Kabanata 7

24 5 1
                                    

(Jace's POV)

Bawat segundo ay sinusulyapan ko si Ram habang kumakain. Nag-aalala kasi ako dahil nung pinakita si Quincy kasama ang bago nito ay nakita ko yung sakit sa mga mata niya.

Kung kanina ay tahimik kaming kumakain, ngayon ay pakiramdam ko mas tumahimik.

"May alam ka?" pagbabasag niya sa katahimikan.

"S-Saan?" utal na tanong ko.

"Did you know that I'm Quincy Ty's Ex?" paglilinaw niya.

Napalunok ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Magsasabi ba ko ng totoo o magsisinungaling. In the end, sinabi ko ang totoo.

"O-Oo," sagot ko. "Ang alam ko lang ex ka niya ha, and yun lang, wala ng iba."

Sinungaling.

Napa-tango na lamang ito. "I'm done," sabi nito at uminom ng tubig.

"T-Tapos na din ako," sabi ko kahit mayroon pang kaunting pagkain sa plato ko.

"You're not. Ubusin mo yan," parang nanay na sita niya. Wala naman akong nagawa at mabilis na inubos yon.

Nung maubos ko yun ay uminom ako ng tubig at agad na binayaran ang mga inorder namin.

Bumalik ako sa table namin kanina ngunit wala na si Ram doon kaya naman ay hinananap agad siya nang mga mata ko.

Nakita ko itong palabas kaya naman ay sumunod ako doon. "Hey!" tawag ko.

He stopped walking. "Ano?" lingon nito.

"W-Wala naman. May gagawin ka pa ba? I mean, may pupuntahan ka ba or what?" tanong ko.

"Yeah. Maiwan na kita, and thank you for the treat," mabilis na sabi nito at tuluyan nang umalis.

Napanguso naman ako. Kung noon ay paborito ko ang kainan na iyon ngayon ay sinusumpa ko na! Bwisit na TV yon!

Dahil wala naman na akong gagawin ay bumalik na lang ako sa kwarto ko. Naglinis ako ng katawan dahil kanina ay kagagaling ko lang sa dagat.

Nang matapos ako ay nanood na lang ako ng mga pelikula na meron sa telebisyon. Hanggang hindi ko namalayan ay dumidilim na pala.

Nag-sawa na ako sa pagnonood kaya naman ay pinatay ko na ang TV at gumamit na lang ng phone.

Wala namang magandang makikita sa cellphone ko kaya naman ay naisipan ko na lang lumabas, after all narito ako sa Etereo para magbakasyon at maggala, hindi manood ng movie or mag-cellphone.

Nagbihis ako ng one piece swimsuit kahit wala naman akong balak mag-swimming, but in case na magbago isip at least naka pangswimming na ako, pinaresan ko na lang ito ng maong na shorts.

Sinigurado ko munang wala akong naiwan na dapat kong dalhin bago ako tuluyan na lumabas sa hotel room ko.

Dumiretso ako sa open bar na laging bukas gabi-gabi, dahil masyado ng malalim ang gabi ay wala akong ibang choice kundi ang tumambay dito dahil ito na lang naman ang bukas na tambayan sa ganitong oras.

Wala akong balak uminom kaya naman ay nag-order lang ako ng wine dahil doon lang naman ako hindi nalalasing.

Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong mga nagpapakasaya, ang iba ay nagsasayaw ang iba ay nanonood lang rin gaya ko.

Napatigil ang paningin ko sa isang tao, tinitigan ko ito at sinisigurado kung tama ba ang nakikita ko.

Ram is drinking.

Mukhang hindi ito ayos. Siguro, tungkol ito sa nangyari kanina. Alam ko namang nasaktan siya sa nakita niya kanina at nagpapanggap na ayos lang siya pero hinayaan ko lang iyon dahil ayoko namang magalit siya sa akin dahil sino ba naman ako para pakielaman ang buhay niya?

Bulong Ng HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon