--------
UGHH! Baka di nanaman ako makatulog neto. Nakakairita na! Kung ano ano pumapasok sa isip ko. Itext ko kaya sya?
"RENCE' POV"
Kakauwi ko lang galing kanila Jonas. Bakit ako natutulala, bakit ang abnormal ang tibok ng puso ko, bakit parang sasabog na, Hindi kaya----?
Uggh!! Erase Erase! Hindi naman siguro, bestfriends lang kami, at hanggang dun lang yon.
*Beeep*
Huh? Sino kaya to?
*opens text message*
From: Naseng!
Hi.
-Jonas
What the? Hanep sa ikli ah. Loko tong halimaw na to, magtetext nalang, nuknukan pa ng ikli.
To: Naseng!
Hello?
-Rence
*Beep*
*opens text message*
From: Naseng!
Uhm, nakauwi ka na ba? Safe ka bang nakabalik sa bahay nyo?
-Jonas
Teka? bkit ganun na lang sya ka concern? Ano kayang problema neto? Bakit parang seryoso sya ngayon? Eh kanina lang, nagkukulitan kami sa daan ah?
To: Naseng!
Oo, nakauwi na ko, wag kang magalala ayos lang ako.. Ahm, Jonas ayos ka lang ba? Anong problema?
-Rence
*beep*
*opens text message*
From: Naseng!
Ah? Oo Okay lang ako. Lagi naman akong Ok diba? ;)
-Jonas
Pero parang may kulang, parang may problema talaga sya?
To: Naseng!
Hindi ako naniniwala, teka.. Tatawagan kita.
-Rence
"JONAS' POV"
Nakakaasar! Bakit ba ang kulit neto! Sabi ko wala akong problema diba? Hays! Wala na akong magagawa kundi hintayin yung tawag nya.
2 minutes later,
*Kriiinggg Kriiinggg*
"Hello?" pambati ko.
"Oh, hello, Ano na?"
"Anong ano na? Abno ka rin no? Ikaw tatawag tawag dyan tapos ako tatanungin mo kung ANO NA?"
"Oh! Relaax lang! Masyado namang mainitin ulo eh"
"TSE!"
"Ang sungit mo nuh? By the way, ano ba problema mo? Parang ang seryoso mo ngayon? Samantalang kanina ang kulit kulit mo."
"Wala" -,-
"Naman ih!! Ano kase?" pagpupumilit nya
"Gusto mo malaman?"
"OO!! OO!!"
"Gusto mo talaga?"
"OO NGAAAA!!"
"Hoy! G*go, wag mo ko sigawan, masakit sa tenga"
"Sorry naman!, Oo gusto ko malaman"
"Sige, 9pm sa playground"
"Okay Okay, sisipot ka ha! Baka naman pinapapunta mo ko dun tapos wala ka naman!"
"Oo sisipot ako, sige ibababa ko na to. Bye!" sabi ko sa kanya.
"Okay bye"
Tama ba tong ginawa ko? Tama ba yung sinabi ko? Magagawa ko kayang aminin sa kanya ang nararamdaman ko? Maiintindihan nya kaya ako? AAAHH!! Maloloka nako! Ang daming tanong sa isip ko!!
Iidlip muna ko alas quatro pa lang naman.
Kailangan ko ng lakas para mamaya, hindi ko alam ang mangyayare.
-------
Pagmulat ko, hindi ko namalayan na apat na oras na pala akong umiidlip, pagtingin ko sa labas. Madilim na. Isang oras nalang ang paghahandaan ko.
Naligo na ko, nagbihis at agad umalis kahit alam kong maaga pa.
Nung nasa playground na ko.
Napansin ko na ang tahimik sa paligid, kinikilabutan na ko.
Kaya naisipan kong maglakadlakad.
Habang sinisipa ko yung lata. Biglang mag humigit sakin.
"MMMMMM!!!"
"WAG KANG MAINGAY! KUNG HINDI SASAKTAN KITA!"
-----------