Sana ay mahalin mo rin ako!#1

60 14 0
                                    

Maaga akong naging independent at naglakbay patungong ibang bansa..
dahil isa ito sa mga dream ko basta't may opportunity work abroad sinusunggaban ko kahit pa anung work man ito di ako namimili..dito ko nakilala ang mga barkadang masasabi kong pangalawang pamilya ko na..dahil sa kanila marami akong natutunan at mga nalaman at nasabi ko sa sarili ko "kaya ko rin pala".
Naging happy go lucky ang takbo ng buhay ko one day millionaire pa nga pag may pera ako..
Nakahiligan naming tumambay sa mga bar pag nasa pinas na kami at may aksidenting nangyari sa isang kabarkada ko't napadpad kami sa hospital at dito na nagsimula ang love story ko..
Dito ko namet si Mr. Renato Ricafrente (Mr.RR) isa siyang nurse sa hospital bandang edsa..ok naman siya at 10yrs ang tanda niya sakin.. matiyaga siyang manligaw galanti at laging nandiyan pag kaylangan mo.. lahat ng kabarkada ko gustong gusto siya pero ewan ko ba diko talaga siya magustuhan..
Ilang beses ko siyang binasted,lahat ng pangit na ugali pinakita ko na maturn off lang siya sakin,pero walang epik "lagi pa rin niyang sinasabi sakin na sana mahalin ko rin daw siya..
Alam niyang may ulcer ako pero umiinom ng todo todo,may hika pero naninigarilyo,playgirl pero pag nagsasawa ng iiwan na lang ako pero lahat ng yan inintindi niya't sinusuportahan pako..
Ng mamet kong mga kaibigan niya iba't ibang reaksyon at commento mga narinig ko sa knila pero salamat kay Mr.RR pinaglaban niya ko  talaga..
Noon  namang time na ipakilala niya ko sa pamilya niya wala akong narinig kundi puro pasasalamat dahil sa wakas daw mag aasawa na si Mr.RR at may mag aalaga't magmamahal na sa kanya. Dina lang ako  umimik para anupa ayoko siyang mapahiya dahil ang bait niya talaga sakin..
One time nabalitaan ko na lang naka confine siya diko alam kung bakit natakot ako't napasugod ng hospital at akong nag alaga sa kanya hanggang sa gumaling siya..
Mula non nagbago ng takbo ng buhay ko dahil naamin ko rin sa sarili kong mahal ko ng taong ito at masaya ako basta't nasa tabi ko lang siya't inaalagaan ako..
Magkasama kaming nangarap,nagsikap at nagplano para sa future namin hangang sa ilang beses na niyang naiparenovate bahay niya kasi don na daw ako titira pag mag asawa na kami..pinlano ng kasal pero wala pang exact date.

Kasi hinihintay pa namin mother niyang dumating galing states..hiniling ko sa kanya na uwi muna ko samin pero ang totoo natatakot ako sa mga nangyayari sa buhay ko, lagi kong tanong sa sarili ko kung handa na ba talaga ako, lagi rin sagot ko 30 nako lahat naman maayos na walang problema sa pamilya ko kasi tangap nila si Mr.RR..
Pero nag aalinlangan pa rin ako.. isang kabarkada ko ang nagyayang mag tourist daw kami sa singapore at dahil lito pang isip ko sumama ako ng di nagpapaalam kay Mr.RR..
2 months din akong nawala at nagpakasaya, naranasan ko ulit ang maging malaya at parang nakalimutan kong enggage to  be married na pala ako..
At ng magbalik ako ng pinas bumalik ulit mga problema ko..  tinawagan ko si  Mr.RR at nagkta kami sa tagaytay,nagpaliwanag ako at inintindi niya.. tinanong ko siya kung bakit niya ako minahal sagot niya ,
"Dahil kakaiba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko kahit minsan parang bata ka mahal pa rin kita.. Gusto ko sayo malambing ka maasikaso at maalaga lalo na yung time na ma hospital ako hinding hindi ko makakalimutan ang pag aalaga mo sakin at dahil don mas lalo pa kitang minahal sweetheart" ,(yan ang tawag niya sakin :))
habng sinasabi niya to sakin umiiyak nako diko alam kung bakit nakokonsensiya ako,andami ko ng kasalanan,pagkukulang pero di niya ko iniwan..
Lalo akong nalito at diko alam kung san ako magsisimula para sabihin sa kanyang dipa ko handang mag asawa.. pero sabi ko its now or never..
Sinabi ko ang lahat wala akong nilihim at nakita kung tumulong mga luha niya di siya makapag salita niyakap na lang niya ako..
Naghiwalay kaming hindi malinaw para sakin kung mapapatawad ba niya ako sa ginawa ko o galit ba siya dahil umatras ako?
Simula nong araw na yun dina kami nagkita, diko na makontak ang cp no. niya, pag tumawag ako sa landline nagri ring lang walang sumasagot, sinubukan kong sulatan siya nong nasa Qatar nako wala ni isang sagot mula sa mga sulat ko,
Alam ko kasalanan ko lahat dahil sa pabigla bigla kong disisyon, magsisi man ako huli na ang lahat nawala na sakin ang taong mahal na mahal ko't mahalaga sakin..
Hanggang nagyon naaalala ko pa rin siya, lagi kong dala dala mga gmit na binigay niya (sadista ako eh tinutorture ko sarili ko)
Memories na lang siya na nagpapangiti sakin pag naalalang mga happy moments namin..
Marami akong natutunan sa kanya.
At dahil rin sa kanya natutu akong mag compose ng mga tula na akala ko dati mahirap gawin, pero pag depress ka pala don lumalabas ang iba't-ibang emosyon na dati sa diary ko lang naisusulat pero ngayon sa mga notes na at naibabahagi ko pa sa iba...

(.n_n.)

Bakit ikaw pa rin ❣❣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon