Seven.Naramdaman ko ang sakit na nanuot sa panga ko. Hindi malayong magkaroon ng pasa doon.
Binitawan ni Neon ang balikat ko dahil hindi naman ako ang dapat hawakan. Tatlong kamay ang may hawak kay Yamo. Sa bandang mata ko siya tinamaan. Nanggigitgit siya sa galit habang nakatingin sa akin.
'Di ko naman mapigilang ngumisi sa kabila ng lahat ng ito.
Ni hindi ko alam ang pinag-ugatan ng galit niya sa akin. Imposible namang hindi niya sinasadya dahil kahit isang bata ang makasaksi sa pangyayari, iisa ang makukuhang konklusyon.
Wala akong magawa kundi pasadahan ang buhok ko ng pawisan ko ng palad. I despise this situation. Parang tanga lang kasi eh.
"Ano bang problema mo?" Medyo kumalma ako, nakatulong iyong namumula at galit na mukha ni Yamo sa harap ko. Isang suntok lang din naman ang binigay ko sa kaniya ah?
Siguradong-sigurado ako na kahit isang beses ay hindi pa nagkasalubong ang mga landas namin, malamang na nagkasalubong na pero hindi ko siya kilala. Ni hindi ko alam na may estudyante palang nagngangalang Yamo dito sa school. I don't even know that name exists!
May mga kumakantyaw parin sa paligid at may iba naman na tahimik lang na nanonood. Mukha namang wala ng balak na gawing katangahan 'tong si Yamo kaya tuluyan akong kumalma. Hindi ako ipapatawag sa office para sa walang kwentang dahilan.
"Gawin mo daw kung anong gusto niya." Sambit niya ng mahina. Tinalikuran niya ako at sumunod naman si Salazar sa kaniya.
Mabilis akong humakbang at naabutan siya agad. Ang gagong bastos na 'to!
"Hindi pa ako tapos makipag-usap sa'yo. Ayusin mo ang sagot." Kailangan ko ng matinong sagot. Hindi ako nahampas ng bola sa ulo para sa wala.
Hindi na siya nagmatigas at hinarap din ako. "Itanong mo na lang kay AJ." Ano?! "Pasensiya na. Wala akong problema sa'yo." Yumuko siya pagkasabi noon. Ganoon kabilis na nawala ang tapang at angas niya kanina.
Ano namang kinalaman ni Delgago dito? At bakit sinusunod niya ito?
Naglakad na ako paalis at sumama sa akin si Neon na masama parin ang tingin kay Yamo. Bumalik naman ang lahat sa normal at nagsibalik narin ang iba kong kaklase sa classroom. Kanina pa kasi tumunog ang bell. Marami namang naiwan sa court at hindi pa nakuntento sa laro kanina.
Ganoon din siguro ang gagawin ko pero nawalan na ako ng gana. Pagdating namin sa classroom ni Neon, tumapat agad siya sa aircon. Kumuha naman ako ng face towel sa bag ko na mas malinis at mas may laman na ngayon.
Lumapit ako sa pwesto ni Neon. Masama daw kapag kagagaling sa init pero hindi alintana. Hindi na ako masasanay kahit kelan sa init sa Pinas. Mainit din ang ulo ko.
"Si Aj na naman, boy. Desperado ang isang iyon." Narinig kong sabi ni Neon. Hindi pa ata sapat para sa kaniya ang buga ng aircon kaya dumampot pa ng folder sa gilid at ipinaypay niya sa sarili.
May mga lumapit kaming kaklase at nagtanong kung ayos lang ba ako. Hindi ko alam kung bakit nagtatanong pa, wala namang ibang natamo kundi pasa sa panga at init ng ulo.
Nagsialisan na rin nung nakuha nila mga bag nila. Pinalitan ko ang P.E shirt ko ng isang white v-neck shirt ng makitang wala ng naiwang babae sa room namin.
"Kung ganoon, siguradong hindi siya titigil kahit 'di ka mapapayag. Maghahanap iyon ng ibang uutusan." Narinig ko na namang sabi ni Neon. Namumula ang maputing balat nito. Matagal ng nawala ang tan niya.
"Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, gusto kong uminom ng malamig na coke." Sabi ko para magliwanag ang mukha ni Neon.
Napagpasiyahan naming umuwi na. Hindi naman ako nagulat nang makita si AJ sa labas ng room namin, mukhang may hinihintay.
BINABASA MO ANG
Destination: Hope (On-hold)
Подростковая литератураHope Cortez ran away, leaving only a note that indicates she doesnt want to be found. Ross could've continue with his life like most people who knew her since her name and 'ran away' in one sentence is not new, but he can't. If only he hadn't stole...