Kabanata 1

44 6 0
                                    

"Let's break up, Ram." walang emosyon na sabi ni Quincy ngunit sa akin ang mga katagang sinabi niya ay halos paguhuin ang mundo ko.

"Don't tell me this is about your contract?" hindi siya naka-sagot, umigting ang panga ko dahil doon. "You promised me, Quincy."

"You also promised me! Sabi mo huwag kong isusuko ang pangrap ko para sa iyo, this is it, Ram! I'm sorry," sabi nito.

Napatingin ako sa malayo. Naiinis ako, nagagalit. Nangako siya na kahit anong mangyari ay mananatili siya pero ito! Siya na mismo ang nakikipag-hiwalay sa akin.

"So that's it? You'll just break your promise just like that?" galit na tanong ko.

"I'm sorry," tanging sabi nito.

Napatalikod ako at sinuklay ang buhok bago muli akong humarap sakanya. "Huwag naman ganito, Quincy. Nangako ka eh," pagmamakaawa ko at hinawakan ang kamay niya ngunit agad niya din kinalas iyon.

"Ram, pangarap ko 'to eh. I'm sorry, let's just forget everything. Let's just stay as friend, I'm sorry."

Tuluyan na itong umalis. Gusto ko sana siya sundan ngunit nag-simula nang kumawala ang luha ko na pinipigilan ko kanina.

Kinuha ko ang bisikleta kong pinark ko sa gilid at pinaandar yon. Wala rin naman akong mapapala kung iiyak lang ako doon.

Imbis na umuwi ay dumiretso ako sa kumpanya, lulunurin ka na lang muna ang sarili ko sa trabaho para kahit papano ay makalimutan ko ang pakikipaghiwalay ni Quincy.

"Felix, sabihin mo sisimulan ko na yung project ni Mr. Padilla, kaya magpatawag ka na ng meeting," utos ko sa secretary ko.

"Pero sir, akala ko po ba bukas niyo pa sisimulan yon?" tanong nito.

Inis ko siyang nilingon. "Kaya nga diba inuutusan kita na magpatawag ng meeting dahil gusto ko na gawin yon ngayon. I'm giving you ten minutes or else I'll fire you."

Nagmamadali itong umalis sa harap ko at ginawa na ang kanyang trabaho. Hindi naman ako binigo ng secretary ko dahil wala pang sampung minuto ay narito na lahat ng mga head ng bawat department.

"Bakit bigla kang nagpatawag? Pauwi na ko eh," reklamo ni Kuya Zeoh.

"Edi umuwi ka pero huwag mo kong sisisihin kapag nawalan ka ng trabaho," inis na sagot ko dito.

Nagsalubong ang kilay nito. "Problema mo? Ikaw diyan alanganin magpatawag ng meeting, isang oras na lang tapos na working hours," inis na sabi nito.

"Ikaw na ang nagsabi may isang oras pang working hours, so bakit ko sasayangin yon?" inis na sabi ko, hindi na ito sumagot at inirapan lang ako.

Ilang minuto ay nag-simula na ang meeting. Hindi naman nag-tagal yon dahil simula pa lang naman ang pinaplano namin. Sakto ang natitirang working hours para matapos ang meeting namin.

Dahil wala naman na akong susunod na gawin ay sinimulan ko na basahin at pirmahan ang mga papeles na sa susunod na buwan pa naman ang pasahan.

Nasa gitna ako ng pagtatrabaho nang may pumasok sa office ko, sinulyapan ko yan at nakita ko si Jarvis, naka-puting coat pa ito, mukhang kakagaling niya lang sa ospital.

"Hoy, mainit daw ulo mo sabi ni Zeoh," sabi nito, hindi ko siya pinansin at nanatili lang ang paningin ko sa mga papel na nakakalat sa harapan ko.

"Hoy, Troy! Huwag mo kong isnobin baka suntukin kita diyan," inis na sabi nito.

"Huwag ngayon, Jarvis. Kita mong busy ako, " sagot ko dito.

Kumuha siya ng isang papel, aagawin ko sana yun ngunit nilayo niya sa akin yon. "Dalawang buwan pa naman ang pasahan nito ah? Bakit ginagawa mo na? May nangyari ano? Sabihin mo, hindi yung sinasarili mo lahat."

Bulong Ng HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon