Chapter Three

18 9 0
                                    

CHAPTER THREE

"J-janniah, ayos ka lang?" seryosong tanong ni Shang at akmang lalapit na sa'kin upang alalayan ako, nang biglang umistraight ako ng tayo at ngumisi sa kanya.

'A-aray. Mas sumakit yata. Peste. Bakit ba kasi bumalik pa 'tong punyetang kirot na 'to?'

"Ayos ba yung acting ko? Sa tingin ko ay perpekto ang pag acting ko dahil napaniwala yata kita. Hahaha!" tawang sabi ko pa sa kanya habang pilit na tinatago ang sobrang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko. Saglit pa siyang natahimik na nakatitig sa'kin, kapagkuwan ay...

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa niya pa ng malakas saka lumapit at hinampas ako. Di ko pinakita ang pag ngiwi ko. Kumikirot na nga ang dibdib ko, hinahabol ko pa ang paghinga ko, tapos hahampasin pa ako.

"Walangya kang Dragona! Napaniwala mo 'ko dun ah? Mag-aalala na sana at at hihingi ng tulong. Akala ko ay napano kana diyan, tapos practice ng acting mo lang pala yun sa activity play! HAHAHAHAHAHAHA. Edi ikaw na ang magaling, ina ng kasaysayan!" tumatawa pa ding sabi niya. Ngumisi naman ulit ako.

'Buti nalang at mabilis mapaniwala 'tong babaeng 'to. At buti nalang, maganda at effective ang naisip kong palusot. Naki-cooperate pa sa'kin ang acting skills ko! Tsaaah, pero peste talaga! Sobrang sakit! Sobra yung kirot! Buti at kaya ko pang magpanggap. Bakit ba bumalik ang kirot na 'to? Anong ibig sabihin nito?

"Tsaaah, ako pa. Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya. Ginagawa pa rin ang lahat para hindi matanggal ang ngiti ko.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan eh. Bakit ka nandito? Bakit sa tapat ka pa ng CR nagpa-practice ng play niyo at hindi doon sa harap ng mga ka-groupmates mo?" ngiwing tanong niya. Mabilisin na nag-isip naman ulit ako ng madadahilan.

"A-ah, maingay kasi doon sa loob! Hindi ako makapag concentrate kung anong dialogue ang gagawin ko at kung paano ko yun ia-acting. Pabalik na din ulit ako sa loob, may naisip na akong scene namin." iniwasan kong hindi mautal. Tumango tango naman siya na ang ibig sabihin ay kumbinsido siya. Muli naman siyang ngumisi.

"It hurts so bad." panggagaya niya pa sa pagsabi ko nun at pumikit pa. Napangiwi naman ako habang nakatingin sa kanya. Matapos ay tumawa na naman siya!

'Siraulo 'to ah.'

"HAHAHAHA! Ang galing talaga ng akting mo, Dragona! Ang ganda pa ng dialogue at pagbigkas! Parang totoong nasasaktan ka talaga! Hays. HAHAHAHAHA galeng!" usal niya.

"Totoong nasasaktan naman talaga ako. Ang kirot sobra ng dibdib ko at parang tinutusok yun ng kutsilyo ng paulit-ulit. Shit!" di ko namalayang naibulong ko yon! Ngiting tumingin siya sa'kin.

"Ano yun? May sinasabe ka?" tanong niya. Ngumiwi ulit ako. Ngunit sa pagngiwi na yun ay dahil na din sa kirot na nararamdaman ko.

"Ang sabi ko, bakit kako sinundan mo pa 'ko dito. Gagayahin mo yung scene namin no?" birong tanong ko sa kanya. Lumaki naman ang mga mata niya at hinampas ulit ako.

"A-aray naman Shang! Bakit ba nakahiligan mong mang hampas?!" ungot ko. Ngumuso naman siya.

"Ikaw kase eh! Hindi ko gagayahin yung sa inyo! Hindi ko nga alam na dito ka sa harap ng CR nagpa-practice eh! Hinanap kita kasi ano! M-magpapatulong sana ako sa'yo eh. Ano bang magandang i-scene? Hehehehe." malaki pa ang mga ngiti niya. Yunh tipong kita lahat ng ngipin sa harap! Pati gilagid!

"Ano ba namang klaseng leader 'to." natatawang sabi ko saka dahan-dahang naglakad pabalik sa room namin. Sumabay naman siya sa mabagal na paglakad ko.

"Eh kasi eh! Wala namang mga naiambag na maganda yung mga letseng ka-groupmates ko. Hinihingian ko sila ng suggestion, tatawa-tawa lang ang mga hunghang!" pasinghal na sabi niya.

My Historical Chatmate BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon