[ Confession. ]

93 2 1
                                    

Nagsimulang nag ring ang kanilang bell, ibig sabihin nito ay Lunch time na nila. Agad tumayo ang mga estudyante para magpaalam sa kanilang guro.

Pagkatapos nilang magpaalam ay agad silang nagsilabasan para pumunta sa Canteen.

Nagsama naman ang dalawa papunta sa Canteen, masaya silang naguusap. Napansin ni Tam ang dalawa at agad n'yang nilapitan ito.

"Hi Gab!" Sabi ni Tam.

"Hi Tam! Musta na? Ngayon mo lang ako kinausap ah!"

"Eh, 'kala ko kasi busy ka eh so hinayaan nalang kita."

"Anong busy, hahah hindi ah. Ay teka, pakilala ko sa'yo. Tam, ito si Sa--"

"Kilala ko na s'ya eh. Hahaha. Hi Sagi! Nice to meet you!" Sabi ni Tam, agad n'yang inabot ang kamay n'ya kay Sagi para mag shake hands. Inabot din ang kamay ni Sagi kay Tam. Agad naman nilang tinapos mag shake hands.

"Tara, Tam! Sabay na tayo mag lunch." Sabi ni Gab kay Tam sabay ngiti.

"Nako, 'wag na. Dun muna ako mag lunch sa labas." Sabi naman ni Tam kay Gab.

"Sige, bye!" Sabi ni Gab kay Tam.

Lumakad na si Tam papunta sa labas para mag lunch. Nakaramdam si Tam ng pagseselos sa kanilang dalawa. 'Ba't nagkasama nanaman silang dalawa?! Ba't ayaw n'ya bitiwan ang kamay n'ya kay Gab?!' Sabi ni Tam sa kanyang isip.

○○○○ ○○○○ ○○○○ ○○○○ ○○○○

"Ano ulam mo ngayon, Sagi?" Sabi ni Gab kay Sagi habang kinuha n'ya ang kanyang lunch box sa bag n'ya.

"Steak! Sa'yo?" Sabi ni Sagi habang binuksan ang kanyang lunch box.

"Parehas tayo! Tignan mo!" Sabi ni Gab. Agad naman n'yang binuksan ang kanyang lunch box at ipinakita n'ya ito kay Sagi.

"Paborito mo ba ang Steak?" Sabi naman ni Sagi.

"Oo, paborito mo rin ba?"

"Oo! Nako, parehas tayo ng faves."

"Sabi nga naman nila, MTB." Sabi ni Gab sa kanya.

"MTB? Ano 'yon?" Sabi ni Sagi ng walang ka alam-alam.

"MTB! Meant to be! Yung parang bagay sa isa't isa. So MTB tayo!" Sabi ni Gab.

"Talaga? Hahaha." Sabi ni Sagi sabay ngiti ng palihim. Nakaramdam ng kilig si Sagi.

"Sagi...." Sabi ni Gab kay Sagi.

"Oh?"

"May ipagtapat lang ako sa'yo..."

"Ano 'yon?" Sabi ni Sagi sa kanya.

"May... gusto... ako. May gusto ako.."

"Sino gusto mo?"

"Ikaw...." Sabi ni Gab, nahihiya si Gab dahil sa kanyang sinabi kay Sagi.

"Gab, alam mo, gusto rin kita eh, simula nung una tayong nagkakilala." Sabi naman ni Sagi sa kanya sabay ngiti.

"Talaga? Gusto mo rin ako?!" Sabi ni Gab sa kanya.

"Oo no." Sabi ni Sagi sa kanya.

"Sagi... pwede ba kitang yayain bukas? Mag... date tayo... tutal, sabado bukas eh..." Sabi ni Gab sa kanya.

"Agad agad, haha sige. Osya, kain muna tayo!" Sabi naman ni Sagi sa kanya sabay ngiti.

•••• •••• •••• •••• •••• ••••

Beautiful SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon