Simula

56 5 0
                                    

Warning: This story may contain spoilers from VHS #1. Please kindly read those first before you proceed.

Trigger Warning: Mention of Self Harm.

Unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko na kanina ay saglit na tumigil ngunit ngayon ay mula nanaman silang umaagos pababa patungo sa aking pisngi.

Mahigpit kong hawak ang bagay na dapat ay simula pa lamang ay hindi ko na hinawakan dahil alam kong hahantong ako sa sitwasyon ko sa mga oras na ito.

Sinibukan kong lumanghap ng hangin gamit ang ilong ko ngunit na singhot ko lamang ang mga nakabarang sipon sa ilong ko.

Muli ko inalala ang mga dahilan kung bakit ko ginagawa ito sa mga oras na ito.

'Break na tayo, hindi naman kita minahal.'

'Tanggapin mo na, bes! Mas bagay naman kasi talaga kami ni Paul.'

'True friend? Oh come on! Bakit naman kami makikipag-kaibigan sa isang tulad mo?'

'Pera lang naman ang naiimbag mo sa friendship na 'to.'

'Nakakaawa, for sure pag nalaman ng mga magulang mo kung gaano ka kawalang kwenta papalayasin ka din nila.'

'Stop being desperate, Jace. Pagpapanggap lang ang lahat ng nangyari sa atin.'

Sa mga alaala na yun ay mas napahagulgol ako. It was my first time to have a squad, a first time to feel in love, first time to be truly happy.

Bilang isang anak mayaman, hirap akong magkaroon ng kaibigan dahil minsan lang naman ako nakakalabas ng bahay at noong elementary ay sa bahay lamang ako nag-aaral.

Kaya naman laking tuwa ko nang lapitan ako ni Lara ang unang babaeng naging kaibigan ko, marami siyang kaibigan na naging kaibigan ko din. Sa loob ng limang buwan ay masaya naman kaming magkakaibigan.

Hanggang sa makilala ko ang lalaking unang minahal ko, si Paul, nung una ay hindi naman talaga ako ang gusto niya kundi si Lara, ngunit noong umamin siya, Lara rejected him so I'm the one who comforted him.

Ang bilis, sobrang bilis, ilang linggo pa lamang kaming naguusap ay bigla na lamang siyang umamin na mahal na niya ako, dahil gusto ko siya ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumayag na maging nobya niya.

Isang taon, isang taong relasyon, isang taong panloloko. Isang taon ako naging masaya, naging tanga. Ang mga taong na nasa paligid ko ay akala ko totoo sa akin, nagkamali ako, ginamit lang pala nila ako.

I hate myself, dahil sa nangyaring yon, sinisi ko ang mga magulang ko, sinisi ko kung bakit sila pa ang naging magulang ko, kung bakit naging anak mayaman ako, sinisi ko sila sa mga bagay na hindi naman nila kasalanan.

I cried harder as I remember the moment how I yelled at my parents for being so damn rich. Ang sakit, ang sakit-sakit.

Niloko ako dahil sa pera ko.

Wala na ako sa tama kong pag-iisip kaya naman nang muli kong makita ang hawak kong cutter ay agad ko na sana ito gagamitin upang sugatan ang aking mga pulso ngunit may humawak sa kamay ko.

Tinignan ko kung sino ang may ari nito. Isang matangkad na lalaking, matipuno ang katawan nito, may itsura siya at ang pinaka nakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya na parang mga mata ng isang dragon.

"Who are you?" tanong ko at agad na iniwakli ang pagkahawak niya sa aking kamay.

"I think you shouldn't being doing that, Miss." sabi nito, sumadal ito sa isang malapit na pader at humalukipkip.

"You didn't answer my question! And please leave! Hindi mo room ang klase na ito! Tapos na din ang class hours!" sigaw ko, wala na akong pake kung marinig kami ng school janitor.

"You should be also leaving right now. As you said, class hours are finish, so what are you doing here?" he said as he arched his eyebrows on me. "And you know what, hurting yourself won't fix your problems, so I suggest na itigil mo na lang yan." sabi nito at nanatili sakanyang pwesto.

"Stop telling me what to do! You don't know the pain I'm going through! Pwede ba! Wag mo pakielaman ang buhay ko! Just leave already!" muling pagsisigaw ko.

"Hindi ko man alam ang pinagdadaanan mo, pero isa lang ang alam ko, hindi masasagot nang paglalaslas ang mga pinagdadaanan mo." sabi nito, kumuha ito ng isang upuan at inilagay sa tapat ko at umupo siya doon. "You know, you could just tell me, baka mas mabawasan pa yang nararamdaman mong sakit."

"Para ano? To judge me? Ipagkakalat mo sa buong school na ito ang dahilan kung bakit ko gusto magpakamatay?!" naiinis na sabi ko.

He chuckled. "Nope, I'm not here to judge you, darling. I'm here to make you feel better."

Sa sinabi niyang yun ay mas lalo akong napahagulgol. I started telling him everything I've been through. Wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya, seryoso lamang itong nakikinig.

After kong magkwento sakanya nagsalita ito. "You're beautiful." yun lamang ang sinabi niya pagkatapos ng sobrang haba kong pakekwento.

"T-Thank you." nahihiyang pagpapasalamat ko.

"And base on your story, I think you've got some lucky parents. Kung mga magulang ko yon, kapag sinigawan ko sila, for sure I wouldn't see the next sunrise again." he chuckled. "Don't think you are not loved, na wala kang kwenta. Try opening your eyes, think of those person who let you live in this world, kasi hindi ko papaniwalaan na hindi ka nila mahal kung nagpakahirap silang buhayin ka sa mundong ito." he smiled kaya naman lumabas ang mga dimples nito.

He's cute.

"Hindi ka na umiiyak." sabi nito, narealize ko din iyon. Kahit kasi noong pumasok siya sa room na ito ag patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko at ngayon lamang ito tumigil. "I wish what I told you makes you feel better kahit papaano." tinignan niya ang wrist watch na suoy niya. "Excuse me, but I need to leave already, it was nice meeting you, Miss." sabi nito.

Aalis na sana ito nang pigilan ko siya. "A-Anong pangalan mo?" nahihiyang tanong ko.

He smiled. Those smile na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat ng nangyari noong gabing iyon, hinding-hindi ko makakalimutan.

Marupok man pakinggan pero muli akong nahulog noong mga oras na iyon. Oo, tanga na kung tanga, marupok na kung marupok, but I fell in love with the person who stopped me from slitting my wrist.

The person who cared even he/she doesn't know you. The person who make me feel that I am more than anything in this world that I am loved by someone.

That one person, that person who had the name...

"Ram. Ramzi Troy Von Hugo." he said as he leave the room.

Bulong Ng HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon