Eight.
Naka-angkla ang kamay ni Mama sa braso ko nang pumasok kami sa malaking pintuan ng function hall na pagdadausan ng debut ni Rein.
Nakarating kami ilang minuto pa bago mag-alas cinco. Nagkaroon ng traffic sa biyahe namin papunta sa Sierra Bay. Ngunit hindi naman ganoon katagal iyon, kaya nakaabot parin kami at naiwasan ni Rana ang mapagalitan.
Nagra-rant na si Mama kanina sa SUV at kung hindi pa kami nakalagpas doon sa kalsadang inaayos, siguradong si Rana ang pagbubuntungan niya.
Nasa tabing dagat ang hotel kung nasaan kami ngayon. Kasunod na bayan ng Nervajez ang Sierra Bay at siyudad na ito. Doon ang pinakamalapit na mall sa amin. Nasa kalahating oras din ang byahe.
Sa loob ng function hall, nakaayos ang lahat na naayon sa pula at gold na tema ng okasyon.
Si Rana ay nakikipagbatian na kahit hindi pa man kami tuluyang pumapasok. She's back to her normal self. Wednesday night was just one night of breaking down and letting her guards down. At least to her brother.
Gusto ko mang itanong ang tungkol doon, alam ko ring ayaw niyang pag-usapan. Tingin ko hindi alam ni mommy ang tungkol sa problema niya.
Everyone were in their elegant clothing and greeting people elegantly and with poise.
Sinalubong kami agad ng Mommy ni Rein, nagbeso sila ni Mama at ganoon ding bumati sa pamilya ni Uncle. Hinanap niya rin si Papa at Kuya.
"I'm glad you're able to make it!"
"Yes, of course. Thank you for inviting us. Buti nalang at may filipino time. Mabigat ang traffic sa may bandang Artiko." Si Mama sabay baling kay ate na parang siya ang mabigat na traffic na tinutukoy nito. Nagkatinginan sila ni mommy bago siya ngumiti at bumati kay Mrs. Espejo.
Iginiya niya kami sa lamesa kung saan ilalapag ang mga regalo. Sa table naman malapit doon nakaupo ang Lolo at lola ni Rein.
Pagkatapos kong ilapag ang tatlong regalo kasama si Ali na ibinaba din doon ang regalo naman nila, sumunod kami kila mommy. Naroon ang matandang Espejo na tumatawa habang may kinikwentong kung ano, tahimik naman ang chief of police katulad ng dati.
Sa dating palang nito, alam mong kataas-taasan at kagalang-galang. He has this intimidating and icy vibe with him.
Sa totoo lang, sila ni Iran ang bagay na mag-ama. Nagpaalam si Mrs. Espejo dahil pupuntahan niya daw ang anak niya.
Sa pagitan ng pakikipagbatian at ngitian sa mga matatanda doon, nahanap ko sila Neon at Iran. Mukhang kararating lang din ng pamilya ni Neon. Binabati sila ngayon ng Lolo at mama ni Iran.
Hindi natapos doon ang walang katapusang pakikipagbeso, kamustahan at bolahan. Humigpit ang hawak sa akin ni mama noong palapit kami sa table ng mga Santos. Naramdaman niya siguro na naghahanda na akong humiwalay sa kanila.
Kompleto sila doon, tumayo ang Mayor para salubungin si mommy at ganoon din ang asawa nito. Tumayo din si Levi at Tina. Levi and I did the bro hug.
Nagulat ako ng bigla ding maangas na lumapit sa akin si Tina at akmang gagawin din ang ginawa namin ni Levi ng bigla niya akong tawanan.
"You should've seen your face!" Tawa pa nito na tuluyan ng kinalimutan ang salitang 'poise'.
Tumikhim ang mama niya at tinignan siya. Tina composed herself and I took that as an opportunity.
Kinuha ko ang kamay niya saka yumuko para humalik doon, hindi siya nakapalag dahil nakatingin parin ang mama niya. Pag-angat ko ng tingin sa kaniya, parang dina-diarrhea na ang hitsura nito. That's my time to laugh.
BINABASA MO ANG
Destination: Hope (On-hold)
Genç KurguHope Cortez ran away, leaving only a note that indicates she doesnt want to be found. Ross could've continue with his life like most people who knew her since her name and 'ran away' in one sentence is not new, but he can't. If only he hadn't stole...