Mahal na mahal kong aking kasintahan, dahil napakabuti niya't di ako binibigyan ng problema. Lahat ng kalayaan binigay niya basta kung san ako masaya sinusuportahan niya ako lagi,kahit minsan diko naranasan ang umiyak sa piling niya, akong laging nasusunod kaya tumagal ang relasyon namin ng 13yrs.
Sa mga taon na yon na dumaan sa buhay namin naging napakasaya ko.. Kahit na nga magkaiba ang mga mundo naming ginagalawan napapag usapan naman at nagbibigayan kami...
Si Mr.RR (NATO) gusto niya sa Pilipinas lang di niya pinangarap ang magwork abroad, kabaliktaran sakin na pag aabroad ang work na gusto ko, kasi gusto kong makarating sa iba't ibang bansa. Kahit na taon bago kami magkita't magkasama ayos lang wala kaming pinuproblema.. Hanggang sa inalok na niya akong magpakasal, naisip ko rin na sabagay matagal na rin kami ni Nato bakit hindi...Pero nagulat ako ng sinabi niyang pag kasal na daw kami sa bahay na lang ako, na dina niya ako papayagang mag abroad ulit. Dito kami di nagkasundo at naging dahilan para ako'y lumayo. Mahal ko ang career ko at dipa ako handa na bitiwan ito.
Umalis akong di malinaw ang lahat samin, nagalit siya at baka nga kinasuklaman ako dahil sa makasarili ako (yan ang tawag sakin ng mga kakilala niya) sabi ko di bale balang araw maiintindihan din niya ako..
Pero nong nasa ibang bansa nako di ako matahimik, tinapos ko lang kontrata ko at bumalik ako ng Pinas para makipag ayos na sa kanya..Noong umuwi ako tinawagan ko siya ang nakasagot pamangkin niya, tapos ang sabi wala daw si Nato nasa work. Nagpalipas ako ng ilang months sa probinsya namin tapos lumuwas ulit ako sa manila, balak ko puntahan siya kasi gusto ko humingi ng tawad at para magkaliwanagan na kami, gusto ko rin magkaroon ng final closure ang relasyon namin, kasi nga taon din ang pinagsamahan namin..
Niyaya kong bespren ko papunta kila Nato, nung nasa gate na kami ng bahay nila nanlamig ako at sinumpong ng hika (ewan ko ba wrong timing naman tong sakit ko, lumabas na katawa tawa tuloy kaming dalawa ng bespren ko dun) ng maging ok nako sinabi ko kay bespren na siya na lang pumunta dun at kumausap kay Nato na papuntahin sa tindahang pinapahingahan ko, pigil ang paghinga ko nung mgbukas ng gate at makita kong buntis yong babaeng kausap ng bespren ko, bigla akong kinabahan at namutla kaya binigyan ako ng tindera ng coke imbes na tubig na lang sana haha...
Ng bumalik si bespren nakita kong mga luha sa kanyang mga mata, di siya makapag salita hinila na lang ako paalis sa lugar na yon..
Sumakay kaming bus ng walang imikan diko siya matanong kasi baka biglang umiyak na naman, nakakahiya sa mga kasabay namin, pumara siyang bigla kaya napasunod na lang ako sa pagbaba niya ng bus, naglakad kami papuntang rizal park at dun sinabi niya ang lahat lahat sakin..
Na yong babaing buntis na kausap niya eh asawa na ni Nato, na simula daw nong iniwan at tinalikuran ko si Nato ay napariwara daw ang buhay.. At siya bilang isang kaibigan at kasamahan sa trabaho na lihim na nagmamahal kay Nato ang naging saksi sa lahat ng paghihirap ng mahal ko..
Di daw nya ako kilala pero nag sorry siya sa bespren ko dahil paulit ulit daw niya akong minumura, at kapag nakita niya daw ako ibabalik niyang lahat ng pahirap at pasakit na dinulot ko kay Nato..
At sabi pa niya tanggap na daw ni Nato ang lahat at pinatawad na daw ako.. kaya pala ganun na lang ang reaksyon ng bespren ko nasasaktan siya't naaawa sakin..Magsisi man ako huli ng lahat diko na maibabalik pang masayang pagsasama namin.. mahirap at diko na alam kung paano ako nakabangon sa kabiguan kong iyon..
Pero sa paglipas ng mga panahon maghihilom din pala ang sugat tanging panalangin lang at lakas ng loob para makabalik ako sa dati..
Sa ngayon patuloy akong naglalakbay at kung anuman ang kapalaran at tadhanang naghihintay sa akin yon na lang ang dapat kong paghandaan...
si LORD ng bahala sa akin!...salamat po sa inyong pagbasa:)
Gandang araw po sa inyong lahat:)
God Bless Us Always(.n_n.)
"Sana Ay Mahalin Mo Rin Ako!"🖤Nato ❤ Cindy 💘 Story
THE END
❧ MahikaNiAyana
BINABASA MO ANG
Bakit ikaw pa rin ❣❣
Romance"Kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo, Babaguhin ko ang mga priority in life ko, Yong di gaya nito nabubuhay akong puro panghihinayang at pagsisisi ang nasa puso, Masaya ka nga pero deep inside nandoon ang lungkot at hinanakit nakatago...