa'yong mga mata...Bilib naman ako sa fighting spirit mo
kahit kaharap pang mga kabarkada ko
dika nahihiyang sabihin sa'kin ito
"cindy sana ay mahalin mo rin ako"...Lagi kang laman ng usapan namin
ano nga kaya't patulan na kita para dika na mabitin
tutal usapan na ng barkada na kaylangan na kitang sagutin
para may bagong libangan yon ang napag planuhan namin...Dito nakilala kita ng lubusan
at di'ko talaga ito inaasahan
napakabait mo pala at maaasahan
sa kahit anumang bagay na aking magustuhan...Nakuha mong pagtitiwala ko
at pati na rin ang kahinaan ko
kasi naman dika lang mabango
ang linis mo pa't maasikaso...Bilib sa'yo ang mga kabarkada ko
pano ba naman lahat ng gusto nila pinagbibigyan mo
kahit na nga kung minsan ginagawa ka na nilang uto uto
dika man lang nagrereklamo gumagastos ka pa ng todo todo...Dito ko napansin ang kakaibang katangian mo
na diko man lang nakita sa mga naging kasintahan ko
ibang iba ka sa kanila kaya napahanga mo ako
at diko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa'yo...Bakit ka ba kasi ganyan
kahit na ilang beses na kitang ipinagtabuyan
dika pa rin sumuko at di mo'ko nilayuan
lagi ka lang saking tabi naghihintay nag aabang...Sa mga ginagawa mong pagtiyatiyaga sa akin
sa pagmamahal na ni minsan diko inaasahang ipapadama mo sa'kin
ang sarap mo pala mag mahal yon ang gumising sa'king damdamin
pero kahit minsan diko ito ipinahalata at ipinakita sa'yo dahil ako'y nag aalinlangan pa rin...
BINABASA MO ANG
Bakit ikaw pa rin ❣❣
Romance"Kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo, Babaguhin ko ang mga priority in life ko, Yong di gaya nito nabubuhay akong puro panghihinayang at pagsisisi ang nasa puso, Masaya ka nga pero deep inside nandoon ang lungkot at hinanakit nakatago...