A B I G A I L
Nandito pa din kami ni Luke sa Milktea Shop.
"Saan mo gustong pumunta??" Tanong nya.
"Ikaw bahala.." Tugon ko sabay sip sa milktea ko.
"Uhm..Okay lang ba kung sa Cinema?" Nakangiting tanong niya. Tumango naman kaagad ako.
"Oo naman! Okay na okay!" Tugon ko naman kaagad sabay pakita ng aking okay sign.
Ngumiti siya, at ang gwapo niya sa ngiting iyon.
Pagkatapos na pagkatapos naming Mag-milktea trip, dumiretso kaagad kami sa Cinema.
"Anong panonoodin natin??" Tanong ko sakanya.
"Love Story" Nakangising sabi niya at hinila na ako sa loob ng cinema.
Nasa bandang likod kami nakaupo.
Binigay niya sa akin ang pop corn at tinaggap ko naman kaagad yun.
Nagsimula na ang Movie. Nong una ay Nakakatakot.
'Hala?! Horor?!'
Ilang minuto na ang nagdaan ang confirmed na talaga na isa iyong horror movie!
"L-Luke..Sabi mo--" Hindi ko tinuloy na sabihin yun kasi seryosong seryoso siya sa palabas na iyon.
Honestly, weak ako pagdating sa horror! Nung nanood nga kami ng horror ni Ate Athena ay lumayas ako sa bahay! Nakakatakot kaya ang horror!
Tinakip ko na lang ang mga mata ko at palihim na umiyak. Maarte na kung maarte, pero ito talaga ang isa sa mga weakness ko kasunod ng pamilya.
L U K E
Nagfofocus lang ako sa palabas na pinapanood namin ni Claire--Oo ako lang?
Hindi ko alam kung gusto niya ba ng horror pero siguro okay lang sakanya.
Natauhan ako ang may marinig akong hikbi sa tabi ko.
'Claire??'
Umiiyak si Claire!
"Hey? Claire?? You alright??" Tanong ko kaagad sakanya na may bahid na pag-aalalala.
Pero sa halip na sumagot at mas lalo pa siyang umiyak.
"Don't cry..we'll get out of here.." Sabi ko at inilalayan siyang maglakad paglabas ng Cinema.
❦
Nandito kami sa Mcdo. Okay na naman siya.
"Hindi ko sinabi kaagad sakin na takot ka pala sa horror.." Ani ko sakanya.
"Luhh! Malay ko bang horror ang panonoodin natin? Sabi mo sakin love story ang papanoodin natin edi okay sana" Sabi niya sabay kagat sa Burger nya.
"I'm sorry.." I said sincerely, natigilan naman siya.
"No! Its okay! Wag ka ngang mag-sorry! Ako ang dapat mag-sorry dahil sa ka-OAhan ko ay nasira ang panonood mo ng movie na yun kaya sorry. I must be the one to say sorry.." She said too with pure sincere.
'She is so kind..'
"Thank you but you don't have to say sorry. Afterall, biniro kita na love story ang papanoodin natin.." I said sabay sip ng McFloat.
She just smiled at nag-focus ng kumain.
Actually, Namiss ko din itong si Claire, wala siyang paa-paalam e. Sabi ni Ate Athena, ng makilala ni Claire ang totoo nyang pamilya ay kinabukasan, bumyahe na kaagad sila papunta dito sa States. Chempre, nanlumo ako, hindi dahil hindi ko magagawa ang mga moves ko para mahulog na siya sakin, kundthe ay mamimiss ko siya.
BINABASA MO ANG
Love leads me to Sadness
Dla nastolatkówAbigail was born with a gift for knowledge. She was the smartest girl in her class, and everyone knew it. She worked harder than anyone to get straight A's, but her parents never seem to care about it. One day, she met a certain guy named Luke whom...