---------
Tulad nga ng sabi ko nasa una na ng pila si Rence.
And ako naman, di nakasunod agad kasi marami nang gumitgit. Ang dating ngayon, sya nasa unahan, ako nasa pinaka likuran. -,-
Sa labas ng bus, sumigaw yung teacher,
"Okay, you can enjoy now, but be sure to be with your buddies"
Nagspread out lahat ng students, naghilahan dito, laro doon. They look so excited. Samantalang ako, bwiset na kahahanap kay RENCE! Kung san sang lupalop na ko nakarating, simula kasi nung nag spread out lahat, gulo gulo na! Nasa unahan pa naman yun.
Nakakapagtampo sya, di man nya ako inisip!
------
Lahat sila nakasakay na ng rides. Ako naghahanap parin! Nasan na kasi yung lalakeng yun, pag nakita ko yun babatukan ko ng mabangis yun!! RRGH! >.<
"Haha, asintahin mo maigi.. yaaan. Go!"
"Tekaaa. Alam ko yung boses na yun ah?" Nakita ko si lawrence sa stand nung baril barilan.
Basta, parang yung sa perya.
"LAWRE-----"
Bwiset, kasama nya si Mandy. All this time mukha akong tanga kahahanap sa lalakeng masaya at may kasamang iba. I feel like my heart was broken into pieces nung nakita ko sila. Kahit na alam kong bestfriends lang kami, may something na gumugulo saken! UGH! Basta ang hirap ipaliwanag. I'll explain it in one word. "MASAKIT!"
Yun yun. I dont know why, bakit sa kabila ng pagsasama namin eh parang kulang parin sa kanya. Hindi sya nakuntento sakin, means, may kulang.
Im really confused.
Oh God, they're coming this way, I must hide, sa oras na to, ayaw ko muna magpakita kay Lawrence. Ayoko i-ruin moment nila together. Pero teka, diba may boyfriend si Mandy, bakit kailangan nya mag flirt, dahil ba sa ibang school na nagaaral si Alex? kaya free syang gawin lahat?
Kung sa side ni Alex, super unfair ni Mandy.
Babalik na nga akong bus, kala ko mageenjoy ako -,-
While walking.
*BLAAAG*
Bangga nanamaaan! >.< Sa lakas ng impact napaupo ako.
"OOPS SORRY MISS!, Ok ka lang ba? Tulungan na kita tumayo?"
"Oo oo okay lang ako"
Nakatungo kasi ako habang tumatkbo, and yes, umiiyak ako.
Di ko pa nakikita mukha nung nabunggo ko. Pero naguusap kami. Parang narinig ko na nga yung boses nya eh.
I look up and....
"ALEX?! Anong ginagawa mo dito?!"
Parang nangyare na to ah? Parang Dejavu?
"Oh hi miss, ikaw pala! Well, may family reunion kasi kame, and I heard dito rin daw kayo pupunta. By the way, have you seen Mandy?"
OOOOH MY, di ko alam isasagot ko, ayaw kong mag-end yung relationship nila ng dahil sakin. Magsisinungaling ba ko? Bahala na!
"Ah - Eh, hindi eh, pero parang nandun sila George" pinoint ko sa kanya yung opposite side para malayo sya kanila Rence at Mandy"
"Really? Ah okay, just checking, ayoko muna sya puntahan, nageenjoy sya, kaya hahayaan ko muna. By the way miss, ano palang pangalan mo?"
"J-jonas, Jonas Ledesma"
"Wow, nice name. Ang rare para sa isang babae"
"Haha, alam mo ikaw lang ang nagsabi sakin nyan"
"Totoo naman kasi, ahm, jonas, san ka pala pupunta?"
"Babalik na sana sa Bus"
"Ah, pwede favor? Gala muna tayo oh, please??? Dont worry saglit lang naman eh, kailangan ko lang ng kasama"
Ang cute nya mag please. <3 <3
"Ahm, O sige" nagsmile ako sa kanya.
"YES! Tara dun tayo!"
Hinila nya ko sa wrist, and of course, isa lang nararamdaman ko ngayon.
KINIKILIG! :"3
Ewan ko, pero nakalimutan ko na badtrip pala ako dahil nakita ko sila Mandy.
Nag ikot ikot lang naman kami ni Alex, naglaro ng games, and guess what?! Binigyan nya ako ng teddy bear na half size ko, napanalunan namen sa isang game.
Habang naglalakad lakad,
"Alex?"
Lumingon kaming dalawa, and again, it's MANDY.
"Are you dating?!" sigaw nya.
*PLAAK*
Oo, sinampal ako ni Mandy.
"Mandy stop! We're not dating!, niyaya ko lang sya maggala gala! You dont have any right to do that" sigaw ni Alex.
Pinagtitinginan na kame ng mga tao,and super nahihiya na ko.
"So ganon? Mas kinakampihan mo pa yang malanding babaeng yan! You know Alex?! We're done!" sabay sampal din sa kanya.
Tumakbo na paalis si Mandy.
"Oh my gosh, Alex are you okay? I am so sorry! this is all my fault"
"No, its not your fault, its no ones fault, I'll just talk to her, I promise, this will be fine. Na shock lang siguro sya. Sorry jonas, dahil sakin sinampal ka nya"
"Okay lang ako, wala lang yun sakin, sige Alex, mauuna na ko, baka maiwan ako ng bus eh. I had so much fun. Thank you! Bye!"
Pagkapasok ko ng bus, sinilip ko agad yung seat namin ni Rence. Wala sya, so I texted him.
To: Renciee
Whui, asan ka na? Bakit wala ka pa dito sa bus. Kanina pa kita hinihintay.
-jonas
after 3 minutes, nagreply sya.
From: Renciee
Wag mo na akong hintayin, nasa kabilang bus ako.
-rence
Wait. What? Nasa kabilang bus? What bus? Yung kanila Mandy? Super nakakainis na tong lalaking to! Ok fine! Bahala sya!
Di ko namalayan. nakatulog pala ako, nagising lang ako nung narinig kong nagsstop na yung bus. Matamlay kong kinuha yung gamit ko, and bumaba na ko, di ko na hinanap si Lawrence dahil masama nga ang loob ko sa kanya.
Umuwi ako ng bahay magisa. Naligo, nag computer ng saglit, at humiga na.
Sinubukan ko siyang itext.
To: Renciee
Hoy, ano bang problema mo? Bakit iniwan mo ko magisa sa E.K.?? Bakit kasama mo si Mandy?
-jonas
Maya maya lang ay nagreply na siya.
From: Renciee
Panong hindi kita iiwan eh sabi nya nakikipaglandian ka kay Alex, jonas wala kang karapatang gawin yun! Alam mo bang umiiyak sya kanina sa bus?! Hinatid ko sya hanggang bahay nila. Ewan ko sayo Jonas! Nag iba ka na!
-Lawrence
Nagulat ako sa sinabi nya, napaluha ako ng hindi ko namalayan. Bakit sakin niya sinisisi lahat? Anong nakikipag landian? Bakit ang sakit nya magsalita?
Yan ang mga tanong na hindi ko masagot sagot.
At dahil sa text niyang yun, hindi ako makatulog! >.< Alas quatro na ng umaga. Gising parin ako. Iniisip kung anong mali ang nagawa ko sa kanya.
Bakit parang nagiba sya.
Nagiba sya ng ganun kabilis.
Nagiba sya simula nung nagsama sila ni Mandy.
Nagiba sya ng pakikitungo sa Bestfriend nya.