Caleb Kade

22 17 2
                                    


Nandito ako sa paborito naming restaurant ni Papa nagbabakasakali na makita ko uli siya at maka sabay kumain ng fried egg at fried noodles.

Apat na taon na ang lumipas ng nawala si Papa pero eto pa din ako nagbabakasakali na makita at makasama ko uli siya hindi ko pa din matanggap na iniwan kami ni Papa.

Kumain lang ako ng paborito naming pagkain at umuwi na sa Apartment Building na inuupahan namin mag isa lang ako dito dahil nasa probinsya yung Mama at yung bunso kong kapated nasanay na din naman ako mag isa dahil noon pa man wala na akong kasama dito sa Apartment na tinutuluyan ko.

Palabas na ako ng Apartment Building namin ng may nakita akong babaeng nakaupo sa isang bench at mukhang nakatulog yata tinitigan ko lang siya at umalis na din gamit ang Bisekleta ko!

School

Pumasok na ako sa classroom namin at kakaunti pa lang yung mga students na nandito dahil maaga pa nga lang.

May lumapit saking dalawang babae at nagpakilala "Hi ako nga pala si Parker" pakilala nung isang babae "Caleb" simpleng sabi ko dahil hindi naman ako pala usap "Ako nga pala si Mae" sabi naman nung isang babaeng may pagka chubby nag nod na lang ako sa kanila at pinag patuloy ang pagsusulat.

May lumapit naman saking lalaking naka salamin "Gusto mo sumaling maglaro ng basketball" tinignan ko lang siya "Tinatamad ako" sabi ko "Easton Zayd nga pala bro tara na" pag aaya niya sakin "Caleb Kade, sige na nga tara" at agad na kaming pumunta sa basketball court ng school.

Niyaya lang din pala si Easton ng iba naming classmates kaya sinama niya ako dahil wala pa daw yung isang kaibigan niya.

Nasabi din sakin ni Easton na ipapakilala niya ako sa mga Kaibigan niya mamaya at wala pala ang first subject namin kaya nag aya yung mga classmates namin maglaro ng Basketball mas okay na din ito dahil maaga pa at para exercise na din!

Makalipas ang isang oras natapos na kaming maglaro ng Basketball dumiretso kami ni Easton sa locker at nag shower na kwento niya sakin na first time lang daw niya magka roon ng mga Kaibigan.

"Wag kang mag alala Easton isa na din ako sa mga Kaibigan mo" sabi ko sa kaniya sabay akbay habang naglalakad kami pabalik sa classroom "Salamat Caleb" nakarating na kami sa classroom at nandoon na yung mga classmates namin!

Lumapit kami ni Easton don sa dalawang babae at pinakilala ako "Goodmorning Blair at Athena ito nga pala si Caleb Kade new friend" pagpapakilala sakin ni Easton "Caleb" at nakipag shake hands naman ako don sa dalawang babaeng kaibigan ni Easton napansin kong nakatitig sakin yung babaeng may bangs at maikle ang buhok siniko naman siya nung katabi niyang si Blair kaya bumalik na siya sa wisyo niya "Papakilala ka na lang namin kay Colson mamayang lunch may training daw kasi siya" sabi ni Blair nag nod na lang ako at bumalik na ako sa upuan ko!

Mabilis natapos ang klase at papunta na kami ngayon sa Cafeteria dahil nandon na daw si Colson.

Cafeteria!

"Bro si Caleb new friend" pagpapakilala sakin ni Easton nag ngitian lang kaming dalawa at umupo na din sa upuan "Caleb tara samahan natin si Easton mamaya mag cocomputer daw" pag aaya sakin ni Colson pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay mamaya.

Bunalik na din si Athena at Blair na may dalang tray "Guys punta kayo sa sunday celebration birthday party nung bunso kong kapatid" pag aaya samin ni Easton "Sige lang bro basta may pagkain go lang" sabi naman nitong si Colson "Pupunta kami ni Athena basta sabihin mo lang address niyo" sabi din ni Blair pumayag din ako dahil kumpleto ang barkada kaya sumama na din ako!

Kanina ko pa napapansing tahimik yung Athena at patingin tingin sakin "Master ang tahimik mo yata" ani ni Colson kay Athena kaya nabalik sa wisyo itong si Athena "H-hindi m-masakit lang ulo ko" at humawak pa sa ulo niya na kunwari hinihilot hinila naman niya si Blair at lumabas ng Cafeteria "Anong problema non" pagtatanong ni Easton nag kibit balikat na lang kami dahil kahit kami nagulat sa pag alis ni Athena at Blair.

Hindi na namin sila naintay at bumalik na kaming tatlo sa loob ng classroom. Nandoon na din naman sila kaya okay lang

Umupo na ako sa upuan ko at nilapitan na naman ako nung dalawang babaeng lumapit sakin kaninang umaga "Gusto mo ng dessert Caleb" pagtatanong sakin ni Parker hindi ako sumagot at nag lagay na lang ng earphones sa tainga ko napansin ko namang umalis na lang din yung dalawa.

Natapos na din yung klase at umalis na kami nila Colson at Easton papunta doon sa Computer Shop na sinasabi ni Easton pare parehas pala kaming tatlo naka bisekleta!

"Colson sa tingin mo may pag asa ba ako kay blair" pagtatanong ni easton habang nagsisimula kaming tatlo maglaro "Hindi ko masasabi bro" sabi ni colson at pinagpatuloy ang paglalaro "Ikaw ba caleb wala ka bang nagugustuhan sa mga classmates natin" tanong sakin ni easton "Wala focus ako sa studies ko" di na siya sumagot at nagpatuloy na sa paglalaro sa computer na nasa harapan niya!

Inabot kami ng mahigit tatlong oras sa paglalaro kaya ginabi na kami kumain muna kaming tatlo sa labas bago umuwe.

Papasok na ako sa Apartment Building namin ng makita kong nasa tapat ng gate si athena "Hi caleb dito din ba yung apartment mo" pagtatanong niya "Oo" simple kong sabi at nagpatuloy na lang sa pagpasok hinabol niya ako kaya napatigil ako "Caleb pwede ba ako pumasok sa apartment mo" tinitigan ko siya at umiling at sabay sinarado ko na yung pintuan ng bahay namin.

Kinabukasan walang pasok eto lang ako nasa kwarto ko nag babasa ng libro at nanonood din ng tv "Wala namang magawa ang boring" sabi ko sa sarili ko at lumabas na lang sa apartment building na inuupahan ko

Napunta ako sa malapit na park dito at umupo sa isa sa mga bench nakatingin sa langit namimiss ko na si papa sana mabigyan kami ng pagkakataon na makapag sama uli miss na miss ko na siya sobra!

"Ang ganda ng langit noh" nagulat ako sa nagsalita kaya napatingin ako para tignan kung sino "Sorry, nakita kasi kitang mag isa kaya lumapit ako" sabi ni Athena ang kaniyang kaibigan.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa langit para pagmasdan ang ganda nito!

"Caleb may nabili ka na bang regalo para doon sa kapatid ni easton" pagtatanong sakin ni athena "Wala pa baka mamaya bago ako umuwe" sabi ko naman "Sabay na lang tayo, bibili din ako" tumango na lang ako sa sinabi niya.

Sabay kaming naglalakad ni Athena papunta sa malapit na book store dito sa park para makahanap ng pwedeng iregalo sa kapatid ni easton na mag cecelebrate ng birthday ni'to nasabi ni easton na mahilig daw magbasa ang kapatid niya kaya dito kami pumunta ni Athena upang makahanap ng ipang reregalo!

Naghiwalay mo na kami ni Athena para mas madaling makapili ng ireregalo. Pinili ko na lang yung mga kadalasang binabasa ng isang babae novel's book!

Magbabayad na ako sa counter para doon na lang hintayin si Athena sa labas ng book store pero heto na pala siya sa likod ko at may hawak na tatlong libro!

Di ko na siya pinansin pa at nagbayad na at dumiretso na sa labas ng book store.

Sabay kami naglakad uli't ni Athena papunta sa apartment building namin ng nasa tapat nako ng apartment ko may binigay siya saking isang supot at bigla na lang kumaripas ng takbo!

Weird.

Binuksan ko yung supot at may laman yun ng libro tinago ko na lang yon at nag luto na ng hapunan para sakin.


Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon