Nine.
Dalawang kanto ang kailangan kong likuan bago makalabas sa subdivision, sunod na bubungad sa akin ang town proper kung saan marami pa ring kabahayan, huli ang lupain ng sakahan bago makarating sa highway.
Hindi pa ganoon karami ang mga sasakyan dahil maaga pa at halos hindi pa sumisikat ng tuluyan ang araw na dahilan ng makulimlim na langit at malamig na simoy ng hangin. Sinadya ko talagang magising ng maaga para smooth lang ang pagmaneho ko at hindi maabutan ng traffic sa bayan.
Ganun talaga, kahit nasa probinsiya na kami ay parang ang hindi parin mawala-wala ang traffic dahil sa mga iresponsableng motorista.
Parang tanga si Neon habang malaki ang ngiti at nakatingin sa akin noong pumasok ako sa room. Dala ko sa kaliwang kamay ang helmet ko at ngumisi lang kay Neon. Nagkaintindihan kami sa simpleng tinginang iyon.
Pumunta ako sa upuan ko matapos ilagay ang helmet ko sa likod. "Saan tayo niyan mamayang uwian, boy?"
Tumaas baba pa ang kilay ni Neon at inasar pa ako ng ilabas ko ang phone ko. Kahit tulog pa si Rana sa kwarto niya kaninang madaling araw ay hinalughog ko ang kwarto niya para lang makuha ang gadgets ko.
"Ako, sa bahay ko tapos ikaw ay siyempre sa bahay mo." Umiling agad si Neon sa sinabi ko at parang gustong magwelga.
Umaasa ata siya na gagala kami o magpapakain ako ngayon dahil hindi na ako grounded. Iyon nga ang napag-usapan namin noon dahil pakiramdam ko talaga noon ay sobrang hirap ng pinagdaanan ko lalo at nadagdagan ng isa pang linggo kahit may pasok na.
Pero hindi naman kailangan. Parang wala rin namang bago. Noon iyon, parang ang hirap ng lahat at wala akong ibang gustong mangyari kundi matapos na ang lahat ng iyon. Pero ngayong tapos na, edi maganda.
Ganoon naman talaga palagi, natatapos ang lahat.
Wala kaming ibang ginawa sa dalawang period sa umaga kundi makinig sa discussion, gumawa ng activity at makipagkwentuhan sa teacher namin, ah hindi, bale iyong mga babae lang. Kapag ayaw namin ng lesson, nagagawan ng paraan.
Siyempre wala paring takas dahil mag-iiwan naman ito ng assignment. Pagkatapos ng recess, sinimulan namin ni Penlope ang chapter 1 sa research II. Pareho naming gusto na makatapos ng maaga at makapagpasa agad.
Ako na ang gumawa ng introduction habang si Penelope naman ang naghahanap ng related literature at isa-cite.
Dumadaldal naman at nagpapapansin si hapon sa tabi ni Penelope. Hindi naman ako nadi-distract sa kaniya dahil sanay na ako at parang background sound nalang ang boses niyang ilang beses na magpalit ng topic sa ilang minuto.
Hindi nga lang ganoon ang sitwasyon kay Penelope. Mukhang naiinis na ito at maya't mayang sinasamaan ng tingin si Neon kapag bumabanat ito ng kung anu-anong katarantaduhan.
"Kung ikaw ang tatanungin--" Umayos si Neon ng upo at parang magpo-propose ng isang deal kay Penelope sa paraan niya ng pananalita pero mabilis na pinutol ni Pene ang kadramahan niya.
"Hindi ako sasagot." Matabang na sabi nito.
Natawa ako para lang tignan ni Neon ng masama. "Teka, patapusin mo muna kasi ako. Ganito kasi iyong tanong, ayos lang ba sa iyo kung sakali na magkaroon ng supling na singkit at kalahating hapon?" Seryosong sabi ni Neon.
Hindi natapos doon ang kalokohan niya. "Crush, crush lingon ka naman diyan."
"Boy, tulungan mo na lang kaya ang ka-partner mo at baka sumakit ang likod 'nun kaka-buhat sa'yo?" Sabi ko sa kaniya.
Umiling siya ulit at tinaboy pa ako gamit ang kamay niya. "Hindi ikaw, boy. Huwag kang lumingon!"
"Naponeon, tantanan mo ako please." Nagtitimpi na sabi ni Pene ng hindi tinitignan ang siraulo. Iyang siraulo na iyan, 'di ko iyan kaibigan.

BINABASA MO ANG
Destination: Hope (On-hold)
Teen FictionHope Cortez ran away, leaving only a note that indicates she doesnt want to be found. Ross could've continue with his life like most people who knew her since her name and 'ran away' in one sentence is not new, but he can't. If only he hadn't stole...