[ The Secret. ]

96 2 0
                                    

Dismissal na nila at lumabas na ang lahat para umuwi, maliban lang kay Sagi at Gab.

"Tara, labas na tayo." Sabi ni Gab kay Sagi.

Agad naman silang lumabas para umuwi. Napadaan sila sa CR, kinausap ni Sagi si Gab para pumunta muna s'ya sa CR.

"Gab, jan ka muna ha, mag C-CR lang ako."

"Sige." Sabi ni Gab.

Ng pagpasok ni Sagi sa loob ng CR, nagsuklay muna s'ya, at naghugas ng kamay. Habang ginagawa n'ya ito ay hindi n'ya alam na nandun si Tam sa likod n'ya. Nilabas ni Tam ang kanyang kutsilyo sa kanyang bag at tinutok n'ya kay Sagi. Nakita ni Sagi si Tam na may hawak na kutsilyo, nakita n'ya sa salamin. Agad din n'yang nilabas ang kanyang kutsilyo sa kanyang bag at tinutok din n'ya kay Tam.

"Nadia, 'wag mong agawin ang hindi para sa'yo." Sabi ni Tam. Galit na galit s'ya.

"Hindi mo ba tanggap na hanggang kaibigan ka lang ni Gab, Noline?" Sabi ni Sagi.

"Hindi kapa rin nagbabago. Hanggang ngayon ahas ka parin sa buhay ko." Sabi ni Tam.

"Hindi lang ako hindi nagbabago, ikaw rin. Hanggang ngayon epal ka parin sa buhay ko, hindi lang sa'kin, pati rin kela Mommy at Daddy."

"Nakalimutan mo na bang pinatay mo sila? Tsk tsk."

"Wala kang kwenta, Noline." Sabi ni Sagi. Itutusok sana n'ya si Tam sa tiyan pero umiwas s'ya at hinawakan n'ya ang kanyang kamay na may dalang kutsilyo, kinuha n'ya ang kutsilyo ni Sagi at tinapon n'ya ito papalayo sa kanya.

"Nakalimutan mo bang gumalang sa ATE mo, Nadia?" Sabi ni Tam sa kanya.

"Isa kang kakahiyan sa ating relihiyon, Noline. Wala kang karapatan para sabihin mo 'ko ng ganyan! Hindi ka mala-diyos!"

"Nagbabago na ako, Nadia. Para ito sa kinakabukasan ko. Ba't 'di ka gumising sa marumi mong pagkatao at magbago na?"

"Alam mo Noline, wala na akong pake sa'yo. Hinihintay na ako ni Gab sa labas." Sabi ni Sagi. Kinuha n'ya ang kanyang kutsilyo at nilagay n'ya sa bag n'ya. Agad naman s'yang lumabas sa CR.

"Tara na Gab." Sabi ni Sagi sabay ngiti.

Nagsimula na silang naglakad papunta sa kanilang bahay. Nakita naman ni Tam silang dalawang magkasama. Gusto umiyak si Tam pero ayaw n'ya, gusto n'yang manatili s'yang masaya kapag may kasama si Gab ng iba. Pero hindi n'ya matanggap na ang kasama ni Gab ay ang kanyang demonyong kapatid na si Sagi.

((10 years ago))

Napagalitan si Sagi dahil nakagawa s'ya ng masama. Galit na galit s'ya sa kanyang magulang kasi palagi nalang kinikumpara si Sagi kay Tam. Kinuha ni Sagi ang kanyang kutsilyo at hiniwa n'ya ang leeg ng kanyang magulang. Nagulat si Tam sa nakikita n'ya sa kanyang kapatid. Mahal na mahal n'ya si Sagi, hindi n'ya matanggap na ganyan ang natatagong pagkatao ni Sagi. Hindi alam ni Tam ang kanyang gagawin. Wala na ang kanyang magulang. Nagalit si Tam kay Sagi at kinuha n'ya ang kanyang kutsilyo sa kanyang kwarto at malapit n'yang hiniwa ang leeg ni Sagi.

"TANG INA NOLINE BA'T MO 'YON GINAWA?!" Sabi ni Sagi.

"'YAN DAPAT ITANONG MO SA SARILI MO!! BA'T MO 'YON GINAWA KINA MOMMY AT DADDY?! DEMONYO KA! DEMONYO!!! MINAHAL KA NI MY AT DY!!!" Sabi ni Tam.

"ANONG MINAHAL?! BA'T ARAW-ARAW NALANG AKO KINOCOMPARE HA?! HINDI NILA AKO MAHAL!!! IKAW LANG MAHAL NILA!!!"

Agad namang tumakbo si Tam sa kanyang kwarto. Kinuha n'ya ang kanyang bag at nilagay n'ya ang mga damit at gamit n'ya. Pagkatapos n'ya ginawa iyon ay lumabas na si Tam at iniwan n'ya si Sagi sa bahay.

Si Sagi naman ay hinugasan n'ya ang ulo ng kanyang magulang, pagkatapos n'ya hinugas ay kumuha s'ya ng malaking Jar sa bodega nila at nilagay n'ya ang ulo sa loob ng Jar. Pagkatapos nito ay nilagay n'ya sa malaking Cabinet. Kumuha s'ya ng dalawang pirasong papel at sumulat s'yang "MOMMY" at "DADDY". Pinikit n'ya sa Jar at agad n'yang niyakap ang Jar.

"'Wag kayong mag-aalala My at Dy, ako na bahala sa gawain ko ngayon." Sabi ni Sagi sa kanyang isip.

Nilinis n'ya ang sahig na may dugo ng kanyang magulang. Kumuha s'ya ng sako at nilagay n'ya ang katawan ng kanyang magulang sa sako. Pagkatapos nito ay pumunta s'ya sa likuran ng bahay nila at dun n'ya nilibing ang kanyang magulang.

◘◘◘◘◘ ◘◘◘◘◘ ◘◘◘◘◘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon