Athena Georgia

36 18 1
                                    


Kasalakuyan kong inaayos yung mga gamit ko para maagang makapasok sa School ayoko kasing malate dahil baka mapagalitan na naman ako ng Bestfriend ko akala mo naman talaga nanay ko siya pero mas mabuti na yun atleast may Kaibigan akong totoo at sapat na sakin yun.

Ganon naman talaga diba, wala yan sa dami ng mga kaibigan mo. Madami ka ngang kaibigan pero bilang lang yung totoo kaya ayos lang sakin kahit isa lang yung Kaibigan ko, dahil alam kong totoo siya sakin.

Pero syempre, alam kong madadagdan din yung Kaibigan ko dahil first day of school namin ngayon sa St. Paul University in Manila

Ako nga pala si Athena Georgia! Sixteen years old pa lang ako, and hindi gaanong katangkaran. Hindi katulad ng Bestfriend ko na matangkad na tao kala mo kapre sa tangkad.

Nag bibisekleta lang ako kada papasok sa school dahil hindi naman gaanong kalayuan yung school sa bahay namin. Walking distance nga lang siya pero syempre dahil tamad ako, gumagamit ako ng bisekleta

Nagiisang anak lang ako dahil masyadong busy si Papa sa trabaho niya kaya hindi sila nakakapag loving loving ni Mama hehe!

"Athena kumain kana muna bago ka umalis" sigaw sakin ni mama dahil nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil nga ayokong malate "Mama hindi na po, sa Cafeteria na lang po ako kakain" sabay lumabas na ako sa Apartment Building na inuupahan namin.

Inayos ko na yung bisekleta ko at nagmadali ng pumedal ng pumedal para makarating na sa aming School.

School

Nai park ko muna yung Bisekleta ko at hinahanap ko na agad yung Bestfriend ko! For sure nagiinit na ilong nun kakaantay sakin

Nakita ko naman siya na nakaupo sa isa sa mga bench dito sa School kaya agad na nilapitan ko siya "Sorry, late na ba ako" Tanong ko sa kaibigan ko "Napaka tagal mo talaga Athena, halika doon muna tayo sa Cafeteria gusto ko tikman yung chicken sandwich nila" hinila niya ako kaya nakapunta agad kami dito sa Cafeteria ng school

Wow! Grabe ang laki tapos umaga pa lang ang dami ng students na kumakain. Siguro kagaya ko, dito din nila balak mag breakfast "Oh Athena ano bibilhin mo" tanong sakin nitong kaibigan ko "Hot Chocolate tsaka bacon sandwich na lang" umorder naman agad kami at bumalik dun sa bench na inupuan namin kanina gusto pa sana namin mag stay sa cafeteria kaso ang dami ng masyadong students na nakatambay

"Oo nga pala uuwi din agad ako mamaya pagtapos ibigay yung mga books at uniform natin" sabi naman nitong bestfriend ko "Ha bakit naman, libot muna tayo bago umuwi" pagkukumbinsi ko naman sa kanya para naman maging familiar kami dito sa loob ng campus "Nagpapatulong kasi si Mama dun sa Coffee Shop na pinapasukan niya" ah kaya naman pala naiitindihan ko naman siya kaya pumayag na lang ako

Pumunta na kami sa Office dahil ibibigay na daw yung mga books at uniforms namin at bukas pa daw mag sisimula yung klase namin. "Athena osige aalis na ako ha. Wag ka malalate bukas" pagpapaalam nitong kaibigan ko "Sige. Pakamusta mo na lang ako kay Tita ingat ka" at pumunta na siya kung saan naka park yung bisekleta niya yup nag bibisekleta din siya hindi dahil tamad siya dahil may pagkalayuan talaga yung Apartment Building nila napag pasyahan kong mag ikot ikot muna dito sa loob ng campus para naman maging familiar ako sa lugar kung saan tatagal ako ng apat na taon

Una kong pinuntahan ay yung swimming area nila may mga nag training na ibang students at yung iba naman nanonood lang naki nood na lang din ako sa kanila para naman hindi ako maboring grabe halata mong babad sa training yung mga players nila dahil ang bibilis nilang lumangoy parang mga sirena lang hehe dati gusto ko talaga matutong mag swimming kaso hindi talaga ako matuto dahil takot ako tubig noon pero noon yun hindi ngayon "Miss bago ka lang dito" tanong sakin nitong lalaking umupo sa tabi ko "Oo transfer lang ako dito" sakto wala akong makausap buti na lang dumating si Kuya hehe atleast ngayon may makakausap na ako "Gusto mo matutong mag swimming" tanong naman niya sakin gusto ko sana kaso wala akong dalang extra shirt at pants "Sa susunod na lang" sayang naman kung kelan may magtuturo na saking lumangoy dun pa ko walang baong extra shirts "Ikaw ba bago ka lang din ba dito" tanong ko sa kanya para naman hindi puro siya yung unang kumakausap sakin "Hindi. Matagal na ako dito" ah kaya pala pero sa kilos niya parang transfer din siya "Paano miss mag practice muna ako bye" sabay alis nung lalaking kausap ko so isa din pala siya sa mga players dito sayang naman hindi ko natanong yung pangalan niya

Umalis na lang ako sa Swimming Area nila at bumili ng makakain sa Cafeteria grabe hanggang ngayon ba naman hindi pa din nababawasan ng tao i mean sobrang daming tao pa din hanggang ngayon. Bakit hindi sila mag ikot ikot dito para naman hindi sila puro nakatambay pero sabagay baka tinatamad lang sila kaya mas minabuti na lang nilang dito mag stay umorder ako ng cheese cake at ice chocolate drink nila

Sunod na pinuntahan ko naman yung library nila syempre bawal maingay dito kaya masasabi kong napaka peaceful ng lugar na'to dahil nakakapag isip isip ka talaga kapag kailangan mong mapag isa nag libot lang ako malaki yung library nila at bilang lang yung mga students na nandito na nagbabasa at yung iba naman natutulog ng pasimple gusto ko sana mag stay dito kaso wala ako sa mood magbasa ngayon kaya lumabas na lang ako siguro kung nandito yung bestfriend ko hindi ako maboboring at madami kaming malilibot ngayon uuwe na lang ako dahil tinatamad na din ako maglibot siguro bukas na lang pagtapos ng klase namin or pag free time

Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon