He's my BestBoyfriend (2nd Chapter)

68 0 0
                                    

-------

Ahh. Finally, nasa Laguna na kame.

But still, ang tahimik ni Rence..

Grabe naman kase yang Mandy na yan! Wagas magpaganda, ayan tuloy, nakamangot bestfriend ko dahil di nahabol ang Prinsesa nya.

-,- Nakakapanibago naman.

Yung feeling na, imbis na naeenjoy nyo yung fieldtrip, eh na BV na agad kayo, unang destination palang.

hindi ako tutunganga lang dito, ako ang magbabago ng mood ng bestfriend ko!!

GO JONAS!! whoo!

"Ang ingay mo" -,-

Nagulat ako nang bigla syang magsalita.

"Ha?! E di nga ko nagsasalita."

"Anong hindi nag sasalita, eh kanina mo pa kinakausap sarili mo"

Nyemass!! Narinig nya lahat ng sinabi ko?!! Sh*ttttt..

"Ah- a.... Ako? Ah hinde, nagdadasal ako na sana safetrip tayo" aaaand I lied.

------

Nagstop na yung bus,

"Okay students, let's form two lines, ok? " sabi ng teacher sa unahan.

"YES MA'AM" sabay sabay na sabi ng mga estudyante.

"Tara na Rence?"

"Ayoko bumaba -,-"

Hinsi sya nakatingin saken. Naka silip sya sa bintana habang kinakausap ako. Baet nuh? Pffft.

"Anong ayoko, wag ka na ngang maarte dyan! Hahabulin naten yang Mandy mo." sabay hila sa braso.

Tumayo rin sya agad, nakooo basta sinabing MANDY eh, nagiging alert na! Chi.

Pagbaba namen ng bus. Sinenyasan ko si Rence.

Sinundan ko sya ng tingin habang naglalakad towards sa teacher  namen. Habang nakapila ako.

"Ma'am, I feel dizzy, can I go to the comfort room"

And yung mukha nya parang nahihilo talaga, nakakunot pa ang Nuo. BEST ACTOR! HAHA

With that, sinamahan ko sya, at sumimple sa kabilang bus.

"RENCE! RENCE! Si MANDYY!! Tara dali!!

Nasa labas kame ng bus nila Mandy, soundproof yon, kaya kahit magsisigaw ako, hindi nila kame maririnig,

Nasa loob si mandy, may nakasalpak na earphone tapos nakashades.

May araw sa loob ng bus teh? -,-

I think umiiglip sya.

Sinubaybayan namen sya ni Rence, hanggang may lumapit kay Mandy sa loob at tinapik sya, ginigising ata, then, nung tinanggal nya yung shades nya. Sa tingin ko. nakatulog sya buong trip at hindi namalayang nag Stop na yung Bus.

By the way, yung nagtapik kay Mandy, si George. Georgina talaga yung name nya. (pangmayaman nuh?)  Tropa sya ni Mandy. Ang pagkakaalam ko. may Clique sila.

Clique: Group sya ng mga girls na susyalen.

Grabe mga suot nila. Nakakapanglaway talaga! As in.

Eh. Sensya sila. Di kame gaanong kayaman. May kaya lang sa buhay.

By the way, balik sa pagsilip namen ni Rence.

Umalis na kame. kasi wala na yung sinisilayan nya.

Bumalik na kame sa line, without them knowing na galing kameng kalokohan.

--------

He's my BestBoyfriend (Love or Friendship?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon