Chapter 1

41 4 0
                                    

Rae's POV

"haaaaa" hikab ko, inaantok pa ako super, kung hindi ba naman kase ako tanga alam kong may pasok pero halos 2 oras lang ang itinulog ko.

"Antok na antok ka ha, anong oras ka ba natulog Nesrin Rae?" Tanong ni kuya Archer habang nagdadrive sya. Papasok na kami at Lunes na Lunes pero mukhang wala ako sa wisyo para mag-aral.

Hindi ko naman sya sinagot. Pumikit nalang ako kasi kusa nang nagsasara ang mga mata ko sa sobrang kaantukan.

Dinaig ko pa kase yung binangungot hindi ako makatulog sa sobrang pag-iisip, sobrang stress. Di kasi ma- take ng utak ko yung nangyari kagabi. Hay Aldric Jaxx gunggong ka talaga!

*Flashback*

HINALIKAN AKO NI JAXX!

Alam kong may nararamdaman ako sa kanya pero hindi pwede ito! Habang hawak ako ni Jaxx sa bewang at ang isang kamay naman nya ay nasa batok ko, inilagay ko ang dalawa kong kamay sa dibdib nya at saka ibinuhos ang bigat doon upang maitulak sya palayo sa  akin.

Pagkatulak ko sa kanya ay agad din akong lumayo ng kaunti sa kanya.napasabunot siya buhok nya, nagulat din siguro sya sa ginawa nya. Magsasalita pa lang sana ako ng bigla syang magsalita

"Damn it! Rae, I'm sorry."
Halata sa boses nya na natauhan sya sa sarili nyang katarantaduhan. "Hindi ko sinasadya sorry, It was not my intention to do that Rae. Sorry" Manghahalik tapos hindi daw sinasadya! Siraulo.

Tumayo na ako at saka lumapit sa kama ni Jaxx at doon umupo, dire- diretso lang ako at hindi ko tinapunan ng tingin si Jaxx na kasalukuyang iritado sa sarili nya.

Tumayo siya at habang papalapit sa akin ay napapasabunot pa sa sarili nyang buhok, huminto si Jaxx sa tapat ko at saka dahan dahang umupo sa harapan ko upang magpantay kami.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at tinaas naman ng isa nyang kamay ang baba ko upang magpantay ang paningin namin dahil nakayuko ako.

"Rae, sorry, hindi ko sinasadya." Aniya habang nakatitig sa akin "Alam mong hindi kita kayang bastusin. Sorry kung ginawa ko yon." Hindi naman talaga ganun si Jaxx maski ako nagulat sa ginawa nyang paghalik."Rae! magsalita ka naman please?" Halatang iritado na sya dahil wala syang makuhang sagot sa akin.

Tinignan ko rin ng diretso sa mata si Jaxx, at nakita ko ang gulat na sumilay sa mukha nya nang magsalita ako

"You asshole! That was my first kiss" huhuhu yun ang first kiss ko eh. Wala na hindi na romantic gunggong kase tong si Jaxx. NAKAKAINISSS!

Nanatiling nakatitig sakin si Jaxx, Hindi yata alam kung paano siya magrereact sa sinabi ko.

Bago pa man din sya makapagreact ng kung ano, hinila ko ang tenga nya at saka ako tumayo.

"You! Aldric Jaxx that was my fucking first kiss!"

"The heck! Nesrin Rae, it hurts aww"

"Hindi naman kasi sayo nakalaan yon gunggong ka! naiinis ako sayo,masasaktan ka talaga!" Patuloy ako sa pagpingot ng tenga nya at alam kong nasasaktan na talaga sya dahil randam ko ang pag-init ng tenga nito.

"Rae, ouch! Please stop! Shit!" Nagmumura na sya sa sakit "Let's talk about this." Hawak hawak nya ang sariling tenga at ang kamay kong nakapingot dito habang nagmamakaawa sa akin na bitawan ito.

"Tss! Fine" binitawan ko naman ang tenga nya pagkasabi ko nito. Kitang kitang nasaktan ang loko dahil sa sobrang pamumula ng tenga nya.

Umupo muna ulit ako sa kama habang si Jaxx ay umupo naman sa couch na nasa gilid ng kwarto nya. Nasa gilid ang couch kaya ang posisyon namin ngayon ay magkaharap sa isa't isa.

By His Side (ON- GOING)Where stories live. Discover now