Chapter 14

37 16 0
                                    


BELATED HAPPY BIRTHDAY SA TUNAY NA KHALIL LEQUIN!!


------------------------------------------------------------------------------------------------------


"Eto isang Doctor una pa lang naman kasi ayaw ko ng mag manage ng kompanya namin tsaka hindi ko nakikita yung sarili ko na nasa opisina at tambak ng papel mas gusto ko yung nakikisalamuha ako sa ibang tao at nakakatulong sa kanila" pag kukuwento ko


"Ah that's good to hear and look at you now napaka successful mo na" sabi naman ni Khalil


Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ngayon ko lang naramdaman ang awkwardness. Ano bang dapat kong gawin kakausapin ko ba sya pero about saan??


"I'm sorry.." basag ni Khalil sa katahimikan


"ha?"


"I'm sorry kung naging harsh ako sayo dati I know kahit hindi pa kita naaalala nun dapat hindi ganoon ang trato ko sayo kasi wala ka naman ginawang masama sakin kaya sorry Gab"


"Ano ka ba matagal na yun wala na sakin yun tsaka alam ko naman na nabigla kita kaya mo nagawa yun" marahil sa iba mababaw na rason lang iyon kung bakit kailangan kung umalis. pero para sakin kelangan ko munang unahin ang sarili ko na trauma na ko sa nangyari noon samin ni Marcus at ayaw ko ulit mangyari iyon kay Khalil dahil espesyal sya para sakin


Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan namin laking pasalamat ko na tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman iyong kinuha sa loob ng bag ko 


"where are you Gab?" tanong ng nasa kabilang linya


"Ah bakit? Im outside with someone kumain lang"


"With Khalil?"


"How did you know?" I asked


"Dumaan ako sa clinic mo sabi ni Avery sinundo ka daw ni Khalil.. why didn't you tell me na nagkita at nag kausap na pala kayo?" tanong ni Ace


"Saka na ko mag papaliwanag pag uwi ko" sabi ko saka ibinba ang tawag


"who's that?"


"Ah si Ace hinahanap ako I think we should head home" pag aaya ko sa kanya


Hindi na nag salita si Khalil basta nya lang akong iniwan na naka upo doon sa veranda ng resto. sumunod naman ako sa kanya bad mood ata pero pinag buksan nya pa din ako ng pinto ng sasakyan


Halos isang oras din ang byahe namin pabalik. Namalayan ko lang na nasa parking lot na kami ng condo ko ng marahan nya kong tinapik sa pisngi


"Where here" anunsyo nya bago bumaba at pag buksan muli ako ng pintuan


"Thank you sa dinner Khalil" sabi ko sabay ngiti ng matamis


"Alright Good Night" sabi nya sabay hawak sa likod ng ulo ko at hinila papalapit sa kanya para mahagkan ang noo ko


Wala na kong panahon para sumagot sa kanya. Natauhan na lang ako ng maka alis na ang kotse nya


Umakyat na ko sa condo ko naabutan ko naman na naghihintay si Ace sa sala at nanonood ng movie ng makita nya ako ay niyakap nya ko ng mahigpit


"Ano ba hindi ako makahinga" angil ko 


"Are you okay? anong ginawa nya? san kayo galing yung gamot mo nainom mo na ba" sinod sunod nyang tanong sakin


"Im fine nainom ko na din yung gamot ko tsaka niyaya lang naman nya ko kumain ng dinner and too catch things up din no need to worry Ace"


"Im glad your okay" 


pag kasabi nya nun ay pumunta na ko sa kwarto para makapag pahinga


KINABUKASAN ay hindi ko inaasahan na nasa clinic ulit si Khalil wala pa namang mga pasenyte at wala pa din si Nurse Avery


"Ang aga mo ah" sabi ko na lang


"Gusto kita.."


"HA?" gulat kong sabi kaya natawa naman si Khalil


"I mean Gusto kita.. na  makasabay kumain ng breakfast" sabi nya sabay pakita ang lunch box na dala nya


Pinapasok ko naman sya sa loob at pinaupo. Binuksan nya naman ang mga dala nya may bacon,fried rice, hotdogs, eggs, pancake at mga prutas


"Coffee?" tanong ko


"Right here" sabay pakita sa tumbler at ibinigay nya sa akin


Naging masaya at maayos naman ang mag hapon ko ng mag gagabi na ay nag pasya na kong umuwi ngunit naabutan ko naman si khalil na naghihintay sa labas


"andito ka nanaman" kumento ko at tumawa naman sya


"Lets grab some dinner" Its not a question but a statement


"Wala ka bang ginagawa sa buhay mo at ako lagi ang ginugulo mo?" tanong ko


"Nothing much tumatakbo naman ang kompanya kahit wala ako dun" kabit balikat nyang sabi


Akala ko ay dadalhin nya ako ulit sa tagaytay pero sa maranyang resto nya ko dinala around manila lang para daw makapag pahinga agad ako dahil alam nya na nakaka stress ang trabaho ko unlike sa kanya


Araw araw ay nasa clinic si Khalil sa umaga para dalhan ako ng breakfast or sabay kami kakain bago sya pumasok sa opisina at sa gabi naman ay kakain muna kami ng dinner bago nya ko ihatid sa clinic para kuhanin ang kotse ko at convoy kami pauwi


Natatakot ako sa mga mangyayari dahil alam ko balang araw masasaktan ko din sya


-----------------------------------------------------------

Hi sorry sa slow update my mother won't allow me na gamitin itong laptop hehe thank you sa pag babasa. pls vote and comment :) 

Until The End (COMPLETED)Where stories live. Discover now