He's my BestBoyfriend (6th Chapter)

26 0 0
                                    

-------

AAH! Grabe! Maloloko na ko sa kaiisip! Umaga na, naririnig ko dito mula sa kwarto yung tunog sa kusina, ibig sabihin gising na sila mama. Hays. -.- Lalabas na ko ng kwarto.

"Oh, anak, gising ka na pala! Mag almusal ka na.......   anak? anak?, Ay anak ng kabayo, nakatulog na sa lamesa! Malamang di to nakatulog kagabi! Tsk"

Narinig kong nagsasalita si Mama. Gusto ko sya kausapin, pero di kaya ng mata ko, di kaya ng bibig ko, di kaya ng katawan ko. Sobrang stressed na ko.

Nagising ako nasa sofa na ko sa sala, di na ko ginising ni mama para kumain. Ipinabuhat nalang niya ako kay papa, panigurado.

Tutal wala na ang antok ko, napagisip isip kong pumunta kanila Lawrence. Agad akong naligo, nagbihis at umalis na ng bahay.

*doorbell*

"LAWRENCE?"

*doorbell*

"LAWRENCE?"

Bumukas ang pinto, at sinalubong ako ng yaya nila.

"Ay, magandang umaga po ma'am Jonas"

"Magandang umaga din po, pwede ko po ba makausap si Lawrence?"

"Ay sige po, tawagin ko lang po, pasok muna po kayo sa loob."  

"Hindi na po, dito nalang po ako sa labas."

"Ay mam, baka po kasi magalit si sir, pasok na po kayo sa loob"

"*sigh* Sige na nga"

Sinara na ng yaya nila ang gate.

Galing ang yaya nila sa kwarto ni Lawrence, siguro, sinabi na nandito ako.

"Ma'am pasok nalang daw po kayo dun"

"Ay sige po, Salamat"

Bakit ganon? Nangangatog kalamnan ko habang palapit ako ng palapit sa kwarto ni Lawrence. Bakit nanginginig panga ko, Bakit nanlalamig kamay ko? Wala naman akong ginagawang masama pero bakit sobrang kabado ako?

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Lawrence na nagcocomputer, tumayo sya pagkapasok ko.

"Anong ipinunta mo rito?" sambit ni Rence.

"Magusap naman tayo oh, hindi ko alam kung bakit ka nagalit sakin, kasi wala naman talaga akong ginagawang masama."

"Talaga? Eh bakit ka nakikipaglandian sa boyfriend ng may boyfriend"

Ouch sakit nun ah.

"HA?! Rence, hindi ako nakikipaglandian. Niyaya lang ako ni Alex na mamasyal, yun lang yun!" pagmamatigas ko.

"Nakita kayo ni Mandy, bakit mo pa pinagkakait? Ha?"

" Oo nakita kami ni Mandy, pero nagkakamali sya, mabait na tao si Alex, hindi nya magagawa yun kay Mandy, sa tingin ko Lawrence, kailangan mo ipaliwanag kay Mandy ang totoong nangyare"

"Ah ganon ba? Pasensya na Best, na gulat lang talaga ako, kala ko kasi-----"

"Kala mo nakikipaglandian ako? Kilala mo ko, Bestfriends tayo simula pagkabata, alam mong di ko magagawa yun"

"Sorry Jonas"

Nagulat ako ng bigla syang lumuhod. Sincere na sincere sya sa pag so-sorry.

"Huy! Anong ginagawa mo, tumayo ka nga dyan, wag kang magsorry kasi ayos lang sakin lahat yun"

"So? Bati na tayo?"

"Uhm yea----"

Mas lalo akong nagulat nung niyakap nya ko, bakas sa mukha nya ang pagkasaya.

"Ahm Rence, uuwi na pala ako, may general cleaning kami sa bahay eh, pumunta lang talaga ako dito para linawin lahat sayo."

"Ay sige, hatid na kita"

"Sige"

Natutuwa ako kasi balik sa normal ulit ang takbo ng lahat. Kahit na nagkaeyebags ako dahil sa hindi ko pagkatulog kagabe. Ayos lang, worth it naman.

"Babye Rence! Ingat! Salamat ulet"

"Babye JONAAAS!" sabay ngiti.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, ang abnormal ng beat nya. Mahal ko na ba si Rence?

Buong araw ako nagisip kung ano talaga ang nararamdaman ko, buong araw din ako naguguluhan. Kinuha ko mula sa cabinet yung Photo Album namin ni Rence, bata pa lang kami nung ginawa namin yun.

Nag Reminisce ako. Baka sakaling yun ang sagot sa mga tanong ko.

At hindi naman ako nagkamali.

Napatunayan ko sa sarili ko na Mahal ko si Rence more than Bestfriends. Masaya ako nung nalaman ko yung katotohanan, pero si Rence kaya? Sasaya din kaya sya pag nalaman nya yung katotohanan?

He's my BestBoyfriend (Love or Friendship?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon