[ Sagi. ]

59 2 0
                                    


"Good Morning class! I'm Mrs. Dimae Santiago. You can call me Mrs. Santiago. Welcome to class C3! I'm your adviser for this school year!" Ani guro sa kanyang mga estudyante.

"Good Morning, Mrs. Santiago!" Sabi ng mga estudyante sa kanilang guro.

"Okay, let's start with introductions. I think alam n'yo na mga classmates n'yo, diba?"

Biglang tinaas yung kanan kamay ng isang bagong estudyante sa likod ni Gab.

"Ah! I almost forgot. Please come here in front."

Tumayo yung babae at nagsimulang naglakad papunta sa tabi ng guro, at humarap sa kanyang mga kaklase.

"Introduce yourself." Ani ng guro sa babae ng palihim sabay ngiti.

"Hi! I'm Sagi Hermosa. I'm 15 years old. We can be friends!" Sabi ng babae sa harap sabay ngiti.

Napamangha ang ibang mga kaklase n'ya dahil sa kanyang ngiti. Sabi ng iba ay para daw silang nasa langit dahil sa kagandahan n'yang mala-anghel.

"Wow, what a nice name. Sagi! Can you tell us about your family or.. anything about yourself?" Ani ng guro kay Sagi.

"I'm sorry Mrs. Santiago but I don't want to share to them about my family. Even about myself. That's all I can share to them...."

"It's ok Sagi! You may now go back to your seat." Ani ng guro sa babae.

Habang nagsasalita ang guro nila, naglalakad si Sagi papunta sa kanyang upuan. Pag lakad n'ya ay nakapansin ng kakaiba si Gab kay Sagi.

Umupo na si Sagi sa kanyang upuan. Pag upo n'ya ay nakatanggap s'ya ng isang tiniklop na papel na bumuo ng hugis puso. Binuksan n'ya ito at binasa n'ya ang nakasulat sa papel.

"Hi, Miss Sagi. I'm Gabreil Ferrer. You can call me Gab for short. :) Marunong ka naman siguro mag tagalog, diba?"

Napangiti si Sagi sa kanyang nabasa. Dahil matagal nang may gusto si Sagi kay Gab simula nung bata pa sila. Hindi alam ni Gab na kilalang kilala na pala si Sagi sa kanya. Matagal nang sinusubaybayan si Sagi kay Gab ng palihim.

Kumuha si Sagi ng ballpen sa kanyang bag at nagsimula s'yang tumugon sa sulat ni Gab.

Pinasa n'ya ang sulat kay Gab. Kinuha naman ni Gab ang sulat na galing kay Sagi.

Napangiti s'ya habang binabasa n'ya ang sagot ni Sagi sa kanyang sulat.

"Hi Mister Gab! Yes marunong ako mag tagalog. :) Ba't ka naman nagpadala sakin ng sulat? Eh pwede naman tayo mag-usap mamaya...."

Nagsimula naman sumulat si Gab sa sulat, pagkatapos naman magsulat ng tugon sa kanya ay tiniklop n'ya ito at pinasa n'ya kay Sagi.

Kinuha naman ang papel na ipinadala ni Gab sa kanya at binuksan ito.

"I know.. pero gusto ko ngayon na. :)"

Nagsimulang nagblush si Sagi dahil sa nabasa n'ya. "Ngayon? As in? Grabe naman.. kinikilig na ako.. parang gusto na kitang patayin.." Sabi ni Sagi sa isipan n'ya.

Habang abot langit ang ngiti ni Sagi ay biglang sinabi ng guro nila.

"Okay class, free time! Just don't be noisy, ok?"

"Yes, Mrs. Santiago!"

Tuwang tuwa ang klase na may free time sila. Tuwang tuwa din si Gab dahil may chance s'yang makikipag usap kay Sagi.

Tumayo si Sagi at naglakad papunta sa kanilang bintana para magpahangin. Tumayo rin si Gab at sinundan n'ya ito. Pagpunta nila ay kinausap ni Gab si Sagi.

"Hi Sagi!" Sabi ni Gab at ngumiti.

"Hi Gab." Tugon naman ni Sagi sabay ngiti.

At nagsimula na silang magusap, habang naguusap sila ay napansin ni Tam si Gab at ang bago nilang kaklase na si Sagi na naguusap.

"Mukhang ang sweet nila ah!" Sabi naman ng isang kaklase nilang babae.

"Aba, dumadamoves talaga 'to si Gab oooh." Sabi naman ng isang kaklase nilang lalake.

Narinig ni Tam ang sinabi ng kanilang kaklase. Nilapitan n'ya ito at nagtanong s'ya.

"Psst, may gusto ba si Gab kay Sagi.. ba 'yan?"

"Ewan ko? Baka meron. Kasi kanina tinitigan n'ya si Sagi eh."

"Talaga? Sige salamat."

Nakaramdam ng kirot sa puso si Tam sa narinig at nakita n'ya ngayon. Hindi n'ya alam kung magagalit ba s'ya o iiyak. Kaya agad s'yang pumunta sa CR para magsuklay.

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○


"Ba't ayaw mo sabihin sakin tungkol sa pamilya mo? Napaka unfair naman." Sabi ni Gab kay Sagi.

"Pasensya na talaga... personal kasi eh..." Sabi naman ni Sagi kay Gab.

"Tatawagin kita ng... Beautiful Secret. Kasi maganda ka ta's dami mong sekreto. Hahaha" Sabi ni Gab sa kanya.

Bigla naman naging malungkot ang mukha ng babae.

"Oh, ba't ka malungkot? Kung malungkot ka malungkot rin ako." Ani Gab sa kanya.

"Wala... Nako ano oras na, recess na pala natin. Hali na't dun tayo sa Canteen! Nagugutom na kasi ako." Sabi ni Sagi sabay ngiti.

"Sige!" Sabi naman ni Gab.

Nagsimula na silang lumakad papunta sa Canteen ng biglang niyakap ni Sagi si Gab.

"Gab... sabay tayo umuwi mamaya ha?" Sabi ni Sagi ng palihim kay Gab.

"S-sige ba. Saan ba bahay n'yo? At tsaka... tigilan mo yung pagyakap sakin.. nakakahiya.."

"Ay pasensya." Sabi ni Sagi. Tinigil naman n'yang pagyakap kay Gab. "Malapit naman bahay natin eh..."

"Ahh. Sige, recess na tayo." Sabi ni Gab sabay ngiti kay Sagi.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Beautiful SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon