Chapter 3
Elily's POV
"Bakit ganon yung itsura ni Pauline?" Tanong ko kay Iris
Tinitignan namin si Pauline ngayon dahil nakangiti siya habang pinapakinggan niyang sumagot si Jameson. That's very unusual.
"Maybe she's amazed..." Bulong ni Iris
"Right Ventricle, pumps blood to the lungs for oxygenation...While the Left Ventricle, pumps oxygen-rich blood for oxygenation to all parts of the body..." Sambit ni Jameson
"Mr. Martinez, what is your dream job?" Ms.Flores, our Science teacher asked
"Cardiologist po..." He answered
May bahid na pagkagulat sa mata ni Ms. Flores "Really? Can you describe what's a Cardiologist?" She asked
Umubo muna si Jameson bago nagsalita "A cardiologist diagnoses and treats problems of the heart and blood vessels..." Sabi ni Jameson
Nagtaas ng isang kilay si Ms. Flores "What kind of problems?" Tanong ng tanong si Ms. Flores
Sumagot naman agad si Jameson "Heart attack, Heart failure, High blood pressure, Heart rhythm problems or what is called Arrhythmias..." He said
Ms. Flores was staring at him intently "Are you sure you want to be a Cardiologist? That's hard. You will have to train for 10 years. You will spend most of your time studying... Is that okay with you?" Ms. Flores seriously asked Jameson
Jameson looked serious "Yes, Ms. Flores. I am okay with that. It's my dream job and I'll do everything to achieve it." He smiled at Ms. Flores
Ms. Flores looks impressed. Strikto si Ms. Flores. Kailangan pag may itinanong siya, dapat masagot mo. Kapag hindi mo nasagot, baka ipahiya ka niya ng husto.
"He's really smart... Pero he rarely talks. Palagi nalang siyang tutok sa libro..." Iris whispered
"Oo nga... Hindi kagaya mo, kahit na book worm ka nagsasalita ka parin naman." I chuckled a bit
"Of course I have to talk. Kailangan mo kasi ng kausap" She said sarcastically
Wow! Kailangan ko ba talaga ng kausap? Parang hindi naman ah. Naalala ko nung nandito pa si Cassandra, siya yung daldal ng daldal sa akin. Nanahimik ako palagi tapos bigla bigla nalang siya mag bubukas ng topic out of nowhere.
Ang daldal ni Cassandra. Pero depende sa mood niya. Habang si Iris naman, palaging tahimik at nagbabasa ng libro. Saka lang makikipagusap kapag kinausap mo na. Ako? Pinaghalong Iris at Cassandra ako. Tahimik minsan. Pero nakikipagusap naman. Pero hindi kagaya ni Cassandra na ubod ng kadaldalan.
It was our hometime already when I saw Miguel at the Basketball court. Nakikipag laro siya kasama ang mga tropa niya. Isa na doon si David. Wala ba silang balak umuwi? O baka mag i-istay sila. Siguro nga.
Naglakad na ako paalis at tsaka pumunta sa sasakyan namin. Wala pa si Aiden. Siguro kausap nanaman niya yung mga may crush sa kanya. Grade 9 palang siya ang dami ng nagkaka crush sa kanya. Samantalang ako nung Grade 9 wala man lang nag ka crush sa akin.
Biglang bumukas ang pintuan sasakyan. Pumasok si Aiden na pawis na pawis. "Saan ka galing?" Kalmado kong tanong sa kanya
Hindi siya agad sumagot. Kinuha niya muna ang panyo sa bulsa niya at tsaka nagpunas ng pawis. "Yuck. Ang baho mo, Aiden!" Sabi ko habang tinatakpan kunwari ang ilong ko
Napasulyap siya sa akin bago inamoy yung sarili niya "Huh? Hindi naman ah. Amoy pabango naman ah. Amuyin mo pa oh!" Depensa niya saka pilit na pinapaamoy sa akin yung sarili niya
BINABASA MO ANG
Elily (Unexpected Love Series #2)
Fiksi RemajaStatus: On Going/Slow Updates Unexpected Love #2 (ON GOING) Started: April 23, 2020 Ended: