#2

106 14 0
                                    

Ayoko mang aminin pero ang lakas ng dating mo sa akinpero pinilit kong pigilan ang aking damdaminkasi ayokong tanggapin na napalapit kana sa'kinkaya pinakita ko sa'yo na dika mahalaga at bagay sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayoko mang aminin pero ang lakas ng dating mo sa akin
pero pinilit kong pigilan ang aking damdamin
kasi ayokong tanggapin na napalapit kana sa'kin
kaya pinakita ko sa'yo na dika mahalaga at bagay sa akin...

Sa simpleng pag aalala mo tuwing may sakit ako
sa pagtiyatiyagang sundin lahat ng utos at gusto ko
sa pakikisama kapag nagkakasayahan kaming mga kabarkada ko
at pag iintindi't pag aalaga kapag nalalasing at ngwawala na ako...

Lahat na ng pangit na bisyo't ugali pinakita ko na sa'yo
pero dika nagbago tinanggap mo pa rin kung ano ako
kahit pa nga madalas kitang nasasaktan ito'y binalewala mo
nandiyan ka lang sa tuwing kaylangan ko...

Dimo pinakikialaman mga hilig at bisyo ko
dika man lang na turn off sinusuportahan mo pa rin ako
kahit na nga ibang tingin sa'kin ng mga kakilala mo
dimo ko iniwan pinaglaban mo pa rin ako...

Siguro dahil sampung taon ang tanda mo sa'kin
profesional ka pa't kagalang galang ang dating
samantalang ako'y happy go lucky at walang iintindihin
kundi puro lakwatsa at kung saan saan nakakarating...

Diko na matandaan kung kailan ako unang nakaramdam ng ganito sa'yo
basta't masaya ako sa tuwing naririnig kong boses mo
naaamoy ang pabango mong gustong gusto ko sa'yo
kuntento na'kong kasama ka't hawak mong kamay ko...

Siguro nong time na ma hospital ka
don ako nakaramdam ng takot na baka mawala ka pa
gusto kong alagaan at nasa tabi kita lagi para tayo'y magkasama
ang mapalapit sa'yo sapat na para mapalagay ang loob ko at dina mag alala...

Ngunit ng maging tayo ng dalawa
ang dami mong demands na di'ko kinaya
ayaw mo sa mahabang kuku ko na nakasanayan ko na
pati pananamit at sapatos ko ayaw mo ng mataas kasi pantay lang tayong dalawa
pati tattoo ko gusto mong ipabura
bakit bigla kang nagbago?ginulat mo'ko sa lahat ng ito ah!..

Noon ko nalaman at naramdaman ang pagkakaiba natin
napakataas mo at napakahirap abutin
di'ko nakayang makisama at makibagay sa'yo,para ituloy pa natin
balewala na rin kahit anupang ating gawin
dina maibabalik pa sa dati ang pgtitinginan natin...

Noon ko nalaman at naramdaman ang pagkakaiba natinnapakataas mo at napakahirap abutindi'ko nakayang makisama at makibagay sa'yo,para ituloy pa natinbalewala na rin kahit anupang ating gawindina maibabalik pa sa dati ang pgtitinginan natin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bakit ikaw pa rin ❣❣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon