Kabanata 9

22 4 0
                                    

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Nagdadalawang-isip ako kung iinom ba ako o hindi, sobrang baba kasi talaga ng alcohol tolerance ko, natatakot ako na baka mas mauna pa akong malasing sakanya at may magawa akong mali.

"Akala ko ba sasamahan mo ko uminom?" tanong nito bigla.

Kinuha ang chaser at nilagyan yon alak, agad ko yung tinungga matapos kong lagyan. Pagbagsak ko ng chaser ay bigla na akong nahilo.

Kaya ayokong uminom eh!

Ngunit kailangan ko 'to para magkalakas loob akong tanungin siya nang isang bagay na alam ko sa sarili kong isang napakalaking katangahan.

"Let me help you," pagsisimula ko. Nagtataka niya akong tinignan, ngunit di ko pinansin yon. "Just like how you helped me."

"What do you mean?" tanong nito.

"Let me help you, move on from her," pagliliwanag ko. "To get over her, to forget her," sabi ko pa.

"Why would I accept your offer? We're literally strangers. Bakit ba tinutulungan mo ako?" nagtatakang tanong nito.

Tumawa ako, wala namang nakakatawa pero tumawa ako. Siguro ay dahil unti-unti na ako tinatamaan ng alak kahit dalawang shot pa lamg ang naiinom ako.

"We're not strangers, Ram. Sadyang di mo lang ako maalala kaya ganun," sabi ko at tumawa.

Kinuha ko ang chaser na hawak niya at iinumin niya sana ngunit ako ang uminom nito.

My face scrunched as I tasted the sourness of the vodka. "Ilang taon na ba ang nakalipas? Three? Four? Yeah, four years, it's been four years when I first met you," natatawang kwento ko. "Hindi pa kayo magkakilala ni Quincy pero nagkakilala na tayo, but I guess you really don't remember how we met."

Tinignan ko siya ngunit hindi ko mabasa ang reaksyon niya. Hindi ko alam kung interesado ba siya o hindi pero wala akong pake, nagpatuloy akong magkwento.

"I was really sad that night. Akala ko kasi nahanap ko na yung mga taong tunay sa akin pero hindi pala," kwento ko bago ay tumungga ako ng isang shot ng vodka muli. "I don't know but I just wanna get lost that night, so slitting my wrist was the only way I can think of," kwento ko pa, bigla na lamang ako natawa dahil sa pagkaalala noong sunod na nangyari.

"Then suddenly, sumulpot ka. Telling me not to do it, kasi wala naman akong mapapala at mas dadagdag lang ako sa pagpapahirap kanila mommy, so I didn't do it."

"Alam mo ba, pag-uwi ko, umiiyak si mommy. Nag-alala siya ng sobra kaya pinangako sa sarili ko, hindi ko na ulit gagawin ang bagay na iyon at lagi na akong mag-uupdate tungkol sa nangyayari sa akin, kasi ayokong nag-aalala si mommy," sabi ko pa.

"Thank you. You really helped me a lot," pagpapasalamat ko at matamis ng nginitian siya. "Kaya ngayon, gusto kong ibalik yung tulong na ginawa mo sa akin. Let me help you be happy again because that's what you deserve, someone like you deserve every beautiful things in this world, so let me help you, Ramzi."

"How would you do that?" tanong nito. "How would you help me?"

Napatigil ako doon, I actually don't know how would I help him. I stayed silent for a minute, paulit-ulit na nag-iisip kung ano pwede kong gawin para matulungan siya pero isa lang ang naiisip ko.

Being his rebound.

Natawa ako bigla sa ideyang iyon. Tama si Vers, kaya ako pumunta sa Etereo para magpaka-rebound sakanya.

Simula't sapul ang tanga-tanga ko na. Alam ko naman na ganito ang babagsakan ko pero ginawa ko pa din. Hindi ko dapat hinayaan ang sarili ko na ma-attatch sa tulad niya. Gusto lang naman niya akong tulungan noong gabing yon pero binigyan ko na ng kung ano-anong kahulugan ang nga ginawa niya.

Bulong Ng HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon