Easton Zayd

24 18 1
                                    


Nerd.

Yan ang kadalasang tawag sakin mga classmates ko dito sa School ko sa St. Paul University in Manila hindi ako baguhan dito dahil Highschool pa lang ako dito na ako nag aaral. Kahit pala matagal ka na sa school na pinapasukan mo kung ayaw makipag kaibigan sayo ng mga tao magiging lonely ka talaga alam ko naman na walang gustong makipag kaibigan sakin dahil nerd akong tao na nakasalamin na makapal at puro libro ang hawak at palaging naka tambay sa library.


Ako nga pala si Easton Zayd 'Easton' yung kadalasang tinatawag sakin ng mga kakilala kong teacher's at ganon din ang tawag sakin ng pamilya ko.


Sana ngayong taon na'to may makipag kaibigan na sakin. Ayoko naman umalis sa school na'to na walang kinikilalang kaibigan


Maaga pa lang pero nandito na ako sa loob ng class room namin. Hindi lang naman ako ang tao dito nandito na din yung iba kong classmates pero bilang lang dahil masyado pa ngang maaga nakasanayan ko ng pumasok ng maaga dahil wala din naman akong ginagawa sa bahay kaya mas pinipili kong pumasok ng maaga at dito sa class room magbasa o hindi kaya tumambay muna sa library habang hindi pa nag bebell pero sa ngayon tinatamad ako pumunta sa library dahil gusto kong maging komportable dito sa seat ko sa bandang dulo mas gusto ko yung naka pwesto sa bandang hulihan para hindi masyadong bullyhin or pagtawanan.


"Grabe ang tagal talaga ng babaeng yon kahit kelan" narinig kong sabi nitong babaeng nasa bandang gitna naka pwesto matangkad siya at mahaba ang buhok


Agad naman siyang napalingon sakin at tinaasan ako ng kilay "Oh bakit ka nakatingin sakin" ang sunget naman nitong babaeng ito hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at nagbasa na lang ng librong hawak ko


Nag sisidatingan na yung mga classmates ko and as usual wala na namang gustong tumabi sa katabi ko pero ayos lang nasanay na ako simula noon pa man wala ng may gustong kausap at maging kaibigan ang isang tulad ko.


Nakikinig lang ako sa dinidiscuss ng teacher namin at nag tatake down notes dahil pagkauwi ko sa bahay mamaya irereview ko yung
mga nai discuss niya.

Cafeteria!


Lunch na at umoorder ako ng kaldereta at isang pine apple juice naghanap ako ng vacant seat dahil halos puno na yung mga ibang table dahil sa dami ng nagaaral dito sa eskwelahan na'to.


Nakahanap ako pero nakaupo dun yung babaeng sinungitan ako kaninang umaga at kasama niya yung kaibigan niyang maikle at may full bangs "Gusto mo maki table" tanong sakin nung kaibigan niya "O-okay lang ba" nauutal ako dahil nakatulala ako sa babaeng nagsungit sakin kanina ewan ko ba unang kita ko pa lang sa kanya parang tumigil yung mundo ko siya lang yung nakikita ko "Hoy upo na anong inaantay mo pasko" agad naman ako bumalik sa wisyo ng pinaupo niya na ako "Ako nga pala si Athena Georgia pero 'Athena' na lang" ngumiti naman ako sa kanya "Ako naman si Easton Zayd 'Easton' na lang" inaantay kong makipag kilala sakin yung babaeng masungit pero mukhang wala ata siyang balak "Eto nga pala yung kaibigan ko si Cora Blair pero 'Blair' na lang" pagpapakilala ni Athena don sa kaibigan niyang masungit.


Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain ng lunch. Sabay sabay na kaming tatlo bumalik sa class room bago mag bell classmates naman kami kaya okay na din na magka sabay sabay kami


Naging Kaibigan ko na sila pero si Athena lang masyado kong nakakausap dahil ayaw masyadong makipag usap ni Blair kaya hinahayaan ko na lang mas okay na'to atleast may mga kaibigan na ako!


Sobrang saya ko dahil may kaibigan na din ako sa school na'to sawakas!


Madaldal si Athena kaya hindi siya nakakaboring kasama alam kong magiging close din kami ni Blair siguro unting panahon pa para maging close na talaga kaming dalawa.


Nung natapos na yung klase ginamit ko na yung Bisekleta ko dahil mas komportable ako gamitin yung Bisekleta ko kesa magpahatid sa driver namin. Exercise din kasi ito lalo na pag umaga!


Sakto lang naman yung layo ng bahay namin sa school kaya hindi ako nangangalay mag pedal ng mag pedal.


"Easton anak kamusta ang school" pambungad sakin ni mommy himala maaga ko yata siyang nakita dito sa bahay kadalasan kasi inaabot sila ng gabi ni daddy sa opisina "Ayos naman po mommy may mga friends na din po ako" sabi ko para naman aware siya na hindi forever lonely ang anak niya sa school ko "Its great! Imbitahin mo sila sa sunday celebration birthday ni Astrid" si Astrid bunso kong kapatid na babae "Sure mom. Akyat po muna ako" pumanik na ako sa kwarto ko para makapag pahinga at para mareview ko na din yung nai discuss ng teacher namin kanina


Kinatok na ako ni mommy para kumain na ng dinner wala pa si daddy dahil for sure gagabihin na naman siya paguwe.


Nang matapos na ako agad akong nagpaalam sa kanila na papanik na ako sa kwarto ko para naman mag basa ng libro nakatulog kasi ako kanina habang nirereview ko yung naidiscuss nung teacher namin.


Natulala ako sa kisame iniisip na ano kayang mangyayari  kinabukasan magiging close na ba kami ni Blair hindi na ba siya magiging masungit sakin teka nga bakit ko ba iniisip yung babaeng masungit na yon hindi ko alam basta basta na lang siya pumapasok sa isipan ko hindi pwedeng magustuhan ko agad siya dahil unang beses ko pa lang siyang nakita kanina.


Pinili ko na lang matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas!

Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon