Chapter One

38 10 3
                                    

JANNIAH MAE KIANN ZAHARRA'S (POV)

Agad na nagtungo ako pauwi ng bahay matapos kong iwan doon si Zyke. Bumuntong hininga pa muna ako at pinilit na ngumiti bago pumasok sa loob at salubungin ang mga ngiti ng Mommy ko.

"Mommy." ngiting usal ko saka nagmano.

"My sweetie is here." ngiting sabi naman ni Mommy saka humalik sa pisnge ko.

"So, hmm. How's the day of my dearest daughter today?" ngiting ngiting tanong sa'kin ni Mommy. Nagpakawala pa ako ng isang malalim na buntong hininga at tumingin sa kanya.

"O-okay lang naman po, siguro?" hilaw na ngiting sagot ko. Agad namang nangunot ang noo niya.

"Why sweetie? Is there something wrong?" tanong sa'kin ni Mommy at hinimas ang pisnge ko. "You can always tell anything to Mommy." dagdag pa niya. Ngumiti naman ako at naupo muna sa sofa. Tumabi naman sa'kin ng upo si Mommy.

"Si Zyke p-po." nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko pa ba sa Mommy ko.

"Oh, your very handsome Dudie. What about him, sweetie?" ngiting tanong ni Mommy.

Bahagyang natigilan pa ako sa tanong na yun ng Mommy ko. Ayoko sanang sabihin pa sa kanya, but she's my Mom. Hindi ako sanay na may tinatago sa kanya. Kaya isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago magsalita.

"H-he said, he likes me Mom. And he loves me." nakayukong sabi ko.

"Really? For real sweetie?" gulat at may halong pagkamangha pa na tanong ni Mommy.

"O-opo." tangong sagot ko. "Sabi niya po ay mahal niya daw ako, at gusto niyang mahalin ko din siya pabalik." pagpapatuloy ko.

"And then? Anong sagot mo anak?" nandoon pa din ang mangha sa boses ni Mommy.

"I said no." mahinang sagot ko na ikinatigil naman niya.

"Oh. You said no to him sweetie?" nakangusong tanong ni Mommy.

"I don't want to hurt him Mom, believe me. Syempre kaibigan ko siya. Bestfriend ko po siya. Pero Mommy, I am just only 13 years old. Ni hindi ko pa nga po siguro alam kung paano ma-inlove eh. A-and, I can't love him back, the way he wants it Mom. Tinuturing ko siyang parang kuya ko, tapos ganon pala yung nararamdaman niya para sa'kin. Hindi ko po siya ginustong masaktan, you know me when it comes to my friends, Mom. I am not selfish. But in this case, I have to. I hope he understands me, Mom." yukong sabi ko habang may tumutulo na luha sa paanan ko.

"Stop crying, sweetie. I know you just did what's the best for the both of you." si Mommy saka pinunasan ang mga luha sa pisnge ko. "I'm sure, maiintindihan din ni Zyke ang reason mo. Wala kang maling nagawa, kaya tahan na anak. Lagi mong tatandaan na nandito lang palagi si Mommy saka si Daddy para sa'yo at para suportahan ka sa lahat ng desisyon at kagustuhan mo." paghagod niya pa sa likod ko. Yumakap naman ako kay Mommy.

"Thank you, Mom. We are lucky to have a Mom like you. You are always be the best for me and for Kayl." ngiting sabi ko.

"I know, sweetie. I already know that." tango tango pa na sabi niya. Humiwalay pa ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya. Maya-maya ay sabay kaming natawa.

"There's that smile. Always wear it." ngiting dagdag ni Mommy at tumayo. Ngiting tumango naman ako.

"Dinner is ready, sweetie. Sumabay kana sa amin kumain."

"Ahm, busog pa po ako. Doon nalang po ako sa kwarto ko. May ire-review din po kasi ako para sa exam namin bukas." sagot ko.

"Alright then. Study hard, sweetie. Pahahatiran nalang kita kay Manang Yolli ng milk mo mamaya." ngiting sabi ni Mommy at pinisil ang pisnge ko.

My Historical Chatmate BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon