Dismissal na nila at eto ang unang araw na magsasama sila papauwi sa kanilang bahay.
Lumabas sila sa eskwelahan at nagsimulang lumakad papunta sa kanilang tinitirahan. Habang naglalakad sila, biglang napansin ni Gab si Sagi. Naging malungkot nanaman ang mukha ng dalaga. Kinausap n'ya ito.
"Oh Sagi, ba't kananaman malungkot?"
"Eh.. wala lang. Ganito lang talaga ako."
"Sure ka? Mukhang may problema ka eh."
"'Di, ano kaba. Wala lang 'to." Sabi ni Sagi sabay ngiti.
At nag-usap silang dalawa tungkol sa nangyayari kanina sa eskwelahan nila. Bigla naman tinanong ni Gab si Sagi.
"Sagi, ba't "Sagi" pangalan mo? Para kasing japanese o ano. Haha."
"Ah, eh. Saggitarius kasi ako kaya pinangalan nila akong "Sagi". Ikaw? Ba't "Gab" pangalan mo?"
"Parehas kasikami ng pangalan ngtatay ko kaya ayan. Hahaha. Wala kasi silang maisip na pangalan."
"Aah." Sabi ni Sagi sabay ngiti ng palihim.
Nakarating na sila sa tinitirahan nila. Ngayon palang nalaman ni Gab na kapitbahay lang talaga n'ya si Sagi simula pagka bata.
"Hindi mo naman sinabi sakin na mag-kapitbahay pala tayo hanggang ngayon!"
"Eh pasensya na... nahihiya kasi ako."
"Ok lang 'yon. Sige bye na, bukas nalang tayo magusap." Sabi ni Gab kay Sagi.
Lumakad na si Gab papunta sa kanilang bahay. Habang naglalakad ang binata, tinitigan ni Sagi si Gab. Napatigil sa pag lakad si Gab sa tapat ng gate nila at nilagay ang Pin code sa tabi ng doorbell nila.
Habang nilagay ni Gab ang Pin code, tinitigan ni Sagi ang screen at nakita n'ya ang Pin code.
Nabukas ang gate ng tinitirahan ni Gab. Papasok sana si Gab ng naalala n'ya na nandyan pa si Sagi sa likod n'ya. Humarap si Gab kay Sagi at kinausap n'ya ito.
"Oh Sagi, 'di kapa ba uuwi? Para makapag pahinga ka."
"Ay, oo. Sige bukas na tayo magusap. Sige bye!" Sabi ni Sagi kay Gab at dali-daling takbo nito papunta sa kanyan tirahan.
Nagtaka naman nito si Gab kung bakit bigla s'yang tumakbo. Sinirado nalang n'ya ang kanilang gate at pumasok sa kanyang bahay.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Ikalawang araw na ng kanilang klase at sabik na ulit si Gab para pumasok sa kanilang eskwelahan.
Hindi talaga mawala sa isip ni Gab si Sagi. 'Ba't bigla s'yang tumakbo? May problema ba sa kanya?' Sabi ni Gab sa kanyang isip.
Naglakad na si Gab papunta sa kanyang eskwelahan. Pag pasok n'ya ito ay nakita n'ya ang kanyang mga kaklase, maliban lang kay Sagi. Nagtanong si Gab sa kanyang mga kaklase kung nasaan si Sagi, pero hindi nila alam kung nasaan ang dalaga.
Naghintay nalang ang binata sa gate ng kanilang eskwelahan. Limang minuto ay nakarating na si Sagi sa eskwelahan. Nakita n'ya si Gab sa tapat ng gate. Nilapitan n'ya ito at kinausap n'ya si Gab.
"Oh Gab! Ba't ka nandito? Pasok na tayo sa classroom."
"Ah, hinihintay kasi kita eh. Tara!"
Napangiti naman si Sagi sa sinabi ni Gab. Naglakad na sila papunta sa kanilang classroom. Habang naglalakad sila papunta sa kanilang classroom ay nakita ni Tam ang dalawa. Biglang nakaramdam si Tam ng galit sa kanilang dalawa. Pumunta nalang si Tam sa kanyang mga kaibigan para maglabas ng galit.
Habang naglalakad silang dalawa ay kinausap ni Sagi si Gab.
"Gab, napansin ko kahapon. Ba't may parang password yung gate n'yo?"
"Ah, eh kasi noon may babaeng pasok ng pasok sa bahay namin. Nakakatakot! Palagi n'ya akong nilalapitan. Malapit nanga akong mamamatay dahil sakanya eh!"
"Eh bakit naman?" Tanong ni Sagi kay Gab.
"May sugat kasi ako dito sa leeg. Dahil 'to sakanya eh! Nako, gusto ko s'yang ipakulong kaso 'di ko na s'ya makita..."
"Yun ba? Nako.. grabe talaga no. Buti naman hindi ka n'ya talaga pinatay ng tuluyan." Sabi ni Sagi kay Gab.
Nakarating na ang dalawa sa kanilang classroom at umupo na sa kanilang upuan. Nagalit bigla si Sagi. 'Sayang, hindi talaga kita pinatay ng tuluyan. Pero Gab, alam ko na Pin code ng bahay n'yo, makakapasok na ako sa bahay n'yo. At pwede na kitang patayin... ay hindi, sa tamang panahon....' Sabi ni Sagi sa kanyang isip at sabay tawa ng palihim.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
BINABASA MO ANG
Beautiful Secret
Teen Fiction"Sino ba talaga s'ya? Ba't ko s'ya nakilala?" Itong storya ay tungkol sa isang lalakeng nagkagusto sa isang babae. Sa pagkakaibigan nila ay naging sila na. Hindi n'ya alam na ang kanyang karelasyon ay may malaking sikreto. Pa'no n'ya nalaman? Pa'no...