Paalam mahal ko ⛓

53 14 0
                                    

                              ✿✿

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                              ✿✿

"MOVE ON" yan ang palaging naririnig kong salita mula sa mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa'kin.. mula ng mabigo ako sa pag-ibig kay Mr.RR..
"Pa'no? san ako magsisimula, anong gagawin ko para makabangon ulit ako? "yan naman ang lagi kong sagot sa kanila...
Nagsikap ako ulit ginawa ang lahat para maging normal ulit ang takbo ng buhay ko, lumuwas ako ng maynila at naghanap ng trabaho kasi ayoko muna bumalik sa pag aabroad parang wala pa'kong lakas makipag sapalaran sa ibang bansa..
Pinalad akong makapasok ng trabaho sa isang electronics company sa cabuyao laguna..
Dito ko inumpisahan lahat na buuin ulit ang namatay ko ng mga pangarap.. sa department na kinabibilangan ko 4 lang kaming mga babae at 24 naman ang mga lalaki..
Una nag alangan talaga ako kasi puro barako mga kasama ko lalo na ng maging 2shift kami at napunta ako sa night shift, dalawa kami ni Lea at ang 12 mga lalaki naming kasama, 12hrs 7days a week yan ang work schedule ko..
Ok naman ang mga kasama ko nagkakasundo naman kaming lahat pero may isang taong kakaiba sa kanila talaga..
Siya si Mr.M,  at talagang  pagpasok pa lang niya sa pinto eh buhay agad ang mga dugo ng mga kasamahan ko.. kasi lagi siyang may dalang pagkain kahit bawal yon kasi yung ibang materials naming hawak eh sensitive, palabiro din siya at laging siya ang bida na kahit ako diko mapigil sarili kong mapatawa kapag nag joke na siya..
Parang kaydaling lumipas ang oras mgugulat kana lang uwian na pala..
Madalas siyang sumabay samin ni Lea hindi lang pag breaktime kundi kahit sa pag uwi eh nakikisakay rin sa service namin kahit na nga mapapalayo siya ng way pauwi sa kanila.. naisip ko na lang na siguro may pinupuntahan don malapit banda sa'min kaya siya nakikisabay..
Minsan napag uusapan siya namin ni Lea kasi pati ito nagtataka na rin.. nong minsang nakasabay ko si Mr.M sa pagpasok sa work bawat makasalubong namin binabati niya, naisip ko napaka friendly naman niya, pero namula talaga ako sa hiya ng sabihin niyang
"hello, ito pala ang mahal ko ang ganda niya noh?"
sabay tawa ng malakas nahampas ko tuloy siya ng bag ko kasi napahiya talaga ako dami pa namang nakarinig..

Simula non lagi na niya akong tinatawag ng "mahal" at mahigit isang taon din niya akong niligawan, Pinagtapat ko sa kanya wala akong nilihim kahit pa yung tungkol kay Mr.RR sinabi ko rin..
Noong naging kami na diko maiwasang ikompara siya kay Mr.RR, pareho silang mapag mahal at maalaga ang pag kakaiba lang nila si Mr.RR seryoso sa buhay samantalang si Mr.M  masayahin parang walang pakialam basta enjoy lang siya sa mga ginagawa niya palibhasa kasi bunso sa apat na magkakapatid at sunod lahat ng layaw at luho niya sa buhay. Mahilig siyang mag outing at kinausap mga kasamahan namin sa work kung gusto nilang sumama samin..
basta't may pagkakataon kami at holiday lang wala kaming pinapalampas.

Punta kaming Baguio, Tagaytay, Lucban Quezon, Santa Cruz Laguna para makapag relax at mag enjoy para di lang puro kami work diba?
Pag A-shief naman kami paglabas sa gabi night swimming kami sa Pansol Laguna, maraming private pool diyan na magaganda at yan ang madalas naming ginagawa, ambagan kami sa lahat ng gastos para fair naman sa lahat..
Wala na'kong mahihiling pa dahil kung nasaktan man ako noon higit na ligaya naman ang nararamdaman ko ngayon sa piling ng mahal ko..
Hanggang isang umaga pag gising ko para pumasok sa work, binuksan ko ang cp ko para icheck kung may message si mahal sakin..
ugali ko na kasing  i off ang cp ko bago matulog ayoko ko kasing ma storbo at may insomia ako mahirap para sakin ang gumawa ng tulog pag nagising..
Nagulat ako sa mga text na nababasa ko andami rin miscall mula sa mga kaibigan ko at kasamahan sa trabaho, pero ang higit na nakatawag ng pansin ko ay ang galing sa mga kapatid ni Mr.M.. ,
Nanginig ang kamay ko at sumikip ang dibdib ko na bigla ko na lang hinagilap ang spray ko para makahinga lang ako kasi nag uumpisa ng umatake ang hika ko..
Itong text message na nabasa ko mula sa kapatid ni Mr.M ,  "jepy,wag ka sana mabibigla tatagan mong loob mo ha pakiusap lang...wala na si Mr.M. pumanaw na kaninang madaling araw lang, binangungot..."
Hindi ko na natapos ang pagbabasa parang may biglang sumipa sa dibdib ko at kinapos ako ng hininga nagdilim ang paligid at diko na alam kung anupang nangyari pagkatapos non.

Basta ang naalala ko lang nandon lang ako sa isang tabi tahimik na lumuluha habang nakatulalang nakatingin sa kawalan.., andaming nakiramay pero parang wala akong maramdaman, parang namanhid ang utak ko pati puso ko kasamang namatay ng taong mahal ko..
Ng maayos ng lahat bumalik ako sa probinsiya namin, don ko pinagpatuloy ang pagluluksa at diko mabilang kung ilang araw, ilang buwan akong parang walang buhay..
At isang gabing dina naman ako makatulog naisipan kong magpahangin, lumabas ako't umupo sa swing habang nakatingala sa langit.. ang gandang pag masdan ng mga bituin ang kikinang at habang nakatitig ako don napansin kong biglang nagkakahugis ang mga ito at sa isang kisap mata ko lang nakita kong mukha ng mahal ko, nakangiting kumakaway sa'kin..
Kinusot kung mga mata ko at matagal ko ring ipinikit yon, sa isip ko di totoo ito nahihibang lang ako na imahinasyon ko lang yun kasi siya laging iniisip ko..
pagdilat ng mga mata ko wala na siya mga bituin ulit ang nakikita ko.. , napatulo na lang ang luha ko at naisip ko na siguro paraan niya yun para palayain ko na siya lalo ng sarili ko at isipin ko na lang na masaya na siya sa bagong mundo niya kasamang mga anghel at ang mahal na Panginoon sa langit...

 , napatulo na lang ang luha ko at naisip ko na siguro paraan niya yun para palayain ko na siya lalo ng sarili ko at isipin ko na lang na masaya na siya sa bagong mundo niya kasamang mga anghel at ang mahal na Panginoon sa langit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"When Your Gone"

"Mr. M. ❤🖤 Story

MahikaNiAyana
(.n_n.)

Bakit ikaw pa rin ❣❣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon