Kahit namamaga pa ang mata ko kakaiyak kagabi ang pinilit ko pa din na bumangon para mag luto ng almusal para kay khalil alam ko naman na baka nabigla lang si khalil sa sinabi ko kahapon hindi man naaalala ng isipan nya siguro naman naaalala pa din ako ng puso nya diba
Bumaba na ko sa aming kusina naabutan ko si manang na naghahanda ng almusal. sina mommy at daddy naman ay nasa ibang bansa ngayon wala namang bago dun sanay na kong mag isa simula ng mag expand ang kompanya namin sa ibang bansa
"Manang ako na po jan" sabi ko
"nako iha kaya ko na ito umupo kana lamang jan"
"Manang gusto ko po kasi ipagluto yung kaibigan ko kaya manang kaya ko na po iyan" balik na sabi ko. hinayaan naman ako ni manang at kahit papano naman ay marunong ako magluto noh. napagdisisyunan ko na pancake na lang at gagawan ko din sya ng special iced coffee ko matapos kong magluto ay inilagay ko na iyon sa tupperware at naghanda na ko sa pag pasok sa eskuwelahan
Bago ako dumiretso sa aking silid aralan ay dumaan muna ako sa floor nina Khalil nakita ko naman sya na nakaupo at napapalibutan ng mga kaklase nyang babae at iilang tropa nya. Nanatili ako sa may pintuan nakita ko naman na siniko sya ng kanyang kaibigan at itinuro ang pwesto ko kaya lahat sila ay tumingin sakin habang si khalil naman ay nag tiim bagang
"what do you need" matigas nyang pagkasabi. kaya naman napayuko ako
"Ah i-ito pala g-ginawan kita ng pancakes sabi kasi ni Gail na paborito mo daw ito tsaka ginawan din kita ng iced coffee" sabi ko sabay pakita ng hawak kong paper bag na may lamang pancake at tubler na may kape
Maagap naman nya yung tinangap nakita ko naman na suot pa din nya ang regalo kong bracelet sa kanya nung birthday nya. I felt relieved
"Nasayo papala yan akala ko tinangal mo" sabi ko sabay tingin sa bracelet nya
"It was from you?" hindi makapaniwalang sabi ni Khalil
"Uh regalo ko sayo yan nung birthday mo" agad naman nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha parang naiirita sya sa sagot ko
"you see Ms. Roberts why are you doing this hindi ba malinaw sayo na ayaw ko sayo tapos ngayon may dala ka pang ganito" tukoy nya sa paperbag na may lamang pagkain
"Naiintindihan ko naman eh diba mag kaibigan tayo" kinakabahan kong tugon
"No you didn't understand ibig sabihin nun wag mo na kong lalapitan or bibigyan ng kahit ano kasi ayaw ko sayo" pasigaw nyang sabi nakaramdam ako ng hiya halos lahat ng estudyante ay nasa labas ng room nila at nanonood samin ang iba pa ay nag rerecord gamit ang kanilang mga cellphone
Nakita ko din na pinagtatawanan na ako ng grupo nina Jana kaya lalo akong napayuko. at lalo kong ikinagulat ang pag tapon ni Khalil ng dala kong paperbag sa basuranan lalong lumakas ang mga tawanan at bulong bulungan. Umalis na si Khalil sa harapan ko at unti unti naman na nawawala ang mga tao
YOU ARE READING
Until The End (COMPLETED)
FanfictionGabrielle a Freshman student who is an Introvert, takot makipag socialize until she met Gail Khalils's little sister. On the other hand there's Khalil Gabriel a Fourth year Business Administration student na kabaliktadan ng ugaling meron si Gab. He'...