Chapter 40

100 22 0
                                    

Nandito na kami sa beach. Hindi pa nagstart ang party, lahat ng bisita naka-swimsuit, naka-short. Magnanight swimming.

Nandito ako ngayon kasama si Xavier, Hindi maka-punta dito samin si Seb kasi busy pa daw siya. Si Riana naman, kasama si Shaira--yung girlfriend ni Xavier, kasama din nila si Leah at yung bunsong kapatid ni Seb na si Sid.

"Grabe Dude! Ang daming bisita nila Seb!" Biglang ani Xavier sakin.

"Oo nga.." Tipid na tugon ko.

Natutulala ako kapag nakatingin ako sa dagat, naalala ko kasi ang taong mahal ko si Abigail.

'Abigail, please, bumalik ka na..'

Maya maya lang, mas dumami ang mga tao, nandon ang mga business partners ng pamilya ni Seb. At--

"Hey! Bro!" Si Michael.

Kakadating lang ng mga Williams pero wala si Ate Mica.

Kasama ni Michael ang fiancé niya.

"Hello Luke!" Si Kyline.

"Hello Michael, Kyline.." Bati ko.

"Nasan si Seb?" Tanong ni Michael.

"Nandon.." Ani ko sabay turo ke Seb na nasa bisita nila.

"Ghe! Salamat!" Aniya sabay tap ng balikat ko.

"Ghe lang future bayaw haha!" Ani ko.

Totoo naman e, magiging asaw ko din si Abigail in the near future!

"Hahaha! sige, punta muna ako kay Sebastian.." Ani Michael at sabay silang naglakad ni Kyline papunta kay Seb.

"Dude! Punta muna ako sa girlfriend ko ha??" Sabi nya.

"Sige" Tugon ko.

Kaagad naman siyang lumapit sa gawi nina Shaira.

Mag-isa nanaman ako, naglakad ako papuntang dalampasigan at umupo sa mismong saan kami naka-upo ni Abigail non nung umiyak siya tungkol sa pamilya niya.

Nakatitig ako sa dagat, gusto kong maiyak, namimiss ko na si Abigail.

'Abigail..please..Bumalik ka n--'

"Ate! Bilhan mo ko ng chuckie!"

'Pamilyar sakin ang boses na yan ah?'

"Mamaya na! Dapat makita mo muna si Luke!!" Teka, Si Ate Mica yun ah!

'Teka nga..'

Hala!! nandito na si--

"Ohh! Abigail!! Nandito si Luke!!"

Kaagad naman akong lumingon.

And when I saw her, I was completely speechless.

'Abigail..'

Nagkatitigan kami.

"Alis muna ako ha?" Ani Ate Mica at tsaka tumakbo palayo.

Kami na lang ni Abigail ang nandito, Walang ibang tao. Kami lang, nasa cottages kasi ang mga bisita.

Tinitigan ko siya.

Mas lalo siyang gumanda, pero natural pa din chempre. Isa sa mag dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, naka-suot siya ng one-piece swimsuit pero tinakip niya ito ng manipis na damit..

'Abigail..'

"Hmm..Hello Luke.." Bati nya.

I am so speechless. Damn! What am I going to say?!

Love leads me to SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon