"Colson hindi mo na naman inayos yung training mo" pambungad sakin ng coach ko pagtapos kong magpalit ng damit sa locker ko.
Hindi ko alam wala ako sa sarili ko ngayon dahil nagaway na naman kami ng kapatid ko dahil sinisiraan niya ako kela Mama at Papa alam kong siya yung mas matalino at mas matanda sakin pero hindi ako papayag na siraan niya ako kaya nagkainitan kami ng ulo at nauwi sa bugbugan syempre siya ang kinampihan ni Mama at Papa dahil don lang naman sila naniniwala palage
"Sorry po Coach mag training na lang uli ako mamaya after class una na po ako" sabi ko kay Coach bago lumabas ng swimming area bata pa lang ako hilig ko ng lumangoy kaya ng napasok ako sa University na'to hindi ako nagdalawang isip na maging players ng swimming dito
Pumasok na ako sa classroom at nalate pa ako dahil napa tagal yung pagtambay ko sa locker kanina "Late ka na naman come in" sabi sakin nung prof namin agad akong naghanap ng vacant seat at yung nasa huli na lang yung bakante kaya umupo ako don katabi yung lalaking nakasalamin nagulat siya ng doon ako tumabi kaya nginitian ko na lang siya
Nag discuss yung prof namin ng sobrang haba naboboring ako hindi naman kasi ako sanay makinig sa mga prof noon pa man.
Ako nga pala si Colson Nicholas pero kilala ako sa pangalang 'Colson' hindi ako pala kaibigan sa mga naging classmates ko noon kaya nasanay na din ako na mag isa
Natapos din mag discuss yung prof namin at inaantay lang namin dumating yung susunod naming prof ang ginagawa lang naman ng mga classmates ko kung hindi nagdadaldalan nag pipicture may mga iba ding gumagawa ng love letter para ibigay sa mga nagugustuhan nila.
"Ako nga pala si Easton Zayd" pakilala sakin nitong katabi ko "Colson Nicholas pare pero 'Colson' na lang" pakilala ko din dahil ayoko naman siyang isnob nag kwekwentuhan kami ni Easton at aaminin ko masaya siyang kausap dahil madaldal siya at hilig niya din ang magbasa ng libro at maglaro ng online games sa mga computers!
Tinawag niya yung dalawa niyang kaibigan na babae at pinalapit sa upuan namin "Colson ito nga pala si Athena at saka si Blair mga kaibigan ko" ngumiti lang ako sa kanila at ganon din naman sila masasaya sila kasama dahil mga kalog din sila pero nakatitig lang ako kay Athena na tumatawa cute siya maikli ang buhok at full bangs at maliit lang siya pero na attract ako sa kanya dahil ang cute niya lalo na kapag tumatawa siya
Dumating ang lunch at sabay sabay kaming pumunta sa Cafeteria at sabay sabay kumain ng lunch ang saya ko dahil may kaibigan naging kaibigan din ako sa mga naging classmates ko. May mga nakikipag kaibigan naman sakin pero hindi ko masyadong kimakausap dahil mas gusto ko yung mag isa lang ako pero ngayon na nakilala ko sila Easton mas gusto kong makasama sila palagi dahil alam kong masasaya sila kasama.
"Colson familiar ka sakin" sabi sakin ni athena at nag isip pa siya kung san kami nagkita naalala ko siya nga pala yung nilapitan kong babae nung mag tratraining ako "Ikaw ba yung babaeng nakausap ko sa swimming area" agad naman siyang tumango at sinabi sakin na gustong gusto daw talaga niya matutong lumangoy kaya lang wala siyang dalang pamalit kaya tumanggi siya nung tinatanong ko siya nilapitan ko lang siya non dahil mag isa siya at halata mong naninibago sa lugar.
"Balik na tayo sa classroom gagawin ko pa yung essay" sabi ni Blair at bumalik na kami sa classroom nandito na din yung iba kong mga classmates yung iba naman nasa Cafeteria pa at yung ibang naglilibot sa Campus "Colson mahilig ka din bang maglaro ng online games" tanong sakin ni Easton "Minsan lang kapag wala akong magawa" siguro gusto akong yayain nito nako hindi siya mananalo sakin kahit na minsan lang akong maglaro malakas to! "Punta tayo sa bagong bukas na Computer Shop dito malapit lang sa School ano g" sabi na nga ba e kaso wrong timing nag promise ako kay Coach na mag training ako "Pass muna Easton may training ako ng swimming" ayos lang naman daw sa kaniya sa susunod na lang daw
Dumating na din yung next na prof namin at nag pasulat lang siya pagtapos niyang mag discuss nakatitig lang ako sa kawalan dahil tinatamad ako magsulat hihiramin ko na lang yung notebook ni Easton at sa bahay ko na lang susulatin siniko ako ni Easton kaya napatingin ako sa kaniya tinuro naman niya yung nasa gilid ko kaya napatingin ako don at nagulat na nakatayo pala sa gilid ko si Prof "Wow ang ganda ng iniisip mo ha bakit hindi ka nagsusulat ha" napatingin naman samin yung mga classmates ko at napakamot na lang ako sa ulo "Sorry po" pagpaumanhin ko at naglabas na lang ng notebook at umalis na din naman siya sa gilid ko
Nang natapos na ang klase ay agad akong dumiretso sa Swimming Area para makapag training ako hindi ko na naabutan si Coach dahil maaga daw tong umalis sabi sakin nung ibang nag training doon.
Habang nagpapahinga ako sa gilid ng pool di ko maiwasang hindi isipin si Athena kapag naalala ko yung mukha niyang tumatawa napapangiti ako ang cute niya kasi ang unique ng itsura niya sa lahat ng mga babaeng nakakasalubong ko hindi ko alam bakit naiisio ko siya.
Sa tingin ko na love at first sight yata ako sa kaniya!
Bumalik na ako sa pag training dahil ayokong abutan ng gabi dito sa loob ng Campus at saka kakausapin daw ako ni Mama at Papa kaya nagmadali akong umuwi para malaman kong ano bang sasabihin nila sakin katulad ng ibang mga students nag bibisekleta lang ako dahil noon pa man ito na yung ginagamit ko mas nasanay kasi ako dito.
Pagkauwi ko sa bahay wala pa sila Mama at Papa kaya umakyat muna ako sa kwarto ko para makapag palit ng damit bumaba na din ako para makapag meryenda at hintayin sa living room sila Mama "Nandyan ka na pala" pagbungad nila Mama kaya napaayos ako ng upo "Hijo dederetsuhin na kita" sabi sakin ni Papa "Doon ka na muna tumira sa bahay ng lola mo dahil matanda na ang lola mo at walang mag aalaga" napatingin naman ako sa kanila at hindi makapaniwala na ako yung pinadala don para mag bantay kay lola ayoko namang hindi bantayan yung lola ko pero bakit ako bakit hindi yung magaling kong kapatid "Bakit ako bakit hindi si Jared" sabi ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako yung naisip nilang ipadala kay lola "Masyadong busy ang kapatid mo wag kang mag alala may katulong naman don pero ang gusto ng Papa mo may nagbabantay pa din sa lola mo bukod sa katulong" siguro ayaw na nila akong makasama dito sa bahay kaya ako yung napili nila ipadala doon
Wala na din naman akong magagawa kaya umakyat na lang ako sa taas para ayusin yung mga damit ko narinig kong tinawag pa ako ni Mama at Papa pero hindi ko na sila pinansin galit ako sa kanila dahil kahit pati ba naman dito gusto na nila akong mawala sa buhay nila.
Nung natapos na ako sa pag iimpake ng mga gamit at damit ko dire diretso akong umalis ng bahay naabutan ko pa sila na kumakain ng hapunan at masayang nagkwekwentuhan. Hindi na ako nagpaalam pa dahil ayoko naman sirain yung masaya nilang paguusap
Nakarating na din ako sa bahay ng lola ko at pumasok sa loob gaya ng sabi ni Papa nandito na yung katulong "Sir kayo po ba si Colson Nicholas" tanong sakin ng katulong na nandito "Oo ako nga nasan si lola" pagtatanong ko sa kanya sinabing nasa kwarto daw si lola at nagpapahinga na nagpahanda na lang ng dinner dahil nagugutom na din ako hindi ako kumain sa bahay dahil ayokong saluhan sila Mama at Papa at yung magaling kong kapatid
Nagpahinga na ako sa kwarto ko dito at inayos ang mga gamit ko nagpahinga na ako dahil ayoko na din isipin yung Pamilya ko at alam kong sasakit lang ang ulo ko pag inisip ko na naman sila masaya na sila na wala na ako sa Pamilya nila!