Chapter Two

28 9 0
                                    

Ilang taon kong dinala ang sakit na yun. Ilang taong paghihirap. Dalawang taon ang nakalipas ng ma-operahan ako at inakala kong tapos na ang paghihirap ko sa sakit na yun. Hindi ko alam, pero yung naramdaman ko kani-kanina lang, pamilyar na pamilyar sa'kin. Natatakot ako.

Hindi ko pa man sigurado kung tama nga ang kutob ko, pero kung sakaling bumalik na naman ang sakit ko na 'to, ayokong ipaalam kina Mommy. Sobra sobra na ang sakripisyo nila sa akin. Ayoko ng maging pabigat na naman ulit sa kanila. Ayokong istressin na naman sila.

*KNOCK! KNOCK!*

Naputol ang pag-iisip ko ng may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Oh, Nay." ngiting usal ko at nilakihan ang bukas ng pinto.

"Hija, ito na ang meryenda mo. Bumaba ka nalang kapag kulang pa iyan. Maghahapunan na din kasi." nakangiting sabi ni Nay Yolli at inilapag ang tray sa table ko.

"Thank you, po."

"Wala iyon. Oh sige, hija. Maiwan na kita at may hugasin pa ako doon."

"Opo. Salamat po ulit." ngiting sabi ko. Lumabas naman na si Nay Yolli sa kwarto ko at bumaba na. Isinarado ko na ulit ang pinto at bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Doon ako malalim na nag-isip.

"Kung itatago ko 'to sa kanila, at hahayaan ko lang, hindi magagamot at baka lalong lumala, mahihirapan na kaming agapan. Pero kung sasabihin ko naman sa kanila, siguradong gagawa sila agad ng paraan para magamot kaagad ako, pero mag-aalala na naman ng sobra sila Mommy sa'kin. Dagdag isipin na naman ulit ako nila." bulong ko sa sarili.

'Ayoko nang mangyari ulit yung dati. Sa sobrang pamo-mroblema ni Mommy sa akin, dumaan siya sa depression, dahil hindi niya alam kung paano ako gagaling. At hindi ako papayag na mangyari ulit yun.'

"Hindi naman sure kung bumalik nga talaga yung sakit ko. Baka nasobrahan lang ako sa pagod ngayong araw kaya ko naramdaman yun." pangungumbinsi ko sa sarili.

'Oo nga naman. Tsaaah, iniistress ko lang ang sarili ko.'

'Pero hindi pa din ako mapalagay. Inoobserbahan ko ang katawan ko. Pati ang tibok ng puso ko. Baka biglang huminto, hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko pa nahahanap ang Rizal ko.'

*BEEP! BEEP!*
*BEEP! BEEP!*

Dalawang magkasunod na text message. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa table para tignan kung sino yun.

~Shanglulu~
~Zykieee~

Unang binuksan ko ang message ni Shang.

FROM: Shanglulu

  'Kaibigan, musta ang usapan?   Textback ASAP!'
               6:37 PM

Natatawang ni-reply ko naman ito.

*COMPOSE MESSAGE*
TO: Shanglulu

  'Loko. Maypa- ASAP ka pa. Okay naman. Ayos na.'
               6:39 PM

Sumunod ay binuksan ko naman ang message ni Zyke.

FROM: Zykieee

  'Nakauwi kana? Kakauwi ko lang. Hehe.'
                  5:49 PM

"Anak ng singkamas! Kanina pa pala 'tong text niya. Ngayon lang pumasok? Ano yun, pati sa ere may traffic din?" ngiwing bulong ko at ni-reply iyon.

*COMPOSE MESSAGE*
TO: Zykieee

  'Kanina pa ako nakauwi. Ngayon ko lang na-receive yung text mo.'
                 6:41 PM

Nang malapag ko ang phone ko sa table ay tumunog ulit yun. Tinamad na akong replayan sila. Kaya hindi ko na kinuha. Sayang load pati. Tsaaah.

My Historical Chatmate BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon