Kabanata 3

25 4 2
                                    

"I miss you, already!" naiiyak na sabi ni Myrtle.

Nang makarating ako sa Ethereal Hotel ay agad niya akong tinawagan dahil namimiss niya na daw ako.

"Stop being dramatic, baby. Kanina lang ay magkasama tayong nag-almusal," pagpapaalala ko sakanya ng nangyari kaninang umaga.

"Still! I miss you! Kahit naman na favorite kuya ko si Kuya Primo, ayoko pa din na magkakahiwalay tayong apat," sabi nito.

"Wow! Thank you for reminding me na Kuya Primo is your favorite kuya, at least ngayon may rason na ako para hindi ka ma-miss," biro ko.

"Tss, I'm not plastic kasi! Hindi tulad ni Kuya Blake na nagiging favorite si Kuya Primo tuwing gigimik siya kasama sila Kuya Trese and their friends, and don't worry! Ikaw ang favorite kuya ni Kuya Blake, he told me that," masayang kwento nito.

Nagkwento pa ito nang nagkwento, tulad na lamang kung ano ang nangyari sa eskwela niya ngayong araw at ang nga kalakohan na ginawa niya, syempre hindi naman papalya yan pagdating sa mga katarantaduhan. Nag-mana yan kay Kuya Primo, parehong-pareho sila.

"And— hey! What are you doing here?! Don't you know how to knock?!" biglang pag-sisigaw ni Myrtle.

Ginugulo nanaman siguro siya ni Blake. "Mama mo, knock. Matulog ka na daw! Napaka-ingay mo! Kailangan na kaya magpahinga ni Kuya Ram!" rinig kong sabi ni Blake.

"Mind your own business! Kuya Ram is actually enjoying to talk with me! Naiingit ka lang kasi hindi ikaw ang favorite sibling niya!" sabi naman ni Myrtle.

"So feeling mo ikaw ang favorite ni Kuya? Nangangarap ka ng gising! Ako naman talaga kasi ang favorite niya!" laban pa ni Blake.

Napa-iling na lamang ako dahil nagsisimula nanaman silang magbangayan.

"Itigil niyo na yang dalawa! Pumunta ang Kuya Ram niyo sa Etereo para magpahinga! Tapos tatawag-tawag kayo! Tumigil na kayo!" rinig kong sigaw ni Mama kaya natawa ako.

"Si Mytrle yung tumawag, Ma! Tapos ginugulo niya!" pagsusumbong ni Blake.

"I just miss kuya lang naman eh!" pagdadahilan ni Myrtle.

"Go to sleep already, Tatianna. It's late and don't miss me too much, I really do need this break," utos ko kay Myrtle.

I heard her sigh. "I'll try not calling you pero talk to me when you want to share something! Huwag ka kila Kuya Primo or Kuya Jarvis mag-share! Sakin muna!" demand nito.

"Pag-iisipan ko. Sumbungera ka eh," biro ko.

"Promise! Hindi ako mag-susumbong!" sabi nito na ikinatawa ko.

"Go to sleep, Myrtle," utos ko.

"Okay. Good Night, kuya! Have fun with your vacation, I love you!" sabi nito bago tuluyang ibaba na ang tawag.

Sumunod na araw ay tanghali na akong nagising dahil late na rin naman akong natulog dahil nga sa kadadaldal ni Myrtle sa akin.

Chineck ko ang phone ko at may message agad si Myrtle sa akin, kanina pang ala sais ng umaga iyon.

From: Tatianna, the brat.

Good Morning, kuya Ram! You're probably still sleeping right now, have fun in Etereo! I miss you again! Love ya.

Napailing na lamang ako sa ka-sweetan ng kapatid ko.

Inaayos ko muna ang mga gamit ko dahil hindi ko ito naayos kagabi dahil pagkatapos akong kausapin ni Tati ay agad na akong nakatulog.

Nang matapos ako ay dumiretso ako sa resto ng hotel at doon ako nag-almusal.

While having branch, my phone beep, sign na may text ako. Tinignan ko yun at nakita kong nag-text si Kuya.

Bulong Ng HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon