[ First day. ]

83 1 0
                                    

First day of school ngayon, tuwang tuwa si Gab para mamaya. Nag iimagine na s'ya kung anong mangyayari, kung may bago ba, o ano pa. 5:05 am na at tinawagan n'ya ang bestfriend n'ya na si Tam.

"Tam!"

"Oh Gab! Napa tawag ka ah?"

"Haha wala lang, ready kana ba?"

"Ready saan?"

"Mamaya! Pasukan! Ano kaba.."

"Ay, oo naman syempre. Bakit naman? Excited karin ba?"

"Syempre!"

"Wew ikaw ha. End mo nalang yung call, mamaya na tayo mag-usap. Magkikita pa naman tayo mamaya diba."

"Sige sige, bye Tam!"

"Babush!"

Nagmamadali nang naligo, mag bihis, at kumain si Gab para maaga s'ya makarating sa paaralan n'ya.

.

.

.

.

.

Saktong 6:30 am nang nakarating si Gab sa paaralan n'ya. Pagpasok n'ya sa paaralan ay nakita n'ya ang mga ibang kaklase n'ya last year.

"Uy Gab! Aga natin ah!" Sabi ng isang kaklase n'yang lalake.

"Haha oo. Kamusta na pala kayo?! Nako, baka may mga bagay akong hindi nalalaman?

"Sus ikaw naman Gab! Wala naman, konti lang."

"Kayo talaga. Teka guys, magkaklase paba rin tayo?"

"Yep! Nakita namin yung mga list ng mga students kanina, sina Angelika at Rhea eh C1, sina Marie at iba pa sa C2, Si Tam, at tayo sa C3!" Sabi ng isang kaklase n'yang babae.

"Talaga? Salamat naman at magkaklase kami ni Tam."

"Nakoo Gab! Crush mo si Tam?"

"'Di ah! Kung wala s'ya, wala lang akong makausap ng matino sa classroom."

"Eh kami naman? Hindi ba kami matino?" Sabi ng isang kaklase n'yang lalake.

"Hindi. hahah joke lang."

Biglang napatigil si Gab sa pagsalita nang may nakita s'yang babaeng mahabang buhok, maganda ang kanyang mata, maganda ang kanyang labi, at sakto ang kanyang itsura. Tinitigan ni Gab ang magandang babae habang naglalakad ito.

Bigla namang napatigil sa pagtitig ni Gab sa babae nang may nakarinig s'yang malakas na boses galing sa isa sa kanyang mga kaklase.

"Uy Gab! Ano tinititigan mo dyan ha?" Sabi ng isang kaklase n'yang babae.

"Ah... yung babae kanina."

"Ah yun ba? Nako, new student natin 'yan." Sabi ng isang kaklase n'yang lalake.

"Talaga? Kinausap n'yo ba s'ya kanina?"

"Oo eh. Ang cute n'ya magsalita! Mabait s'ya."

"Ano pangalan n'ya?"

"'Di ko alam eh, habang naguusap kami bigla s'yang "Teka ha may hinahanap ako... mamaya ulit." at sabay s'yang ngumiti samin."

"Ahh..."

"Bakit pare? Dumadamoves kaba sa kanya?" Sabi ng isang kaklase n'yang lalake.

"Haha, 'di naman sa ganun.."


Bigla silang napatigil sa paguusap ng biglang may narinig silang boses babae.

"Gaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaab!"

"Oh! Si Tam!"

Nakita ni Gab si Tam na tumatakbo papalapit sa kanila. Napatigil sa pagtakbo si Tam dahil pagod na pagod ito.

"Wew! Ikaw Gab ha! Ang aga mo talaga!"

"Hahaha ikaw talaga Tam. Grabe umagang umaga, pawis na pawis kana."

"Eh, ganyan talaga hahaha."

"Guys, pasok muna tayo sa classroom, para dun tayo tumambay."

"Sige!"

Lumalakad sila papunta sa kanilang classroom.

Habang lumalakad sila, tinitigan ng babae si Gab at sinundan ito.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Beautiful SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon