2| Worse than a Migraine

37 19 27
                                    

Two.

I am not into planning summer vacations but then when Papa explained to me how the punishment is gonna be, the first thing that comes to my mind was, 'it wasn't part of the plan'. A most awaited summer vacation will be ruined. Ewan ko, hindi naman ako mauubusan ng summer vacation pero pakiramdam ko lahat ng iyon dapat sinusulit.

Noong gabing iyon matapos kumalma ni Papa, at maipagtimpla siya ni Mama ng tsaa, hindi na siya naghintay pa ng panahon para pag-isipan kung ano ang gagawin sa anak na lumabag na naman sa batas niya. Mukhang siguradong sigurado at matagal ng nakalatag ang parusang ipapataw kung sakali mang dumating ang araw na gagawa ako ng malaking pagkakamali.

When I heard what it was, I almost laughed. But of course, I didn't since it would only drag me to more trouble. The common punishment for a normal teenager. You know how it was. No gadgets, no allowance, not allowed to go outside when its not necessary, that part actually, I wanted to argue.

Getting out and sucking air is necessary. Buti nalang naidagdag ni papa na magtatrabaho din ako sa construction site. Pero second week pa ng april ako nag-start pagkatapos ng birthday ko at makaabot na sa eighteenth.
Ang naisip ko pa noon, para akong bata neto. It took one wasted night to put me in this situation and of course, Hope Cortez to tell my parents.

Una, hindi ko talaga alam kung sino ba ang nagsumbong sa pulis. Maaring si Hope din pero hindi naman siya aabot sa ganoon, hopefully. Pero sa parents ko, siguradong siya.

I spent my vacation like that. On weekdays, papasok ako sa site para magtrabaho. Nasa tamang edad naman na ako. May sahod iyon siyempre, pero hindi naman papayag si papa na mauwi iyon sa kamay ko. I work hard for it but Dad don't trust me with it. It's not like I am able to spend the money. Pagkatapos ng trabaho ay isinasabay rin ako ni Kuya Ambros pauwi. Kung wala siya ay sumasabay nalang kay Kuya Clay na isang engineer.

Working saved me from getting bored. Kahit papaano ay hindi naman nahirapan. At least, I don't have to rot inside our house for the whole vacation.

It's not like this is the first time in my whole life that I had to face my Father's anger. Mas loko-loko at gago ako noon. So I face the consequences like a mature man.

"Isang linggo lang naman pala, boy. Ano pang ikinasasama ng loob mo? Eh, nalagpasan mo nga yung halos buong bakasyon na bahay-trabaho lang" Neon Takashima was trying to knock some sense to me.

Tama naman siya eh. Napabuntong hininga ako, hindi parin ako makapaniwala. Parang napakalaki naman ng kasalanan ko. Kasalanan na ba ang magpakasaya kasama ang mga kaibigan at gawin ang normal na ginagawa ng isang normal na teenager?

Minsan lang naman eh. Tutol pa nga ako sa ideyang iyon, si Neon at Iran lang naman ang may gusto. Si Iran dahil bahay ng girlfriend niya ang pagdarausan at may away sila, gusto niyang magsorry. Si Neon naman, wala lang, gusto niya lang. At naisip kong sana ako din, kung pupunta man ako sa isang party, hindi lang dahil nabitbit ako ng mga kaibigan ko, kundi 'wala lang'. Bakit ba?

Hindi nagsalita si Iran na nasa tabi ko rin. Maingay ang paligid dahil sa mga estudyanteng naghahanap ng pwesto dito sa gym. Binabaha ang entrance at may iba pang tumambay doon para lang makipagusap sa mga kakilala nila. "Wala, umasa lang kasi ako talaga. Akala ko may pagkakataon pang humirit bago tuluyang magsimula ang klase" sabi ko.

"Its the first day of school, Ross." Si Iran na parang gusto akong batukan dahil bulag sa katotohanan. "Tsaka isa pa, it is not the end of the world. After you get out from that sentence of yours, we'll do whatever we want". Whatever we want. Mula pa iyan kay Iran na reserved, strikto at parang lolo. Bihira lang ngumiti ang kumag. Matangkad na ako sa 5’6 at sa tingin ko ay mas tumaas pa nitong bakasyon but Iran has always been taller than me.

Destination: Hope (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon