A/N:
Pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakabalik, huwaaaaaa! Magda-dalawang linggo na sana akong di nakaka-publish ng chapter. Pasensya talaga, na-busy lang si ako sa pagre-review kasi ang aming butihing teacher, pinagawa kami ng reviewer dahil may gagawin daw'ng simulation test. Tapos mahina din ang signal dito ng smart. Data lang ho ang gamit ko. 'Ala kaming wifi. Dili kami mayaman. Huhuhu. Soooo, ayun na ngaaa! HAHAHAHA. Enjoy Reading!❤-ThePurplePandaaa
~
"Lintek. Nalintikan na nga. KYAAAAAAH! HAHAHAHAHA!" nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ng dahil sa mapanirang boses ni Shang!
'Yawa. Naputol yung panaginip ko. Saan nga ulit natigil yun?'
Habang hindi ko pa minumulat ang mga mata, iniisip ko kung saang parte na ng panaginip ko iyong naputol.
'Ah, oo. Doon sa nag-uusap daw kami ni Mr. Genius, Mr. Genius na nga lang itatawag ko sa kanya. Ayaw na Mr. Google. Dami naman niya kasi code name. So ayun, tapos may nakita akong mukha ng lalake, kaso blurred. Siya daw yung ka-chat ko. So, siya si Mr. Genius? Tapos may sasabihin na sana siya sa'kin, kaso boses ni Shang ang narinig ko. Yawa! Giatay oyy!'
Kunot noong idinilat ko ang mga mata. Ipinalibot ko ng tingin ang buong kwarto, si Shang lang ang taong nakita ko. Si Shang na kay aga-aga, nag-iingay na. Tsaaah.
"Oy! Ba't ka sumisigaw diyan? Tulog ako diba? May tulog tapos tumitili't, sumisigaw ka. Hindi sapat na dahilan ang may boyfriend para magtititili ng ganito kaaga." masama ang tingin ko sa kanya. Naka pandekwatro siya sa sofa. Ke-agang nakatutok sa cellphone.
"Pero ngayon gising ka na, kaya wala ng kaso yun. Saka hindi ang boyfriend ko ang dahilan, pero alam kong sapat na dahilan 'to para mag-ingay ako sa umagang 'to." ngising usal niya at itinaas ang kaliwang kamay na dala-dala ang cellphone...
'Teka.'
"Hoy! Cellphone ko yan ah!" napabangon ako habang nakaturo sa cellphone ko na hawak niya. Tumango tango pa siya at winagayway iyon sa ere.
"Oo, alam ko. Alam kong cellphone mo yan. Hindi ko naman inaangkin." naglalakihan ang mga ngiti niya!
"Oh eh bakit na sa'yo yan?! Pakialamera kang babae ka! Anong ginawa mo na naman sa cellphone ko? May kinalikot ka na naman diyan, ano? Kahit halughugin mo ang kasuluk-sulukan niyan, wala kang mahahanap na bad video diyan!" may kalakasang sigaw ko sa kanya. Umarte pa siyang parang nagulat habang sapo ang bibig.
"Yan agad ang iniisip mo? Nako, Dragona. Napakasama mong bata. Alam mo bang porns are very highly bad to your health? Wala pa nga akong sinasabi, yun agad ang nasa isip mo? Oh my god! 13 years old ka pa lang, dai. Hinay hinay." inosenteng inosenteng sabi niya. Dinuro ko siya at ngising nginiwian.
"Ang sabi ko lang, bad video. Eh ikaw dineretsa mo. Iyang bunganga mo ang walang hinay hinay. Saka bakit ka nagbabanggit ng mga malalaswang salita? Nasaan si Mommy? Pag ikaw, may nakarinig sa'yong matatatanda na ganyan ang sinasabi mo, baka mapagsabihan ka ng wala sa oras."
"Umalis si Tita. Kakaalis lang, mga 9 minutes. May inasikaso. Babalik din daw siya agad. Saka wala namang matatanda dito ngayon. Ikaw lang ang nakarinig sa sinabi ko kaya okay lang yun." nakangisi pa din siya habang kumikindat kindat. Akala mo'y may sira sa mata. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh eh bakit nga na sa'yo ang cellphone ko?" tanong ko sa kanya. Tumayo siya ng tuwid at ilang segundong pinakatitigan ako bago siya sumuntok sa ere at nagpapadyak na humalakhak.
BINABASA MO ANG
My Historical Chatmate Boyfriend
General Fiction"Ang pag-ibig ay kusa ding dadating, sa panahon na wala kang kaalam-alam, at hindi mo inaasahan."