Chapter 9

30 17 0
                                    



Christmas ang pinaka paborito kong holiday bakit? kasi madaming regalo at pera galing sa ninang at ninong ko haha nasa ibang bansa naman sina Gail at ang buong pamilya nya balak namin mag palawan bago mag new year


"Ma'am  bumaba na daw po  kayo sabi ng mommy nyo" sabi ni ate ana ang kasambahay namin


"susunod na po ako ate salamat po" tugon ko naman


maraming pagkain na nakahanda sa lamesa pero tatlo lang naman kaming kakain neto nasa bahay namin sa probinsya ang lola at lolo ko samantalang ang mga pinsan ko naman ay nasa ibang bansa kaya tatlo lang kami dito sa bahay pagkatapos ng hapunan umakyat na ko sa kwarto sakto naman na tumawag sakin si Gail


"hello gail kamusta?" tanong ko sa kabilang linya


"Gab" sabit naman ni Gail na umiiyak na


"hey what happen bakit ka umiiyak?" tanong ko


"Si kuya Gab naaksidente nasa ospital kami ngayon" humahagulgol na sabi ni Gail


"h-ha bakit... a-anong nangyari?" 


"umalis sya kanina pupuntahan nya daw si Sam yung girlfriend nya tapos hindi ko na alam may tumawag na lang kanina sa bahay na nabunggo daw yung sinasakyan ni kuya G-gab hindi ko na alam gagawin ko" pag kukuwento nya habang umiiyak pa din 


"ah ganito na lang susunod ako jan mag bobook lang ako ng flight I'll call you later okay magdasal ka lang magiging okay din si Khalil" pagka sabi ko nun ay ibinaba ko na ang tawag. tulala pa din ako sa mga nangyayari may girlfriend si Khalil at nasa New york ito 


Nag book agad ako ng flight patungo sa New york mamayang alas dos ng madaling araw ang alis ko bago ako mag empake ang dumiretso muna ako sa kwarto ng mga magulang ko para mag paalam agad naman silang pumayag wala na silang magagawa may ticket na ko


Habang nag eempake ako patuloy pa din ang pag landas ng mga luha ko sympre mahal ko ngayon kolang din natangap na gusto ko sya dati kasi ay ayaw na ayaw kong maiisip na may gusto ako sa kanya pero ngayon tanggap ko na na hulog na hulog na pala talaga ako sa kanya ng sobra ng hindi ko namamalayan kahit nasaktan ako ng malaman kong may iniibig pala sya na nasa ibang bansa 


Ilang oras ang nilabi ko sa loob ng eroplano kahit masakit ang katawan ko at wala pang tulog dumiretso na ko kaagad sa ospital kung nasaan si Khalil. Nakita ko naman si Gail at ang mga magulang nya na nasa labas ng ICU

"G-gail" tawag ko 


"Gab buti andito kana" sabay takbo at yumakap sakin si Gail


"Si Khalil anong balita sa kanya?" tanong ko kaagad. bumaling naman si Gail sa glass window na nasa gilid namin kaya napatingin din ako at nakita ko si Khalil na madaming aparato sa katawan agad naman akong napahagulgol ng iyak


Ilang minuto din akong pilit na pinapatahan ni Gail tulala pa din ako hindi pa din tanggap ng utak ko lahat ng mga nangyayari na nasa ibang bansa ako at nasa malalang kondisyon ang taong mahal ko 


"hija mabuti pa ay sumama ka muna kay Gail pauwi sa bahay para makapag pahinga mamaya na lang kayo bumalik dito" sabi ng ama nila Gail sakin


"Sige po salamat po tito at tita" tumango naman silang dalawa bilang tugon


Isang Modern house ang bahay nila dito sa Amerika hinatid naman ako ni Gail sa guest room nila sa sobrang pagod naka tulog kaagad ako. nagising na lang ako ng may marahang kumakatok sa pintuan kaya napilitan akong bumangon


"Gab babaka kana kakain na tayo ng tanghalian" sabi ni Gail


"Sige susunod na ko salamat " naligo na ko ng mabilis at nagbihis patong patong na damit ang suot ko dahil may snow ngayon disympre kasi. pag baba ko sa hapag kainan naabutan kong nag kakape si Gail 


"Good Morning how's your sleep?" tanong nya agad


"maayos naman ikaw mukhang hindi ka nakatulog ng maayos" halata kasi ang eyebags nya at medyo maputla din sya "alagaan mo din ang sarili mo hindi matutuwa sayo si Khalil pag pati ikaw mag kakasakit" sabi ko ulit sabay yakap sa kanya


Matapos ang tanghalian nag tungo na kami sa ospital ibinalita na kasi samin na gising na daw si Khalil. kagabi ay inilipat na sya sa isang private room


Matapos ang ilang minuto nasa harap na kami ng pintuan ng kanyang kwarto sobrang lakas ng kabog ng puso ko. nag mistulang slow mo ang pagkikita namin umiiyak sa tabi ang kanyang ina habang yakap naman sya ng kanyang asawa


"And who are you?" agad akong napalingon sa boses na pinangalingan nun nag tagpo ang aming mga mata. "I said who are you" ulit na tanong nya


"A-ako? ako si Gab hindi mo ba ko nakikilala?" kinakabahan kong tanong


"No I don't know you get out" balewala nyang sabi na ikinagulat ko naman. unti unti kong nararamdaman ang pagkabasa ng pisngi ko


"why are you crying wala naman akong ginagawa sayo" sabi ulit ni Khalil. hindi ko na napigilan ang pag hikbi agad naman akong inalalayan ni Gail palabas ng kwarto


"W-what happen b-bakit ganon" sabi ko habang umiiyak pa din 


"tumawag kagabi si mommy habang tulog ka pa sabi nya na He's suffering from retrogate amnesia may mga parte ng alaala nya ang nawala lets say na childhood until junior high school years lang ang naaalala nya I'm sorry hindi ko agad sayo nasabi bago tayo pumunta dito"


At dito na gumuho ang mundo ko.


------------------------

sorry for the slow update :) stay safe guys!

Until The End (COMPLETED)Where stories live. Discover now