Gusto ko pa sanang samahan si Athena sa paglilibot sa campus namin pero tinawagan ako ni mama na dumaan daw ako sa coffee shop na pinapasukan niya dahil absent daw yung kasama niyang isa pumayag na lang ako dahil ayoko namang mapagod ng sobra yung mama ko yung tatay ko iniwan na kami bata pa lang ako kaya si mama lang yung nagpalaki sakin at nagpaaral sa magandang eskwelahan na pinapasukan ko ngayon at tsaka gusto ko din mag ipon ng pera ngayon para hindi na ako hihingi kay mama ng pang baon kaya eto tinanggap ko yung offer ni mama bibigyan daw naman ako ng sahod dito kahit isang araw lang ako dito sa coffee shop nilaAko nga pala si Cora Blair pero kilala ako bilang 'Blair' parehas kaming transfer ni Athena sa school na pinapasukan namin matagal ko na siyang kaibigan dun pa lang sa dati naming school mag bestfriend na kami ang pinag kaiba nga lang namin ako may pagka sigang babae at matangkad at mahaba ang buhok samantalang si Athena maikli at full bangs at saka maliit na tao pero matapang din siya at palaban na tao kaya nga nagustuhan ko siyang maging kaibigan e dahil alam kong pag wala ako sa tabi niya makakaya niyang ipagtanggol yung sarili niya kung may mang bubully man sa kanya
"Blair anak magpahinga ka na muna kanina ka pa kumikilos" sabi sakin ni mama ayoko na kasi munang pakilusin si mama dahil alam kong pagod na siya "Hindi ma ayos lang po" at pinagpatuloy ko na ang pag mamap sa sahig nitong coffee shop madaming tumutuloy sa shop na pinapasukan ni mama dahil sikat yung may ari nito at karamihan na kumakain dito o tumatambay e mga studyante
Natapos na din yung trabaho namin ni mama at umuwi na kami si mama nag Jeep samantalang ako ginamit ko yung bisekleta ko dahil pagkagaling ko sa school namin kanina dito na ako dumiretso para matulungan agad si mama sa trabaho niya sinabi ko sa sarili ko na magaaral ako mabuti at tutupadin ko yung pangako ko kay mama na makapag tapos ng pag aaral dahil ayokong baliwalain yung mga paghihirap at pagsasakrapisyo niya sakin
Pagka dating ko sa bahay nandun na si mama at nagluluto ng hapunan namin "Ma magpapalit lang po ako ng damit" at pumanik na ako sa taas para makakain na kami at makapag pahinga na oo nakakapagod magtrabaho pero para sakin at kay mama din yung ginawa ko kanina kaya ayos lang hindi ko kailangan magreklamo dahil si mama na sobrang pagod hindi ako nakarinig ng kahit anong reklamo sa kaniya kaya dapat lang na gayahin ko yung mama ko
"Blair halika na kumain na tayo" pag aaya sakin ni mama kumain na kami at nag kwentuhan ang sarap talaga magluto ni Mama the best na Mama sa buong mundo! "Ma ang sarap mo talaga magluto" sabi ko kay mama para naman mawala kahit papaano yung pagod ni mama "Naku ang anak ko bolera kumain ka ng kumain para mabusog ka" kumain naman ako ng kumain dahil kapag si mama yung nagluluto masarap talaga
Ako na yung nagurong dahil magpapahinga na si Mama dahil sigurado ako pagod na pagod siya sa trabaho niya kanina ayos lang naman sakin magurong dahil ayoko namang pakilusin pa si Mama at saka hindi naman masyasong madami yung inuurungan ko kaya ayos lang pagtapos kong magurong pumunta na ako sa kwarto ko at tinignan yung uniforms namin ang ganda isang polo shirt na white para yata sa pe class namin at yung para sa normal day e isang blue and white na style jacket at may jogging pants na white and blue din wow ayos to sinukat ko naman yung uniforms at saktong sakto saken
To: Athena Georgia
Psh bawal malate bukas. Goodnight see you!
Hindi na nagreply si Athena sa messages ko dahil siguradong tulog na yun ngayon. Nagmuni muni muna ako bago maisipang matulog na dahil maaga pa ang pasok ko sa School
The next day!
Maaga pa lang ginising na ako ni Mama para makapag handa para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Hindi na din naman ako nagreklamo dahil ayoko din malate hindi ako yung taong late palagi sa school mas maganda na kasi yung maaga ka atleast pagdating mo pa lang sa school kakaunti pa lang yung mga makakasalamuha mong students. Hindi naman sa ayokong makisalamuha sa mga classmates namin mas nagiging 'good' kasi yung morning ko kapag nakakapag isip isip ako ng mga pwedeng gawin ngayong araw.
Pagtapos kong kumain nagmadali akong maligo at hinayaan na nakalugay yung mahabang buhok ko tinatali ko din naman yung buhok ko kapag tuyo na dahil ayoko ng kumakalat yung buhok ko sa mukha ko naiirita ako kapag ganon.
Naalala ko kadalasang asar sakin ng mga classmates ko dati 'tomboy' daw ako dahil kahit sa lalaki pumapatol ako hindi naman sa 'tomboy' ako ayoko lang talaga ng inaapi ako kahit mapa lalaki man yan dahil isa yon sa mga sinabi sakin ni mama na wag ko daw hahayaan na api apihin ako ng mga tao dahil masasanay daw sila at uulit ulitin lang yun kaya simula nun naging matapang akong tao pero yung pagiging matapang ko nilulugar ko.